Chapter 20 - The Dragon

2.6K 124 2
                                        

Third Person’s POV


Gulat man ay hindi pinakita iyon ni Ramier sa kanyang mukha nang masaksihan niya ang anyong Dragon ni Drix. Maging si Wayne ay namangha din sa itsura ng Dragona.

Malaki ito na parang isang bahay ang lapad at taas, umiilaw na asul na mga mata, matatalas ang mga kuko at ngipin, nakakatakot na nakakamangha ang itsura nito, ngunit, ang mas nakakamangha sa anyo nito ay ang kaliskis nito sa buong katawan mula ulo hanggang buntot na kulay pilak at wari’y gawa sa metal na hinding-hindi masusugatan ng anumang sandata. Ibig sabihin nito ay isang maharlika ang kaharap nilang Dragona.

“Isang maharlika ang Dragonang ito, mas kapanapanabik! Sige! Tapusin mo na ang paglalaro niyo!” utos nito sa Dragon na agad na inatake ang naghihinang si Ramier.

Yumayanig ang lupa sa bawat ginagawang mga yabag nito habang papalapit kay Ramier. Nanatili lamang si Ramier sa kanyang kinatatayuan at inihanda ang sarili.

Habang lumalapit ang Dragon sa kanya ay bumuga ito ng asul na apoy patungo kay Ramier. Muli, ay sinalag niya ito gamit ang kanyang mahika. Pero sa pagkakataong ito ay nahihirapan na si Ramier dahil palapit na palapit na sa kanya si Ramier. Ramdam na rin niya ang paghihina.

“Ano? Hanggang depensa nalang ba ang kaya mong gawin Ramier? HAHA! Hindi mo rin pala pinag-aralan ang itim na mahika. Sana’y malakas ka rin kagaya ko.” Pagsasabi ni Wayne kay Ramier.

Bago pa man makalapit ang Dragon sa kanya habang patuloy siyang binibugahan nito ng apoy, ay nagpakawala siya ng pwersa sa himpapawid. Hindi ito salamangka o mahika sapagkat ang kapangyarihan na ni Ramier ang ginagamit niya rito.

Ipinagtaka ito ni Wayne dahil wala siyang maramdaman na salamangka sa pwersang pinakawalan ni Ramier.

Mula sa enerhiyang kulay lila na lumutang sa himpapawid ay naporma itong Dragon. Dragon na gawa sa enerhiya at inatake nito ang Dragonang si Drix. Naglaban ang dalawang Dragon, si Drix at ang enerhiyang minamanipula ni Ramier. Ramdam sa paligid ang pagsagupaan ng dalawa.

Tuluyan nang nanghina si Ramier at napaluhod na siya. Dahil na rin dito ay nawala ang kanyang pokus sa kanyang minamanipulang Dragon na ngayon ay unti-unti nang naglalaho.

Muli, ay itinodo niya ang kanyang natitirang lakas upang maibalik ang kontrol niya sa kanyang enerhiya at bumalik ito ulit.

“Nabigla ako na may itinatago ka rin palang kakayahan kagaya ko Ramier. Anong klaseng kapangyarihan iyan? Batid kong hindi iyan isang uri ng mahika o salamangka.” Mapangahas na tanong ni Wayne kay Ramier.


Gustuhin man ni Wayne na mamanipula rin si Ramier, ay hindi niya ito magagawa dahil isang nilalang lamang ang kaya niyang makontrol. Nagkaroon siya ng interes sa kapangyarihang pinakita ni Ramier. Nagkaroon siya ng pagpapasya na muli ay himukin itong sumama sa pwersa ng kadiliman kagaya niya.

Dahil sa naisip niya ay nagpakawala siya ng itim na mahika at tinamaan nito si Ramier na agad na naka’iwas. Nawala ang kontrol nito sa kanyang minamanipulang Dragon at tuluyan nang naglaho ang enerhiyang ito.

Sa pagkakataong ito ay susugod na muli ang Dragonang si Drix sa kay Ramier, na nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ni Wayne. Parang uhaw sa karahasan ang itsura ng Dragon at gusto nitong lapain at kalmutin ang katawan ni Ramier.

Hinang-hina na si Ramier ngunit kailangan niya pa ring lumaban hangga’t kaya niya. Nang tuluyan nang makalapit ang Dragon sa kanya ay gumamit siya ng pagpapalaho ng katawan upang maka-iwas sa mga matutulis na kuko ng Dragon. Napunta siya sa ibang parte ng paligid at tagumpay na naka-iwas sa atake ni Drix.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon