Sorry po sa typo's :) kreeengg :*
Someone's POV
Sa kusina...
Hands on na nagluluto si Sky ng sinangag habang si Zeke namay' kasalukuyang nababate. . .ng itlog na uulamin nila.
"Sky, ganito ba ang tamang pagbate?" pilyong tanong nito kay Sky at pinakita ang pormang nagbabate ng ano.
Agad itong nilingon ni Sky na halatang namula sa kanyang nakita.
"Tumigil ka nga Zeke! Pagkain yang pinagbabalingan mo ng biro. Baka sumakit ang mga tiyan nating lahat mamaya. Bahala ka." medyo iritadong sagot nito upang maitago ang kanyang hiya at agad na tumalikod upang mag ukay ng fried rice.
Dahil sa taranta nito'y hindi ito nakakuha ng pot holder at kaagad na hinawakan ang nagbabagang kawa.
"Uughhhhh!! Hhhhooossssppp!!" ngiwi nito matapos siyang mapaso.
'Pucha! I was absent minded for a moment. Kingina!' reklamo nito sa kanyang isipan. Magpapalabas na sana siya ng recovery spell pero agad na napunta si Zeke sa kanyang pwesto at hinawakan nito ang kanyang kamay na napaso.
"Aaaiiisshhh!!! Ano ba kasing iniisip mo ngayon ngayon lang at lumutang kang bigla. Tsk!" inis na sabi ni Zeke at hinipan ng dahan dahan ang parte ng napaso sa kamay niya.
'Shiiiitt. Ang lamig ng kamay at hininga niya.' saad ni Sky sa kanyang isip habang tinitingnan si Zeke na alalang-alala sa pag aasikaso sa kamay niya.
'Ang gwapo niya pala.' dagdag pa nito.
"Wait right there, I'll be back." sabi ni Zeke saka mabilis na umalis gamit ang bilis niya bilang bampira at agad ding nakabalik sa pwesto niya.
Pagbalik nito'y may dala na itong First Aid Kit.
'Like hello? Kaya kong makagawa ng recovery spell Zeke!' sambit muli nito sa kanyang isipan. Pero hindi na siya naka kilos pa nang hilahin siya ni Zeke papunta sa dining table at pina upo.
"Haayyyssttt. Hindi kasi nag iingat eh." inis saad ni Zeke saka kinuha ang ointment sa first aid kit at dahan dahang nilagyan ang napasong parte ng kamay niya.
Hindi na naka imik pa si Sky at hinayaan na lamang ang nag-aalalang si Zeke na gamutin ang kamay niya, mukhang nakalimutan nitong may kakayahan siyang makapagpagaling.
Tahimik lang na pinagmasdan ni Sky si Zeke habang unti-unti nitong nilalagyan ng benda ang kamay. He felt protected and being cared sa gesture na yun ni Zeke.
'Haayyy naku, kung alam mo lang Zeke.' muling saad ni Sky at nakatungangang pinagmasdan si Zeke.
Nang matapos na si Zeke ay napansin niyang lutang naman na nakaitingin sa kanya si Sky. He smirked at mabilis na hinalikan si Sky sa lips na siyang nakapagpabalik sa ulirat nito.
"What the f! Pagnakita tayo nila lagot tayo. Anu ka ba?!" namumulang usal ni Sky matapos siya nitong halikan.
"Eh kasi naman, nagsi space out ka. Masyado ba akong gwapo para mawala ka sa wisyo?" pilyong tanong ni Zeke at ngumiti.
*badum....
Hindi na nakapagpigil pa si Sky at siya naman ang naunang humalik kay Zeke. Masayang tumugon naman dito ang bampira.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
