Blake
“Anak..” Pagtawag sa’kin ni Mama. Bakit kinakabahan ako bigla?
“Sasabihin ko sa’yo ang lahat ng dapat mong malaman. Makinig ka ha? At wala munang tanong.” Sabi ni Mama.
Inihanda ko na ang sarili ko sa mga malalaman ko. Kailangan ko ring tanggapin ang anumang sasabihin ni Mama. Paniniwalaan ko naman siya eh.
“Isa kang half-mortal at half-Air Elf. Ang Papa mo, hindi siya tao, isa siyang prinsipe ng Elf na may kapangyarihang kontrolin ang Hangin. Ang Papa mo ay napadpad dito sa mundo ng mga tao dahil sabi niya, nilusob daw ang kaharian nila at tuluyan itong nawasak. Siya na lamang ang nakaligtas sa lahat ng kanyang mga kalahi.” Mahabang panimula ni Mama.
“Una pa lamang ay sinabi na niya sakin ang lahat ng tungkol sa kanya, napatunayan ko din iyon dahil ako mismo ay nasaksihan ang kanyang kapangyarihang taglay. Kaya pinaniwalaan ko ang Papa mo at naging matalik na magkaibigan kami. Mabait ang Papa mo, kung kaya’t madaling nahulog ang aking loob sa kanya. Hanggang sa naging mag-asawa kami. Pero noong mga panahong inpinagbubuntis kita, masyadong masilan ang aking kalagayan.” Patuloy na kwento ni Mama at parang maiiyak na siya.
“Masyadong mahina ang katawan ko upang dalhin kita sa aking sinampupunan, kung kaya’t isinakripisyo ng Papa mo ang mismong buhay niya upang mailigtas tayong dalawa at mabuhay ka.” Tuluyan ng umiyak si Mama ngunit nanatili pa rin ako sa aking kina’uupan.
“Kahit ayaw ko, ginawa pa rin ng Papa mo ang iligtas ka dahil mahal na mahal ka niya. Binigay niya ang lahat ng kapangyarihan niya sa’yo upang maproktehan ako nito at mabuhay ka. Napakasakit ma’y kelangan niyang isakripisyo ang buhay niya para lang mailigtas tayo sa kamatayan.” Patuloy na kwento ni Mama.
Di ko nalang namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko. Ngayon alam ko na ang tungkol kay Papa, na ginawa niya ang lahat kahit na ang kapalit ay buhay niya para lang mailigtas at mabuhay ako. ‘Papa, salamat.’ At bilang anak mo, hindi ko sasayangin ang buhay na inibigay mo sa'kin.
“At noong isinilang kita, kasabay ng unang pag-iyak mo ang nakita kong vision tungkol sa’yo, vision ng hinaharap. Na meron kang mahalagang gagampan upang mailigtas ang sangkatauhan.” Ibig sabihin, alam na ni Mama lahat noon pa man.
“Kaya’t pinalaki kita na malayo sa tao dahil baka anumang sandali ay lumabas ang iyong kapangyarihan at makasakit o masaktan ka ng mga tao.” Kaya pala ayaw ako ni Mama na palabasin ng bahay. May iilang pangyayari ding nakakagawa ako ng mga bagay na imposible noong bata pa ako, at palagi akong pinapagalitan ni Mama sa tuwing ginagawa ko iyon.
“Patawad anak, kung itinago ko ang lahat sayo, nais ko kasing mabuhay kalang ng normal na kagaya ng ibang mga mortal. Nais kitang itakas sa nakatadhana sa’yo. Ngunit hindi ko pala ito mapipigilan.” Sabi sakin ni Mama habang tinitignan ako ng mariin.
“Ngayong nasa wastong edad ka na, alam ko na alam mo rin ang nararamdaman mong pagbabago sayong katawan.” At oo, hindi ko iyon maitatanggi dahil obvious naman sa physical appearance ko ang pagbabago, pati na rin ang sa buong sistema ng katawan ko. Tatanggapin ko nalang ito ng buong-buo.
Di ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ko si Mama at niyakap siya ng mahigpit. “Salamat Mama, dahil sinabi niyo pa rin sa’kin ang lahat kahit na alam kong maghirap sa loob niyo. Salamat.” Sabi ko kay Mama habang umiiyak.
Ngayo’y naliwanagan na ako sa tunay kong pagkatao. At lubos ko itong tinatanggap. Pero kaya ko bang harapin ang itinakda sakin? Pano si Mama? At yung buhay ko bilang isang mortal?
Ganun lang kami ng ilang sandali. Nang tumahan na kami pareho, ay tinanong ko silang dalawa.
“Pero anong ginagawa ni Aldin dito Ma?” tanong ko dahilan upang ngumti si Aldin.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
