Chapter 85 - Ramier: Assault Mode

507 42 4
                                        

Sorry po sa typo's :) lavaarrnn! :*



Someone's POV

Umuusok at sira-sira ang buong paligid sa pwesto nina Ramier at Fiazhu. Kapwa ay nagpapakita ng kanilang lakas sa pakikipaglaban at kapangyarihan.

Habang mariing nakatingin si Ramier sa shapeshifter ay pinalutang nito ang kanyang Orb malapit sa kanyang mukha. Ito na ang pagkakataon niyang maipakita ang alas niya.

Ito yung naibigay sa kanyang abilidad matapos mapasakamay ang Merlin's Orb at sa halos dalawang araw ay natutunan niyang pag-aralan ito. Marahil ay napakataas na ng antas ng kanyang taglay na lakas at kapangyarihan kung kaya't nagawa niya ito ng walang kahirap-hirap.

"Assault Mode." nakangising saad ni Ramier at kasabay nito ang pagputok ng Orb at pumalibot ang kulay violet na energy nito sa buong katawan ng mahikero.

Ang armor na suot ni Ramier ay napalitan ng nagbabagang violet na energy at kumalat sa buo niyang katawan ang mga parang tribal na markings na nag-eemit ng violet na energy. Kasabay nito ang paglabas ng marka ng crescent moon na buwan sa noo nito at ang pag-iilaw ng buo nitong mga mata ng parehong kulay ng energy na bumabalot sa katawan niya. Nagkaroon rin siya ng mahahaba at matutulis na kuko bilang sandata niya sa pakikipaglaban. Ito ang pinakamataas ng antas ng anyo na kayang ibigay ng kanyang sacred treasure at elemento ng dilim, ang assault mode.

"Haaaahhh..." mahinang usal ni Ramier at ninamnam ang lakas na bumabalot sa buo niyang pagkatao. Mukhang 10x na nag improve ang lahat ng basic statistics niya.

Walang reaksyon na tiningnan si Ramier ng kanyang kalaban at mabilis na ginaya ang katauhan ng mahikero sa kanyang assault mode, dahilan upang mas mapangisi si Ramier ng todo.

Batid niyang isang ipinagbabawal na estilo ng pakikipaglaban ang paggamit ng assault mode at ang sinumang makakagawa nito ay mapapasailalim sa isang sumpa. Wala itong problema sa kanya sapagkat nakaya niya itong lampasan dahil sa kanyang background sa pagsasaliksik ukol rito bago sila pumunta sa magical island.

Mula sa kaninang anyo ng shapeshifter ay nagawa nitong magaya ng walang kahirap-hirap ang assault mode na anyo ni Ramier. Nagtataglay rin ito ng parehong antas ng lakas kagaya ng sa mahikero.

Pero biglang napatigil sa paggalaw ang shapeshifter sa pwesto niya nang maramdaman niya ang pag glitch ng buo niyang katawan.

"Jjiitttss!" tunog ng glitch na ito at parang kumurap ang buong katawan ng kalaban.

Matapos ang paunang glitch na iyon ay may lumabas na bulalak na may limang petals na mark sa kanyang tiyan, para itong tattoo at kulay violet ito. Napangiti si Ramier ng makita niya ang markang iyon. Ito ang sumpa sa pagkakamit ng assault mode, at kamatayan ang magiging hatol nito.

"Alam mo ba na pagnataaman ko yang marka na yan gamit ang aking sandata ay ang siyang magiging katapusan mo?" nakangising saad ni Ramier. Alam niyang hindi lang ito ang lalabas na marka sa katawan ng kalaban kung kaya't kailangan na niyang gumawa ng kilos.

Kung successful ang pagsaksak niya sa gitna ng marka sa katawan ng kalaban, ay maactivate nito ang iba't-ibang uri ng sumpa kagaya ng kamatayan, sakit, reverse mode at iba pa.

Inihanda na ni Ramier ang kanyang sarili at sa isang kisapmata ay lumitaw ito sa pwesto ni Fiazhu at agad na tinutok ang kanyang mga matatalim na kuko sa marka sa katawan ng shapeshifter.

Pero bago pa man tumama ang kanyang atake ay mabilis na naglaho si Fiazhu sa kanyang harapan. Mukhang nakopya nga nito ang mga katangian ng kanyang assault mode.

Subalit hindi nagpatinag si Ramier at tinodo ang kanyang konsentrasyon.

Sa bawat pwesto na nilalabasan ni Fiazhu sa himpapawid ay mabilis niya itong sinusundan at inaatake, ngunit mabilis din itong nakakatakas.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon