Sorry po sa typo's :) chaarrots :*
Ramier
"Binabati kita mortal sa iyong pagkapanalo. Tanggapin mo ng buo itong handog ko, bilang papuri sa iyong kakayanan bilang isang mortal. Nawa'y manatiling malinis ang iyong puso at kaluluwa, kahit na binabalot ito ng kadiliman." rinig kong sabi ng boses ni Lucifer mula sa paligid.
Agad na naghiwalay kami sa aming yakapan ni Drix.
Bigla kasi akong nanabik na mahagkan siya buhat ng masaksihan ko ang ilusyong aking kinatatakutan mula sa sumpa ni Lucifer sa dwelo namin kanina. Laking pasalamat ko na ayos lang si Drix. Haaayyy.
Ilang saglit pa ay lumitaw ang kulay itim na enerhiya sa itaas namin at pumasok ito sa aking katawan dahilan para manlabot ang aking mga tuhod dahil sa lakas ng pwersa na bumalot sa aking pagkatao.
"Ayos ka lang Ramier? Ganyan talaga pag pumapasok ang mga enerhiya sa katawan natin." alalang sabi nito saka ako inalalayan sa pagtayo.
"S-siya nga. Hehe. Ayos lang naman ko Drix. Huwag kang masyadong mag-alala riyan." nakangiting saad ko rito ngunit tinaas lang nito ang isa niyang kilay. Ang gwapo. Haha
"U-uy! S-sabing ayos lang ako! Hindi mo naman kailangang gawin ito. H-hoy!" tarantang saad ko nang buhatin ako ni Drix na parang sa bagong kasal. Tangna. Nag iinit na itong buong mukha ko.
"Haha. Ano ka ba, hayaan mo lang ako. Batid kong nanghihina pa ang katawan mo." nakatawang sagot nito sa akin. Naku naman! Hindi na ako nagsalita sa tinuran niya.
"Sige na. Pindutin mo na yang mahiwagang orasan nang maka uwi na tayo. Hehe." utos nito na siya ko namang sinunod, at nagsimula na siyang maglakad papasok sa portal habang buhat-buhat ako.
Ayayayyyy.
Blake
In just a split second, biglang lumitaw na naman sa harapan namin ni Morisson sina Drix habang buhat si Ramier na parang newly wed. Ayyyyyy. HAHAHA. kakilig. Parang kaninang umaga lang, ganito rin sina Zeke at Sky. Hehe
Kakaalis pa lang nila tapos bumalik kaagad ng ganyang estado. Enebe nemen.
"Uuuyyyy! Ang sweet niyo namang dalawa. Haha. Haaangg cuuuute." I said with full of enthusiasm. Ngumiti lang naman yung magcouple. Sana all.
"Kamusta? Tagumpay ba ang inyong journey?" dagdag ko pa na tanong sa kanila.
Tumango lang naman ang dalawa at masayang ngumiti. Haaayyy thank goodness. Na awaken na namin lahat ng powers namin. Ahuhuhu.
Agad na naglakad si Drix sa tapat ng sofa namin saka mahinang ini-upo si Ramier. Jusme. Tama naman!
"Hayyynaku! Tama na yang ka cheesyhan ninyo oh. Puuulleeeaaaseeee!" I said in a joke saka kumapit sa balikat ng katabi ko without realizing it.
"Ayyyy. Sareey! Hahaha." ilang na sabi ko kay Morisson matapos itong namula nang hagkan ko ang braso nito. Hehehe.
"Siya nga pala. Mukhang puno na ang mahiwagang orasan oh. Ano na ang susunod nating gagawin dito?" pag iiba ni Ramier ng usapan saka pinakita yung magic clock na umiilaw ng rainbow yung paligid. Full na nga ang energy dito.
"Hmmmmm." sabay sabay kaming napa isip.
Agad kong nilibot ang aking paningin sa buong lugar nang may na sense akong kakaibang wave ng energy.
Nagulat ako nang dumako ang aking paningin sa misteryosong puting pinto na dinaan daanan lang namin. Mukhang may umiilaw na circle sa pinaka-gitna nito. Saka ko binalik ang aking tingin sa magic clock na hawak ni Ramier at mukhang magkasinglaki ang size nito na nandoon sa pinto.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
