Sorry sa typo's 😊
Sky
Nandito na kaming lima sa may sala at naka-upo. Ako, si Drix , Blake, at sina Morisson at Ramier na kapwa pa may mga galos at sugat sa mga mukha at iba pang parte ng katawan. May importanteng sasabihin daw kasi ang aking kakambal sa amin.
“Mga kaibigan.” Panimula ng aking kakambal na siyang kinalingon namin sa kanya.
“Habang ako’y nakahimlay ay may nakita ako sa aking panaginip.” Makahulugang sabi nito.
May angking kakayahan ang mga Black Magicians na kagaya niya na makita ang hinaharap sa kanilang mga panaginip. Iba naman ito sa aming mga White Magicians na kayang irecord ang mga nangyayaring aming nasaksihan.
“Ano ang iyong nakita Ramier?” tanong ni Morisson. Yun din ang nais kong itanong.
“Sa aking panaginip ay nakita ko ang iba’t-ibang parte ng sanlibutan na nawawasak. Isa lamang ang nais nitong ibig sabihin, nalalapit na ang pagsalakay ng Kasamaan.” Seryosong saad nito.
“Kailan naman yun?” tanong naman ni Blake.
“Wala akong nakitang petsa o oras. Ngunit ang tanging nakita ko lamang ay ang pagtagpo ng Buwan at Araw sa kalangitan.” Saad nito na ikinaseryoso naming lahat.
“Eclipse. Ibig mong sabihin ay sa gitna ng eklipse maghahasik ng lagim ang Kasamaan.” Paliwanag ni Blake. Mukhang tumpak ang kanyang katwiran.
Agad ko namang pinagana ang aking kapangyarihan at nagpalabas mula sa aking kamay ng kalendaryo. Hinanap ko rito ang kasalukuyang petsa namin ngayon at tiningnan na rin kung merong magaganap na eklipse. Nakita kong nakatingin na sa akin ang lahat.
“Sa susunod na ikalawang linggo mangyayari ang isang Solar Eclipse.” Sabi ko sa kanila.
“Ganun ba. Kung ganun, kailangan na nating maghanda at magsanay pa lalo upang hindi tayo matalo.” Seryosong sabi ng aking Kakambal. Tumahimik naman kaming lahat.
Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay ibinaling ko ang aking tingin sa mahiwagang orasan at nakita kong puno na ang gintong enerhiya nito. Oras na naman ng paglalakbay.
“Kung gayun ay kailangan nating magtagumpay sa ating unang layunin. Ang talunin ang mga unang tagapangala ng mga Elemento upang lubos nating makuha ang ating mga kapangyarihan.” Mahabang salaysay ko sa kanila at tumango silang lahat.
Pinalutang ko ang mahiwagang orasan palapit sa aming gitna.
“Puno na ulit ang orasan. Hindi na dapat tayo mag aksaya ng oras at panahon.” Saad ko rito at pinindot ang buton sa gitna nito.
Agad na nagkaroon ng visual ang mahiwagang orasan at pinakita ang deminsyong sunod na pupuntahan. May mga bulkan ito sa paligid at mga nagbabagang apoy.
“Flamia. Apoy, dimensyon ng apoy ang sunod na pupuntahan ninyo.” Sabi ko sa kanila.
“Ibig sabihin, ikaw na Drix ang susunod na maglalakbay. Handa ka na ba?” tanong ko kay Drix.
“Matagal na akong handa.” Matapang na sabi nito.
“Ngunit ikaw Ramier? Ayos na ba ang iyong pakiramdam upang samahan ako?” mahinahong tanong nito sa aking kakambal.
Witwew! Lumambot ang matigas na tinapay ah. Hehe. Smells fishy na rin sa dalawang ito.
“Sa tingin ko’y, kaya ko namang sumama sa’yo. Ikaw naman ang makikipaglaban at hindi ako diba?” sagot naman ng aking kakambal. Ahhooy.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
