Chapter 78 - Merlin's Orb

476 39 0
                                    

Sorry po sa typo's :)

Ramier

Iniluwa ako ng portal na gawa mula sa itim na enerhiya sa bungad ng isang napakagandang kweba, ang istruktura nito'y nakakabighani sa paningin. Ang pinaka-ilalim ng kwebang ito ay tubig na sa tingin ko'y isang ilog.

Napakaganda ng paligid at napakatahimik. Namumutawi rin dito ang kapayapaan at kalinisan sa buong lugar.

Pinikit ko ang aking mga mata at nakiramdam sa paligid. Nais kong malaman kung ito ba yung tamang lugar na aking paroroonan at kung dito ba matatagpuan ang sinasabing Merlin's Orb.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakadama ako ng isang napakalakas na pwersa sa pinakagitna ng kweba.

Kasabay ng pagbukas ko ng aking mga mata ay ang pagpalutang ko ng aking sarili upang dahan-dahang pumasok sa kweba. Mukhang alam ko na kung saan nandoon ang hinahanap ko.

Nagpalabas ako ng mahika at binalot ito sa buo kong katawan upang gawing invisible ito at ang aking presensya, para maikubli ko ang aking sarili sa kung sino mang nilalang ang nasa paligid.

Habang lumilipad sa kailaliman ng kweba ay maraming tao ang nakasakay sa bangka at binabagtas ang kahabaan ng ilog. Mukhang mga dayuhan ang mga ito sa kanilang modernong suot. Kaya hindi na ako magtataka kung ang kwebang ito ay tinuturing na isang atraksyon.

Nang marating ko na ang gitna ng kweba ay tumigil ako saglit. Sa aking paningin, ay mga bato at katubigan lang ang nandito, ngunit ramdam kong may nakatagong malakas na pwersa sa pwesto na ito.

Napako ang aking tingin sa kabilang banda ko, at mukhang may malaking butas rito na sa tingin ko'y isang lagusan.

Agad akong lumipad sa parteng iyon at tinahak ang kadiliminan ng entrada nito. Palakas ng palakas rin ang pwersang aking nararamdaman.

Sa wakas ay narating ko na ang pinagmumulan ng sandatang aking hinahanap.

Nasa loob ito ng isang napakalawak na silid na pinapalibutan ng bato. Para itong isang nakatagong pahingaan. Agad kong winaksi ang mahikang nakabalot sa aking katawan.

"Ang Merlin's Orb." sambit ko nang makita ko ang napakalaking bilog na animo'y bola na kulay lila, lumulutang ito sa pinakagitna ng silid at parang may maitim na usok na pumapalibot rito.

Pumunta ako sa kinaroroonan ng orb na ito, at pinagmasdaan muna ito ng maiigi, nang biglang may nagsalita mula sa lahat ng sulok ng silid.

"Sino ka? At paano ka nakapasok sa lugar na ito?" boses ng isang parang matandang lalaki. Hindi ko mawari kung ano o sino ito sapagkat wala akong nararamdaman na buhay sa paligid.

"Ako si Ramier, ang tagapangalaga ng elemento ng dilim, at narito ako upang makuha ang sandata na sinasabing magiging malaking tulong sa pagliligtas ng sangkalawakan." saad ko habang nakikiramdam sa paligid.

"Kung nais mong makuha ang aking sandata, ay dapat mo akong matalo sa isang dwelo." sambit ng boses sa paligid.

Napatingin ako sa Orb na nasa aking harapan. Umilaw ito ng kulay lila at ang usok na pumapalibot rito ay mukhang nagpoporma ng isang katawan ng isang nilalang.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang nabuo ang usok at lumabas mula rito ang isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay abong roba na pang grand warden. Para itong kaluluwa at nasa katawan nito ang Orb.

"Ako si Merlin, ang pinakamakapangyarihang mahikero sa kasaysayan. Tingnan natin kung karapatdapat ka na maging tagapagmana ng aking sandata." saad nito at winasiwas ang kanyang kamay.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon