Sorry po sa typo's :) achheuiiss :*
Someone's POV
Agad na tumalon ang metahuman na si Xiro at kapwa ito sinalubong ni Blake at Morisson.
Sina Ramier at Drix naman ay hinarap ang dragonang si Scar.
Samantalang si Sky at Zeke, ay kakalabin ang Vodoo Man na si Janus.
Agad na nagpakawala ang Vodoo Man na si Janus ng napakaraming itim na kaluluwa mula sa katawan nito at inatake sina Sky at Zeke.
Ang kapangyarihan ni Janus ay magkontrol ng anumang negatibong bagay, isip o emosyon, at lahat ng mapaglalagyan ng negatibong uri na perspektibo.
Agad itong kinounter ni Sky gamit ang kanyang mga light blasts. Bawat tumatamang light blasts ay mabilis na napupuksa ang mga itim na kaluluwa into thin air.
Si Zeke naman ay mabilis na tumakbo sa pwesto ni Janus at nagpakawala ng isang malakas na suntok, ngunit hindi ito tumama sapagkat naging itim na usok ang buong katawan ng Vodoo Man.
Gulat na winithdraw ni Zeke ang kanyang atake at mabilis na bumalik sa pwesto ni Sky.
"Hindi epektibo ang mga physical attacks sa kanya." seryosong sabi ni Zeke kay Sky.
"Yun nga rin ang analysis ko. Pero mukhang perfect counter ang light energy ko sa mga atake niya. Medyo mataas ang win rate natin." kompiyansang sabi ni Sky.
Bago pa man sila makagawa ng susunod na hakbang ay biglang may lumitaw na mga itim na circles sa baba nila at lumabas ang mga skeleton na may espadang dala at tinusok nito ang dalawa. Agad na nakagawa ng shield si Sky gamit ang light energy kaya nasangga nito ang mga atake ng mga bungo pero si Zeke ay hindi na naka-iwas pa sa bilis ng pangyayari at tumusok lahat sa kanyang katawan ang mga atake ng mga skeleton.
Agad na winasiwas ni Sky ang kanyang kamay at inislash niya ito kasabay ng paglabas ng light blade at pinuksa nito ang mga skeleton na agad nawala.
"Arrgghh!! Kaya niya ang long ranged attacks. Fuck! Hindi ko nasense dahil hindi ito magic. Damn!" daing ni Zeke at napaluhod dahil sa mga tama niya.
Laking gulat ni Zeke nang hindi siya nakakapagregenerate. Hindi gumagana ang healing abilities niya bilang bampira. Ramdam niya ang sakit ng mga saksak sa katawan niya.
"Uuughhhh!!" daing niya ulit.
"Kumapit ka lang Zeke." agad na sabi ni Sky at marahang lumapit kay Zeke at binigyan ito ng Purification at Recovery Spell.
Agad namang nagregenerate ang mga sugat sa katawan ni Zeke at muling tumayo.
"Darn it! Buti nalang at effective ang white magic mo Sky. Tsss." inis na sabi ni Zeke. Nafeel niyang wala na namang silbi ang abilidad niya sa ganitong mga kalaban.
"Heeyyy. Relax. Together, we will defeat him okay?" pagpapaklma ni Sky saka ngitian si Zeke. Nawala naman ang pagka badtrip nito sa ginawang iyon ni Sky.
"Hmmpp!! Nakaka inis na yang kapangyarihan mo ha mahikero! Kanina pa ako na iimbyerna sa pinaggagagawa mo!" iritadong sabi ni Janus. Batid nitong perpektong pangontra ang kapangyarihan ni Sky sa kapangyarihang taglay niya. Pero nakita niyang masyadong malapit ang dalawa kaya't ang bampira nalang ang pagtutuunan niya ng pansin at pasekretong atakehin ang mahikero kung makahanap siya ng pagkakataon.
Inangat ng Vodoo Man ang kanyang kanang kamay at mula sa itaas ay lumabas ang napakalaking itim na circle. Lumabas mula rito ang napakalaking black spear na pinalilibutan ng itim na kapangyarihan. Ang sandatang ito ay nakuha niya sa isa sa mga alagad na dilim na natalo niya sa nakaraan niyang laban. Agad niya itong kinontrol at pinatama sa pwesto nina Sky at Zeke.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
