Chapter 56 - BlaSon

801 56 5
                                        

Sorry po sa typo's :) awwtsuuu :*


Blake

After just a split second ay muling bumukas ang portal at lumabas mula rito sina Zeke at Sky. Halatang namumula ang mukha ni Sky habang si Zeke naman ay hanggang tainga ang tawa.


Pffffttt! Ano kayang nangyari sa dalawang ito doon sa Illumia? Mukhang halata sa kanilang dalawa ng saya. Haha. Mukhang okay rin naman si Sky, ni wala itong galos sa katawan at maayos ang damit nito.

"Kamusta ang lakad niyong dalawa?" pagtatanong ni Ramier.

"It's awesome! And I managed to win. Hahaha!" masayang sabi ni Sky na ngayo'y maligalig na muli ang mukha.

"Magaling! Weeeeww. Ako na ang susunod pala, kinabahan tuloy akong bigla." saad naman ni Ramier habang nakalutang gamit ang mahika. Lumpo ka ghurl?

"Huwag kang kabahan kambal, I'm sure makakaya mo rin ang iyong pagsubok." pagbibigay motivation ni Sky kay Ramier saka kumindat.

"Siya nga pala, ayos lang ba ang katawan mo? Baka hindi ka makapaglaban ng maayos sa lagay na yan?" pag aalalang tanong ni Sky sa kay Ramier.

"U-uhh, hmm. Oo. Hehe. Ayos lang talaga ako." sagot nito at iniwas ang kanyang tingin.

Nakita ko namang bumulong si Zeke sa tainga ni Sky, at narinig ko ang kanyang sinabi.

'Bigyan mo ng recovery spell yang kambal mo, sure ako kasing hindi maayos ang katawan niya. Hahahaha.' natatawang bulong nito kay Sky.

Bakit kaya? Na curious tuloy ako. Haha

"Okay, Ramier, ito lang ang maitutulong ka sa ngayon. Maghanda ka na lang okay?" sabi ni Sky saka tinutok ang kanang kamay nito at lumabas ang mga gold na glitters papunta sa kay Ramier.

"Ano ito, Sky?" nagtatakhang tanong ni Ramier.

"Recovery spell yan. Kaya niyan na magpagaling ng anumang sugat at makapagpa restore ng energy." pagsuportang sabi ni Zeke.

"A-ahh salamat." naiilang na sabi ni Ramier.

"By the way, malapit na namang mapuno ang magic clock dahil lima na kaming nagtagumpay sa mga misyon. Kaya be ready nalang Ramier." saad ni Sky saka naman tinanguan ni Ramier.

Maya-maya pa ay tumayo na si Morisson mula sa aming kinauupuan.

"Sa labas lang muna ako. Kailangan na kasi ng katawan ko ng tubig-alat eh. Hehe." saad nito sa amin.

"Maliligo ka? Sama akooooo." sabi ko at mabilis na ring tumayo. Medyo nagulat naman si Morisson pero agad niya ding nabawi ang tindig niya.

"Oh siya, mag iingat kayo sa labas ah. Dito lang muna kami." sabi ni Ramier.

"Opo Sir." masayang sabi ko, tumango lang naman si Morisson saka naunang maglakad palabas.

"Okay. Total its morning pa naman, I'll make breakfast muna. Hehehe. I'm in the mood eh." nakangiting sabi ni Sky saka naunang pumunta sa kusina.

"Uyyy! Sama ako! Hahaha!!" energetic na sabi ni Zeke saka humabol kay Sky.

Hmmmm. Parang may something. Hahaha.

"Sige mauna na rin ako mga kuya!" paalam ko kina Drix at Ramier na naiwan sa sala saka mabilis na kumilos papunta sa labas.

Nang makarating ako sa labas ay agad kong namasdan si Morisson na nagpapalabas ng tubig mula sa mga kamay nito at pinapalutang ang tubig na ito ng korteng bilog.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon