Sorry po sa typo's :)
Someone's POV
Pinalutang ni Blake ang kanyang sarili at pumunta sa himpapawid upang harapin ang sumusugod na mga kalaban papunta sa kinaroroonan niya.
"Wwwaaaaaarrrllll!!!" pagwawala ng mga kampon ng kadiliman at mabilis ang mga galaw nito habang papalapit sa pwesto ni Blake.
Bago pa man mangyari iyon ay inihanda na ni Blake ang kanyang sarili upang salubungin ang mga kalaban.
"Sacred Treasure release: Wrath of the Winds!" mariing saad ni Blake at inunat nito ang kanyang kaliwang braso kung saan lumitaw ang Huracan's Bow na gawa sa puting enerhiya.
Biglang nagkaroon ng napakalaking pana sa mga braso ni Blake at agad niya itong tinira sa pwesto ng kalaban. Gawa sa pinaghalong wind and elf energy ang arrow na iyon na kinuha ni Blake sa paligid niya.
"Hmmpp!" mahinang sambit ni Blake nang bitawan ang arrow na iyon mula sa kanyang bow.
"Zzzooffppp!!!" mabilis at malakas na pwersa ang dala ng arrow niya.
Habang bumubulusok ang malaking arrow na iyon ay nagkaroon ng concentrated na hangin na pumalibot rito, at mula sa kaunting pwersa ay biglang naging malakas na ipo-ipo ang pumalibot rito at tila'y isang matinding bagyo ang papalapit sa mga kalaban dahil sa bugso ng hangin na nagmumula sa iisang arrow na gawa ni Blake.
"Zzzzzooooogggssshhhhhh!!!" pagragasa ng isang malaking ipo-ipo papunta sa pwesto ng mga kampon ng kadiliman at bawat madaanan nito'y mabilis na tinatangay ng napakalakas na hangin at nalulusaw nang tuluyan.
"Aaaaaarrrrrkkkkkkk!!!" sigawan ng mga kalaban ng makastigo sa bugso ng hangin na atake ni Blake, sira-sira rin ang kalupaan dahil sa hagupit ng ipo-ipo na iyon at bumungad sa harapan ni Blake ang umuusok at wasak-wasak na view. Ubos ang unang hanay ng mga kalaban dahil sa ginawang iyon ni Blake at mukhang 100x ang bagsik ng hangin na dala ng atakeng iyon kung ikukumpara sa bugso ng isang supertyphoon.
Habang nasa himpapawid ay muli niyang nakita ang pangalawang hanay ng mga kalaban na mabilis na sumusugod papunta sa kanya. Nasa likuran nito ang isang heneral ng kadiliman na si Janus, ang Vodoo Man.
Pinalabas ni Blake ang kanyang Elf energy at pinalibot ito sa buo niyang katawan bilang proteksyon. Nagkaroon ng puting energiya sa ilang parte ng kanyang katawan at gumawa rin siya ng shield na mula sa pinaghalong elf energy at hangin bilang depensa.
Batid ni Blake na medyo dehado siya sapagkat hindi nagtutugma ang kanyang kapangyarihan laban sa kakaharaping kalaban.
Muli ay nagsipagsugod ang pangalawang hukbo ni Eliazar kahit na wasak-wasak na ang nasa paligid nito.
"Kkkrrraaaaawwwkkkkk!!!" pagwawala ng mga ito at namumutawi sa kanilang mga mukha ang uhaw sa karahasan at patayan.
Bago pa man makalapit ang mga naggagalit na mga nilalang ng kadiliman ay tinutok ni Blake paitaas ang direksyon ng kanyang sandata.
"Sacred treasure release: Pandora's Box!" seryosong saad nito at lumabas muli ang panibagong arrow mula sa isang braso niya, agad niya itong binitawan habang pataas ang tira nito.
Mula sa iisang arrow ay bigla itong pumutok at naging pitong piraso na mabilis na rumagasa paibaba papunta sa pwesto ng kalaban sa iba't-ibang parte ng kalupaan.
"Vvvvvooooggsssshhhhhh!!!!! Vvvvoooogsssshhhh!!!! Vvvvoooogggsssshhhh!!!" sunod-sunod na paglabas ng pitong napakalas na tornadoes na lumitaw mula sa kawalan.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
