Chapter 45 - Drix & Blake x The Shapeshifter 1

850 62 2
                                        

Sorry po sa typo's. :) ahuehuehue :*




Someone's POV

Gulat man ay hindi nagpatinag sina Drix at Blake sa kanilang magiging kalaban.


Kuhang kuha nito ang anyo at katauhan ni Blake mula ulo hanggang paa. Pati ang aura at enerhiya ay nakaya nitong makopya.


"Tsk! Nakopya niya ang iyong katauhan at ramdam ko rin na pati ang iyong kapangyarihan." seryosong saad ni Drix habang nakatitig sa kanilang kalaban.


"This is bad. If its really true, I think I will be able to do this." kalmadong sabi ni Blake nang may naisip siyang paraan.

Agad niyang pinakiramdaman ang katawan ng shapeshifter na gumaya sa kanyang katauhan.

"Bingo!" kompyansang sabi niya na pinagtaka ni Drix.

Walang ano-anu'y kinontrol niya ang supply ng oxygen sa katawan ng kalaban. Kagaya ng ginawa niya sa laban nila ni Gloxinia. Pinatigil niya ang pagdaloy nito at kanyang pinaralisa.


Bahagyang nagulat si Fiazhu sa reaksyon ng kanyang katawan.

'A-ano to?! B-ba't di ko maigalaw ang katawang ito? A-at di ako makahinga?!" takhang tanong nito sa kanyang isipan.

'Kapangyarihan ba ito ni Kuyang Maganda?! Ang galing. Ma try nga sa kanilang dalawa. Hehehe' dagdag na sabi nito at nakiramdam gaya ng ginagawa ni Blake.

Nakita ni Fiazhu ang mga maliliit na bola na dumadaloy sa katawan ni Blake, pero nagtaka siya ng wala siyang makita o maramdaman mula sa katawan ng Dragona.

'Hangin?! Interesting. Mukhang ito ang main power ni Kuya Gandaaaa. Eehhhh.' motivated na tugon nito sa kanyang isip at ginawa rin niya kung ano ang kasalukuyang ginagawa ni Blake sa kanyang katawan.


Kinontrol din niya ang daloy ng hangin sa katawan ni Blake dahilan para maparalisa din ito. Hindi niya ito nagawa sa katawan ng Dragona na labis niyang pinagtaka.

Nagtaka si Drix sa kanyang nasasaksihan sapagkat ang totoong Blake na kasama niya at ang shapeshifter ay kapwa hindi gumagalaw at may mga nahihirapang ekspresyon sa kanilang mga mukha.


"B-blake, ayos kalang?!" maangas na tanong ito at naramdamang may problema sa katawan ng totoong Blake.

Hindi na siya nag atubili pa na gumawa ng atake. Gamit ang kanyang kanang kamay ay nagpalabas siya ng kulay asul na apoy at inatake ang katawan ng shapeshifter na hindi na naka ilag at tumilapon papuntang dulo. Nilagyan niya ito ng pwersa kung kaya't nasapol ang kalaban.


"Ugh---Ahhhh!" habol na hiningang sambit ni Blake matapos makabitiw sa kontrol ni Fiazhu.


"DaEfff. Ginaya niya ang technique ko. Ugh. Haaaaaa. Haaaaaa. Kinontrol din niya ang hangin na nasa katawan ko. Tsk!" hingal na sabi ni Blake kay Drix.

"Kung ganun ay kaya niyang gayahin ang lahat ng kakayahan ng sinuman. Paano ka? Puno ng hangin ang iyong katawan?" tanong ni Drix kay Blake.


'Bakit yung katawan niya lang ang namanipula? Bakit hindi ako napasailalim?' malalim na tanong ni Drix sa kanyang isipan.


"Huwag kang mag-alala. I can alter my whole body into natural energy." sagot ni Blake na naka recover na.

Agad niyang kinontrol ang daloy ng kanyang katawan at pinalitan ang lahat sa loob nito ng natural energy niya bilang elf. Nalaman niyang posible ito matapos ang kanilang laban ni Gloxinia dahil iba rin ang physiological features ng katawan ng isang elf.


The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon