Sorry po sa typo's☺
Blake
Nandito pa rin kaming tatlo nina Drix at Sky na naka'upo sa sofa. Walang nag iimikan sa amin at parang ang bawat isa ay may kanya-kanyang iniisip. Wew.
Naisip ko lang kung ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito. 'Ano na kayang mangyayari sa amin?' Hahayy. Namimiss ko na rin si Mama. Kamusta na kaya siya?
Napatingin ako sa mahiwagang orasan at napansin kong unti-unti na rin itong napupuno. Magkakaroon na naman ng panibagong adventure ang isa sa amin.
Pero sa lagay namin ngayon ay mukhang hindi muna magagawa yun dahil ang mga pares namin ay mga wala pang malay.
"Kamusta na ang aking Kambal?" pagbasag ni Sky sa aming katahimikan. Nabaling ang aking atensyon kay Drix. Napakaangas talaga ng dating nito. Pero pansin kong nagiging malambot pagdating kay Ramier. Hmmmm. Ahehehe.
"Nagkamalay na siya. Ayun, pagkatapos kong pakainin ay iniwan ko muli sa kwarto para makapagpahinga." Diretsong sagot ni Drix.
Gising na pala si Ramier. Kamusta na kaya siya? Si Morisson at Zeke nanatili pa ring tulog eh.
"Mabuti naman kung ganun. Salamat sa pag asikaso sa kapatid ko Drix." Pagpapasalamat ni Sky.
"Walang anuman. Ako rin naman ang may kasalanan sa nangyari sa kanya." Malamig na sabi nito na siyang ikinatahimik naming tatlo.
Makaraan ang ilang sandali ay nagpasya muna akong umakyat sa aming silid upang tingan ang kalagayan ni Morisson. Napansin ko na naman ang kulay puting pintuan sa may sala.
'Ano kaya ang nasa loob nito? Secret kasi masyado.' tanong ko sa aking isipan. Pero ikinawalang bahala ko na muna ito at nagpatuloy sa pagpunta sa aming kwarto.
Pagkapasok ko ay nakita kong naroon pa rin si Morisson sa aming kama.
"Hey. Hindi ka pa gising? Isang araw ka nang tulog oh. Kutang kuta ka na. Hehe" Biro ko sa kanya. Alam ko namang hindi niya ako maririnig.
Umupo ako sa tapat niya at hinaplos ang kanyang buhok. Ewan ko. Nakakabaliw tong reaksyon ng katawan ko. Parang matagal ko ng kilala si Morisson ngunit hindi ako sigurado.
Gumalaw ito ng bahagya at nagmulat ng kanyang mapupungay ng mata na siyang kinabigla ko.
"Uy. Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" sunod sunod ma tanong ko rito. Tiningnan lang ako nito at tsaka ngumiti.
Ang gwapo niya. Eekk!
'Luh? Bakit nagaGwapohan ako sa kanya?' tanong ko sa aking isipan. 'Tsk. Nababakla na yata ako.' Ayayay.
"A-ayos lang ako Blake. Huwag ka nang mag-alala riyan." Nakangiting saad nito.
'Owwkeeyy. Hahahyy'
"Uhm, gutom ka ba? Gusto mo munang kumain?" awkward na tanong ko sa kanya at akmang tatayo. Am not feelin' comfortable here. Awkward! Huhayyy.
"Hindi naman ako gutom. Salamat." Nakangiti pa rin niyang sagot.
'What's with the smiling thingy? Sinapian na ba ito ng ispiritu nung Hydra naa yun?' pilyo kong tanong.
Nataranta ako ng sinubukan nitong isandal ang kanyang katawan sa headboard ng higaan upang umupo.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
