Chapter 6 - Goodbye For Now

3.7K 169 4
                                        

Blake

Patuloy lang naming tinititigan ang nagfe-fade na ibabang parte ng katawan ni Aldin. Ano na naman kaya ang nangyayari sa kanya?

“Mukha yatang tapos na ang misyon ko dito.” Sabi niya nang nakangiti na ipinagtaka naming lahat maliban sa lalaking naka-violet na suot.

“Sa lugar na ito kayo maninirahan pansamantala upang magsanay at maprotektahan na rin kayo sa panganib” sabi nito sa aming anim.

“Sky, Ramier, alam niyo na ang gagawin.” Pagtawag niya sa dalwang lalaki. Mukhang magkambal ata itong dalawa. Ang isa ay nakasuot ng violet na mwy ganun ding kulay ng highlights sa buhok niya at ang isa naman ay dirty white, at meron ding ganun kulay na highlights.

Humakbang silang dalawa, habang kaming apat ay tahimik na nagmamasid sa kanilang gagawin.

“Kapatid.” unang bati nila sa isa’t-isa nang sabay pagkatapos magtitigan ang bawat isa, at nagyakapan. Bromance na to.

Pagkatapos nilang magyakapan, ay sabay rin silang tumango na ibig sabihin ay alam na nila ang kanilang gagawin.

Unang naglabas ng kapangyarihan yung Sky. Namangha na naman ako nang itinaas nung Sky ang kanyang kamay at may lumabas na enerhiya rito papunta sa mga puno. Wow! Magic! Pero parang no reaction lang ang tatlong katabi ko. Sanay na ata silang makakita ng mahika na kagaya niyo.

Nagkaroon ng buhay ang mga puno at parang may mga munting alitaptap ina lumilipad rito at nabuo ang mga punong ito ng circle na nakapalibot sa aming kinatatayuan. Lumaki at tumaas rin ang punong ito na parang pinoprotekhan ang buong lugar.
Bakit kaya ginawa niya yun? Anong purpose nito?

“Ikaw naman Kambal.” Sabi ni Sky sa kanyang kakambal daw na Ramier ang pangalan pagkatapos niyang gawin ang parte niya. Tumango lang ito sa kanya at ngumiti.

Pumikit na muna si Ramier, at pagmulat niya sa kanyang mata ay bahagya niyang itinaas ang kanang kamay na nakabuka.

May lumabas na kulay violet na enerhiya mula sa kanyang mga palad at itinutok niya iyon sa ere. For the second time, namangha naman ako nang lumabas ang enerhiyang iyon mula sa kanya at pumunta ito ere. Pagkatapos ay parang nagkaroon ng medyong itim na forcefield na sumakop sa buong lugar na agad rin namang nawala pagkaraan ng ilang sandali. Ang hangganan ng forcefield ay sa mga punong minagic kanina ni Sky.

Nakakamangha talaga! As usual, no reaction na naman ang tatlo kong katabi pero minamasdan pa rin nila ang paligi namin. Parang nasa loob kami ng isang dome sa lagay na to.

“Magaling kambal!” Maligalig na sabi ni Aldin sa dalawa na ngayon ay hanggang tadyang na ang naglalahong parte ng katawan nito.

“Ngayon ay bahagyang ligtas na kayo mula sa mga kalaban dahil sa paglagay ninyo ng harang sa lugar na ito. At kung maari, huwag kayong lumabas sa harang na iyan upang hindi kayo matunton ng mga kalaban.” Dagdag pa nito at kinuha ang mula sa kanyang robe ang kanyang mahiwagang orasan.

“Upang makuha niyo ang pinakamataas na lebel ng inyong kapangyarihan, kinakailangan ninyong pumunta sa anim na dimensyon, kung saan naninirahan ang mga unang tagapangalaga ng anim na makapangyarihang elemento.” Mahabang salaysay nito sa aming anim.

‘Adventure ito ah.’ Sambit ko sa’king isip.

“At kailangan ninyong talunin sila upang magtagumpay kayo sa pagkamit ng inyonh tunay na kapangyarihan." Dagdag pa nito na ikinabigla ko.

‘Ibig sabihin? Makikipaglaban ako? Pero pano ko gagawin iyon kung hindi ko pa alam ang paggamit ng aking kapangyarihan?’ protesta ko sa isip ko. Mahirap nang i-voice out ko pa iyun dahil ang tahimik lang ng ibang kasama ko. Mukhang alam na nila. Bahala na nga!

Lumapit sa kanya si Ramier, at ibinigay nito ang mahiwagang orasan sa kanya na kinuha naman ni Ramier.

“Kagaya nga ng sabi ko, ang orasan na iyan ang magdadala sa inyo papunta sa dimensyong kailangan niyong puntahan. Ang gintong ilaw na iyan ang enerhiyang taglay ng orasan, pagpuno na ang bilog nito, ibig sabihin ay handa na itong magbukas ng isang portal papunta sa isang dimensyon.” Paliwanag niya sa amin.

‘Wow! So parang cellphone lang din pala ang magical na orasan na yan dahil may pa full charge – full charge pang nalalaman’ sabi ko ulit sa isip ko.

“Ngunit anim na beses niyo lang ito magagamit. Kung kaya’t dapat maging handa kayo bago tahakin ang paglakbay sa iyong paruroonan dahil isa lamang ang inyong pagkakataon.” Sabi pa ni Aldin na ngayon ay balikat nalang at ulo ang natitirang buo sa pisikal na katawan nito.

“At isa pa, isa o dalawa lang ang kayang pumasok sa isang portal dahil masyadong malakas ang enerhiya sa loob nito. At kayo na ang magpapasya sa bagay na iyon.” Bilin niya sa amin.

Naku naman, isang one chance trip lang ang meron kami, at by partners lang ang pwedeng mag-adventure.

“Mukhang kailangan ko nang lumisan sa ngayon.” Medyo malungkot na saad nito habang nakangiti sa aming anim. Mukha nalang kasi ang di pa naglalaho sa kanya.

“Tandaan ninyo na kayo ang mga intinakdang magliligtas sa mundo. Huwag niyong hahayan na magwagi ang kasamaan. Magtulungan kayo upang kayo ay magtagumpay saa inyong mga layunin.” Tugon nito sa amin. Habang kaming anim ay nakatutok lang sa kung ano ang susunod na mangyayari sa kanyang katawan. At unti-unti na itong nawawal sa aming paningin.

“Hanggang sa muli nating pagkikita mga itinakda!” huling sabi nito at nawala na ng parang bula ang buo niyang pagkatao.

‘So, ano nang mangyayari ngayon?’ Tanong ko sa aking isip dahil naiwan kaming anim na nakatunganga.

Humarap sa amin si Ramier. “Mga kasama, halina’t pumasok na muna tayo sa tahanang ito.” Sabi niya habang itinuturo ang bahay sa harap namin.

“Doon na rin tayo mag-usap at pagpasyahan natin ang ating mga gagawin.” Dugtong pa nito at nauna na siyang maglakad papasok ng bahay.

Lumakad naman ang iba ko pang mga kasama at nagpahuli akong pumasok sa bahay.

‘Ano na kayang mangyayari at sinu-sino ang mga ito?’



Itutuloy. . .



The 8th Element
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon