Sorry po sa typo's :) hehehe :*
Sky
Nagsimula ng umatake papunta sa direksyon ko si Mael. Lumipad ito ng may taglay na bilis at mukhang hihiwain ako nito gamit ang dalawa niyang espada na gawa mula sa kanyang enehirya.
Hindi na rin ako ng nagpahuli sa pag atake at sumugod na rin sa kanya.
Iniaangat nito ang kaliwang kamay niya at tinangkang hiwain ako, agad ko naman itong sinalag gamit ang shield na ginawa ko.
"Claaanggg!" tunog ng tumamang mga sandata niya sa shield ko.
Napa intad ang buo kong katawan mula sa lakas ng impact ng atake niya.
Mula sa aking pagkakasalag ay umatake na naman siya gamit ang kanang kamay niya na may espada at mabilis na inasenta ang shield ko.
"Claaaaang!!!" tunog muli ng aking shield habang tumama ang pangalawang atake ni Mael na siyang nagpaatras ng kaunti sa akin habang nasa ere.
Sobrang lakas ng pagkakahampas niya. Ibang level ng pwersa ang binibigay niya sa dalawang atake nito. Ramdam ko ang paggapang nito sa buo kong katawan kahit na may magical armor ako.
Tinulak ko ng malakas ang dalawang espada niya na kapwa naka dikit sa shield ko. At gamit ang aking kanang kamay na may hawak rin na espada ay mabilis akong umatake.
"Cliiiing!!" pagtama nito sa kanyang armor na hindi manlang tinablan ng aking pag atake.
What the?! Sobrang tibay ng kanyang depensa.
"Hmmpp!" taas noo nitong turan sa ginawa kong atake na parang nagbibigay ng gesture na hindi ito sapat.
Gumalaw ito at umatake na naman gamit ang dalawa niyang espada. Agad naman akong naghanda at mas pinalakas ang aking shield bilang defense mode.
"Clang! Clang! Clang!" tunog na gawa ng pagtama ng dalawa niyang espada. Bawat hampas ay binibigyan niya ng malakas na bwelo. Parang nafefeel kong hindi ito kakayanin ng shield na ginawa ko.
Magsalitan niyang ginagamit ang dalawang espada niya at balak niyang sirain ang shield na gawa ko sa lakas ng kanyang mga atake. Ramdam ko na rin ang kaunting kirot mula sa kaliwa kong kamay dahil sa impact pagtumatama ang kanyang mga blows.
Malalakas na hampas sa lalong bumibilis na galaw ang ginagawa niya sa kanyang mga atakw. Wala siyang balak na tumigil. Nais niya sigurong basagin ang defense mode ko.
'Kailangang ko ring umatake. Yung mas epektibo dapat. Pero hindi tumalab yung unang atake ko sa armor niya. Paano na ito?' pag iisip ko. Kailangan kong gumawa ng paraan kundi matatalo ako nito.
Hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya ng Close Physical Combat dahil dehado ako sa physical strength and stamina. Naku naman!
Gamit ang mahika ko ay pinateleport ko ang aking sarili sa kabilang parte ng templo upang mailayo sa kanya. Agad kong naiwasan ang kanyang mga atake, na sa pagkakataong iyon ay siguradong basag na ang shield ko.
"Ganyan ba makipaglaban kayong mga mortal? Umaatras nang hindi man lang binibigyang halaga ang integridad ng dwelo?" matigas na sabi nito habang mariin na tumingin sa akin ilang metro sa kasalukuyang kinatatayuan ko.
Hindi ko pinansin ang tanong niya at nag iisip ng pupwedeng maging paraan.
'His defense is so strong and so is his attacks. Sobrang taas ng statistics siguro ng Combat Class niya.' pag aanalyze ko sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
