Sorry po sa typo's :) hawhawhaw :*
Drixer
Nang lumabas ako sa itim na portal na ginawa ni Ramier ay napunta ako sa pinakabungad ng isang bahay.
May mga nakasulat na mga salita rito na hindi ko mawari kung ano at ang paligid ay puno ng mga pulang nakasabit na mga parol. Maingay din ang lugar at puno ito ng sandamakmak na mga moratl ngunit parang walang nakapansin sa biglaang paglabas ko mula sa kawalan.
Tumingin ako sa aking harapan, at mukhang isa itong bahay na nilagyan lamang ng mga paninda.
Siguro'y ito na ang lugar na aking dapat puntahan dahil dito ako inilabas ng kapangyarihan ni Ramier.
Dumiretso na ako sa loob ng tindahan na iyon.
"Krrriiing!" tunog ng maliit na kampana na nakadikit sa pinto, at medyo nagulat ako doon.
Pagkapasok ko sa loob ay naramdaman ko na kaagad ang kakaibang enerhiya na hindi ko mabatid kung saan nagmumula. Mukhang may harang ang lugar na ito sa pagkat wala akong naramdaman kanina mula sa labas. Puno ito ng sandamakmak na mga kagamitan na hindi alam kung saan gawa.
"Ni hao! Ano kelangan nila?" sambit ng isang matangdang lalaki na may singkit na mata.
Lumapit ako rito at yumuko ng bahagya.
"Ako si Drix, tagapangalaga ng elemento ng apoy at narito ako upang kunin ang sinasabi nilang Hilda's Axe." diretsahang sabi ko.
Mukha namang sumeryoso ang mukha ng matandang lalaki at tinitigan ako nito ng maigi sa loob ng ilang minuto.
"Ikaw di ko kilala. Pero ikaw sunod sakin." mabilis na sabi nito matapos ang ilang saglit at nagsimula ng maglakad papunta sa may pinto at silid ng tindahan niya.
Sumunod naman ako rito at pumasok kami sa pinto.
Nagulat ako na sa likod ng pintuang ito ay may mahabang pasilyo at ramdam ko ang malakas na pwersa sa pinakadulo nito.
Tinahak naming dalawa nang tahimik ang napakadilim na pasilyong iyon at mas ikinagulat ko ang aking nasaksihan sa dulo ng pasiyo.
Bumungad sa akin ang isang napakalawak na lugar kung saan may mga mortal at nilalang na parang nag-eensayo sa isang malawak na hardin. At mukhang ang lugar na nilabasan namin ay isang paaralan. Namangha ako dahil may ganito pala klaseng lugar sa gitna ng isang napakagulong syudad?
Sa tingin ko'y marami-rami ang mga nilalang sa paligid na sa batid kong mga mag-aaral dahil sa kanilang mga suot nz kulay pulang mga roba at bandana sa kanilang noo.
Dumiretso lang kami at dinaanan sila at tumigil na kami ng marating namin ang isang bahay pahingahan.
Sa bungad nito'y may 4 rin na matatanda na kamukha nung lolo na kasama ko. Marahil ay sila ang mga guro sa paaralang ito.
Nanatili lamang akong nakatayo habang pinagmasdan yung lolong kasama ko na lumapit sa 4 na mga matatanda sa harapan namin. Nagtipon tipon ang mga ito at tila'y nagbulungan, pinagmasdan ko lang sila.
Matapos ang ilang saglit ay tumayo ng hilira ang limang matatanda at sabay-sabay na pinorma ang mga katawan na tila'y naghahanda sa kung anuman ang kanilang balak.
Ilang sandali pa ay...
"Ha! Yaaaaahhh!" sabay na sigaw nilang lima at kasabay ng pagtutok nila ng kanilang palad sa aking direksyon ay ang paglabas ng lumalagablab na apoy na rumagasa papunta sa kinaroroonan ko. Ano to? Mga dragon din ba sila kagaya ko?
Hindi na rin ako nag atubili at agad na kinumpas ko ang aking kanang kamay at nagpalabas na rin ng aking asul na apoy.
Mabilis na tinupok ng asul na apoy na gawa ko ang atake nila. Dahil dito ay binalot ko kaagad ang aking buong katawan ng asul na apoy upang maging handa sa susunod nilang atake.
Ngunit taliwas ito sa aking inaasahan, dahil mukhang nagulat silang lahat sa kanilang nasaksihan, at biglang pinagdikit nila ang kanilang mga kamay at marahang yumuko sa harap ko.
"Master!" sabay-sabay nilang tugon.
Hindi ko naman batid ang kanilang ibig ipahiwatig ngunit ginaya ko na lang ang kanilang ginawa at yumuko rin. Pinawala ko na rin ang aking asul na apoy sa buo kong katawan sapagkat medyo nagambala ko ang pag eensayo ng mga nilalang sa paligid ko.
"Patawad master, nais lang namin makomperma, na ikaw nga ang itinakda. Halika at pasok tayo sa kinalalagyan ng Hilda's Axe." sambit ng isa sa kanila.
Agad ko naman itong sinunod at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng malaking bahay-pahingahan.
Nang makapasok na kami ay namangha ulit ako sa aking nakita.
Ang buong lugar ay may mga guhit at desinyo ng mga apoy at mga dragon. Mukhang perpektong larawan ito ng aking lahi. May mga iba't-ibang palamuti rin nakalagay sa bawat sulok na nagpapakita ng apoy, araw, at mga dragon.
Agad na napako ang aking tingin sa pinakagitna ng silid. Dito, ay may nakalagay na isang malaking palakol na may magkabilaang talim at mukhang naglalagablab sa pulang enerhiya ang mga talim nito. Pero ang mas kamangha-mangha rito ay ang kulay gintong dragon na ang itsura ay parang sa isang ahas na nakapulupot sa hawakan nito. Ang ganitong uri ng dragon ay tinatawag naming Diyos ng mga Dragona dahil ito ang pinakamalakas na anyo ng aming lahi - ang anyong may mahabang katawan.
"Master, matagal ka nang hinihintay ng Hilda's Axe, ang sandatang gamit ng unang babaylan ng apoy. Sinasabing taglay ng palakol na iyan ang kakaibang uri ng init na ang tanging tagapagmana lamang nito ang makakahawak sa sandata, sapagkat, ang kung sinumang huwad ang magtantangkang hawakan ito ay malulusaw ang kamay dahil sa labis na init." pahayag ng isa sa mga matatandang lalaki, mukhang maayos ang kanyang pananagalog.
"Tama. Kasabay rin pagprotekta namin sa sandata, ay ang pagtayo aming mga ninuno na paaralan ito, kung saan pwedeng makapag-aral iba tao sa pagkontrol ng apoy." sambit pa ng isa sa kanila singkit ang mga mata.
"Master, ikaw lapit na sa Hilda's Axe at bunutin ito. Naniniwala kaming ikaw itinakada." utos ng mga ito. Tumango lamang ako bilang tugon sa mga saad nila.
Humakbang ako palapit sa malaking palakol, at naramdaman ko ang malakas na enerhiya na nagmumula rito. Malaki ang sukat ng palakol na ito dahil halos kasintangkad ko ang haba ng hawakan nito at mas malapad ang magkabilang talim nito kumpara sa aking katawan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko idinampi ang aking nga kamay sa hawakan ng palakol.
Kasabay ng paghawak ko dito ay ang mabilis na pagpasok ng napakaraming imahe na nagpapakita ng kagandahan at panganib ng apoy. Pumasok ito sa aking buong pagkatao at tila'y hindi ko nararamdaman ang init na sinasabi nila, bagkus, ay parang gumaan ang aking pakiramdaman sa bagong enerhiyang ito.
Ilang sandali pa ay parang nagkaroon ng buhay ang mahabang dragon na nakapulupot rito, umilaw ng pula ang mga mata nito at dahan-dahang umalis sa katawan ng malaking palakol na wari'y pinakawalan niya ang sandatang kanyang pinoprotektahan. Para itong pulang usok na kusang nawala pagkatapos nitong mahiwalay sa sandatang hawak ko.
Mas lalong tumindi ang paglagablab ng kulay pulang enerhiya sa magkabilang talim ng palakol na ito at unti-unting naging kulay asul ang mga talim nito kasabay ng paglabas ng parang nagbabagang asul na enerhiya na pareho ng aking apoy.
Mukhang naging isa ang aking kapangyarihan at ang Hilda's Axe matapos ang ilang saglit.
Agad kong iniangat ang aking mga braso at sinubukang iwasiwas ang malaking palakol na ito. Napangiti ako nang mabatid kong walang bigat ang sandatang ito at para lang akong humahawak ng patpat.
"Master, binabati ka namin." saad ng mga matandang tumulong sa akin at muli ay nagsipagyuko.
Sa wakas! Nakuha ko na rin ang sacred treasure na para sa akin, ang Hilda's Axe.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
