Sorry po sa typo's :) ughh :*
Someone's POV
Tuluyan ng lumitaw ang magical island sa dagat Pasipiko at ramdam sa buong mundo ang kakaibang pwersa ng presensya nito. Napakalawak ng patag na lupa na ito at parang lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Napakamahiwaga rin ng isla sapagkat napapalibutan ito ng usok at parang may mga alitaptap na lumilipad sa buong paligid.
Naunang dumating sina Morisson at ang kanyang mga kasama. Naglakabay sila sa karagatan sa pamamagitan ng paglangoy sa ilalim ng katubigan at ang iba'y nakasakay sa mga hayop na matatagpuan sa dagat. Kasama ni Morisson ang mahigit sa dalawang libong mga nilalang ng karagatan. Isa-isa silang nagsipagtalon mula sa dagat at pumunta sa mahiwagang isla at humanap ng pwesto sa isang parte ng isla. Halos aabot sa 1,200 ang bilang ng kanyang hukbo.
"Dito na muna tayo. Bawiin ninyo muna ang inyong lakas mula sa paglalakbay at ihanda ang iyong mga sarili. Hihintayin pa natin ang ating ibang kasama." utos ni Morisson sa kanyang hukbo habang hawak ang Trident. Nakasuot ito ng kulay na asul na armor na may desinyong mga alon.
Nagsipagyuko naman ang kanyang mga kasama at sumunod sa utos niya.
Ilang saglit pa ay ang sabay na paglabas ng mga puting liwanag at itim na enerhiya mula sa magkabilang dulo sa kinaroroonan ng pwesto ng grupo ni Morisson, para itong malalaking pinto na nakatayo sa harapan nila.
Sa kaliwang side ay naunang lumabas sa itim na enerhiya si Ramier, nakalutang ito sa ere at mukhang ang Orb ay lumulitang rin at pumapalibot sa kanyang katawan. Nakasuot ito ng Violet na Robe at mukhang isa na itong ganap na Black Grand Warden.
"Ramier!" masayang saad ni Morisson nang makita si Ramier.
"Morisson! Haha. Kinagagalak kong makita kang muli." sagot ni Ramier sa sireno at mabilis silang nagbigay ng yakap ng magtagpo.
"Ito, at sila rin ay ang magiging kasama natin sa digmaang ito." sabi ni Ramier kay Morisson at kapwa nila tiningnan ang mga kasamahan ni Ramier na lumabas mula sa itim na malaking pinto, mga bruha na nakasakay sa walis, mga itim na mahikero at iba pang nilalang ng kadiliman ang lumabas mula sa pinto, at mahigit sa 1000 ang bilang ng mga ito.
"Mga kasama, sila ang mga nilalang ng karagatan at katubigan na makakasama natin sa digmaan ito." pinakilala ni Ramier ang kanyang mga kasama sa hukbo ni Morisson.
Nagsipaglapitan naman ang dalawang grupo at kapwa nagbigayan ng pagbati.
Mula naman sa kanang bahagi ay lumabas si Sky na napakagwapong nakasakay sa puting unicorn. Mukhang matikas ang armor na suot nito na gawa sa gold at sa likod nito'y nakalagay ang kanyang makapangyarihang espada.
"Kambal! Morisson! Nice to see you both again. Hahaha!" maligalig na sabi nito at ginawang light energy ang katawan niya at mabilis na pumunta sa pwesto nina Morisson at Ramier.
"Heeey! Hahaha!" muling saad nito at nagbigay ng yakap sa kanyang kambal at sa sireno.
"Masaya rin kaming makita ka Sky." nakangiting saad ni Morisson.
"Oo nga. Haha. Ang gwapo natin sa mga suot natin ha." biro naman ni Ramier na siyang dahilan ng pagtawa ng tatlo.
Nang mapansin ni Sky ang maraming nilalang sa likuran nina Ramier at Morisson ay agad itong lumingon sa puting portal na ginawa niya.
"Ito nga pala ang mga kaalyansa ko. Haha." pakilala ni Sky at isa-isang lumabas mula sa puting portal ang kanyang mga kasamang mga Engkanto, Dalakitnon at iba pang nahimok niyang tumulong sa labanan. Nakasakay sa malaking usa ang mag-asawang sina Haring En at Reyna Dal at sumunod naman sa likod nito ang kanilang mga tagasunod na higit sa 1500 din ang bilang.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
