Chapter 88 - Morisson: Poseidon's Trident

464 45 2
                                    

Sorry po sa typo's :) yeeezzzz :*

Someone's POV

Mula sa kinatatayuan ni Morisson ay tinutok nito ang kanyang hawak na Trident pasulong sa pwesto ng kalaban. Sa harap ng kanyang kinaroroonan ay lumabas ang napakalaking antas ng tubig, nagporma itong malaking alon at naging tsunami na umatake sa lahat ng fronliners na kalaban.

"Rrraaaaggsshhhh!!!" pagragasa ng napakalaking alon na tila'y isang buhay na nilalang.

"Aaaaaaahhhhhhh!!!" sigaw ng mga kalaban habang nilalamon ng katubigan at kalauanay nagsipaglaho sa paningin ng sireno.

Basang-basa ang lupa matapos ang atake ni Morisson at tila'y nawala sa isang iglap ang napakalaking tsunaming iyon.

Matapos ang ilang sandali ay humakbang ang panibagong hukbo ng mga kampon ng kadiliman, sa pagkakataong ito'y kasama na nila ang kanilang Heneral na si Scar, and dragonang may itim na apoy, ang mukha nito'y maikukumpara sa isang walang buhay ng katawan at ang mga mata ni Scar ay purong itim.

Nagsipaghanda na ang mga kalaban at mabangis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Morisson, ang iba'y tumalon at ang iba'y umatake mula sa himpapawid.

"Gggrraaaaaawwrrrrr!!!" sigawan ng mga ito at mabilis na kumilos papunta sa sireno.

Ngunit muling tinaas ni Morisson ang kanyang trident at tinutok sa kalupaan.

"Sacred Treasure Release: 1st Wave - Purple Rain!" sigaw ni Morisson at kasabay nito ay ang pag-ilaw ng kulay asul ng kanyang trident at pumunta sa kaulapan ang blue na energy na ito.

Sa isang iglap ay bumuhos ang mga patak ng katubigan mula sa itaas.

"Aaaaaaahhhhhhh!!!!" sigawan ng mga nilalang na kusang nalulusaw ilang metro ang layo kay Morisson.

Ang bawat napapatakan ng tubig na ito'y naliliquify ang buong katawan sapagkat taglay ng ulan na ito ang liquification properties na atake ni Morisson. Isa ito sa mga abilidad ng kanyang sacred treasure.

Walang kahirap-hirap na naubos ang lahat ng kasapi ng dalawang hukbo na sumugod sa sireno dahil sa kakaiba at malakas na kapangayarihan ng mga atake nito.

Ang natira na lamang na nakatayo sa harapan ni Morisson ay si Scar na umuusok ang katawan.

Naging handa si Morisson sa mga atakeng ibibigay ng kanyang kalaban dahil batid niyang mapaminsala at makapangyarihan ang apoy na taglay nito. Hindi niya rin nasesense ang daloy ng katubigan o dugo sa buong katawan ni Scar, at nabatid niyang parang isa na itong tigang na katawan na kinokontrol lamang ng kadiliman.

Mukhang naging mas mabangis ang itsura ng dragona at pinalabas ang itim na apoy nito sa buo niyang katawan at nagsilbi itong proteksyon niya laban sa atake ni Morisson.

Agad na nagiging usok ang mga patak ng ulan pagtumatama ito sa katawan ni Scar dahil sa labis na init ng itim na apoy na taglay niya.

Mabilis na kinumpas ni Morisson ang kanyang hawak na Trident at pinaikot-ikot niya ito.

"Sacred Treasure release: 2nd wave - Bermuda Triangle!" mariing saad ni Morisson at biglang nagkaroon na naman ng napakalaking amount ng katubigan sa pwesto ng kanyang kalaban.

Ang katubigan na ito'y pumapaikot-ikot din at napormang malalakas na whirlpools na nagtataglay ng mabilis na turbulance isang kisapmata.

Agad na natangay ng malakas na whirlpool ang katawan ni Scar at mukhang nawawasak ang buong katawan nito dahil sa bilis ng pressure ng tubig na tumatangay sa kanya. Nagpaikot-ikot ito sa mabilis na galaw, ngunit, nanatili lamang ang kanyang itim na apoy sa kanyang buong katawan.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon