Sorry po sa typo's :) echoosss :*
Someone's POV
"Sa wakas nakarating na din tayo." sabi ng metahuman habang tumigil sa paglipad sa ere kasama ang dragon at ang lalaking naka itim na damit.
Ilang metro ang layo nila mula sa hideout ng mga itinakda sa himpapawid.
Kahit na napapalibotan ang buong lugar ng ulap ay nagawa pa rin itong matunton ng mga kalaban sapagkat nararamdaman nila ang malakas na pwersa sa pwestong iyon sa gitna ng kaulapan. Isa pa, mas matindi ang amo'y na nasasagap ng dragona sa lugar na iyon.
"Ito na nga iyon. Pero huwag muna kayong gagawa ng anumang hakbang. Ramdam kong may mga malalakas na patibong sa paligid na iyan. Isa pa, iisang amoy ng dragona ang aking nalalanghap ngunit nagmumula sa dalawang nilalang, marahil ay may namarkahan na ang hilaw kong pamangkin sa isa sa kanila." mahabang saad ng dragona.
"Tssss. Mga tuso rin pala ang mga itinakda na iyan." malditang sabi ng naka itim na lalaki.
"Aynaku. Wala tayong mapapala kung tutunganga lamang tayo rito. Halina't batiin na natin sila. Hahaha." matapang na sabi ng metahuman, saka pinalabas ang mga ugat sa buo nitong katawan.
"Susugod na ako, sumunod nalang kayo." dagdag na sabi nito at lumipad na papunta sa hideout ng mga itinakda.
"Ang tigas ng ulo nitong hambog na ito. Hmmpp!" erap na sabi ng lalaking naka itim at sumunod na din ang kasamang dragona.
Mabilis na bumulusok ang metahuman malapit sa hideout, wala itong pake kung may mga patibong o ano, basta kating-kati na siya na makalaban ang mga itinakda.
Sa ilang metrong layo ng paglipad ng metahuman ay ang pagdikit nito sa milyon-milyong detonated bombs na gawa ni Ramier.
"Vvvvooooooggggsss!!!! Vooooooggggssshhhh!!! Vvvoooogggsss!!! Vvvvoooogggssshhhh!!!" sunod sunod na malalakas na pagsabog mula sa buong paligid ng metahuman matapos nitong ma trigger ang mga patibong na gawa ni Drix.
"Lagot na." sambit ng dragona at napatigil ito sa paglipad kasama ang lalaking naka itim habang pinagmasdan ang metahuman na nilamon ng pagsabog at asul na apoy. Batid ng dragona na kay Drix ang mga apoy na ito.
Nagkalat ang buong usok sa buong paligid at maya-maya pa ay lumabas mula rito ang umuusok na katawan ng metahuman. Wala itong galos man lamang at mukhang matigas na matigas ang balat nito dahil walang epekto ang mga pagsabog na naganap.
"Medyo nakakakiliti iyon." seryosong sabi nito.
"Hmmpp! Mukhang may ibubuga ka naman pala. Akala ko'y puro kahambugan lang ang nasa loob ng katawan mo." turan ng lalaking naka itim.
Hindi ito pinansin ng metahuman, bagkus ay mabilis itong lumipad sa buong paligid ng hideout. At lahat ng detonated bomb ay tinrigger nito.
"HAHAHAHAHA!" masayang saad ng metahuman habang parang baliw na lumilipad sa sumasabog na paligid. Parang nag eenjoy lang ito sa kanyang ginagawa.
"Vvvvooooooggggsss!!!! Vooooooggggssshhhh!!! Vvvoooogggsss!!! Vvvvoooogggssshhhh!!!" pagsabog ng lahat ng patibong na walang hirap na tinrigger ng metahuman saka tumigil sa paglipad malapit sa dalawa niyang kasama.
"Hahaha! Ang saya lang noon!" maligalig na sabi nito.
"Ang mga ulap naman ay ang sunod kong sisirain." mabilis na usal nito saka agad na lumipad sa kaulapan na pumoprotekta sa hideout ng mga itinakda. Pinanood lamang siya ng dalawa niyang kasama at nagmasid sa susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
