Sa pagtagpo ng Buwan at Araw sa kalangitan, ay ang pag usbong ng kasamaan. Sa gitna ng kapayapaang inaasam ay lalabas ang karahasan. Ngunit may mga itinakdang nilalang na nasusupil sa kasamaan. Mga nilalang na ang kapangyarihan ay mga makapangyarihang Elemento sa buong kalawakan.
Ramier
Nagising ako mula sa aking pagpapahinga. Ramdam ko pa rin ang aking mga sugat na natamo, galing sa pakikipaglaban ko kay Drix.
"Aarggh!" Daing ko nang subukan kong tumayo mula sa aking higaan na siyang kinabagsak ko sahig.
Agad ko naman narinig ang pagbukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Drix.
Naalala ko yung oras na kinalaban ko siya. Nagkaroon ng kaunting takot na gumapang sa buo kong katawan, ngunit agad din naman itong nawala nang buhatin ako ni Drix papunta sa aking higaan.
Pinagmasdan ko lang ang seryoso at matapang nitong mukha matapos ako nitong inilapag sa aming higaan. Nanatili lang muna akong tahimik at pinagmamasdan ko siya.
Agad na nagtama ang aming mga mata at nawari ko na malungkot ito. Pero hindi niya ito pinapakita sa kanyang mukha. Agad niyang iniwas ang kanyang paningin at yumuko.
"D-drix." Mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sa aking gawi.
"H-hindi mo naman kasalanan yung nangyari. Kaya ayos lang." nakangiti kong sabi sa kanya.
Alam kong iyon ang iniisip at bumabagabag sa kanya.
Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Tinitigan lamang ako nito ng mariin. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanyang inaasta. Sabagay, matigas nga pala ang isang ito.
"Diyan ka lang muna at ikukuha kita ng makakain." mariin na sabi nito at lumabas na sa aming silid.
Inayos ko naman ang aking pagkakahiga at nag-isip. Ano na kayang nangyari matapos ang pag-atake ni Master Wayne? Mukhang ayos naman ang lahat dahil nakapagpahinga ako. At si Master Wayne, hindi ko gusto ang ginawa niya. Nakaramdam ako ng inis dahil sa pagkampi niya sa Kadiliman kapalit ng labis ja kapangyarihan. Tsss.
Makaraan ang ilang saglit ay muli namang pumasok sa silid si Drix na may dalang pagkain. Ewan ko kung saan niya ito nakuha. Nilapag niya iyon sa maliit na lamesa na katabi ng aming higaan.
"Kumain ka muna para makapagpahinga kang muli." Utos nito sa akin at inalalayang isandal ko ang aking likuran at ulo sa pader ng aming hinihigaan.
Pinagmamasdan ko lang ito habang kumuha siya ng maliit na upuan at umupo malapit sa tabi ko.
"T-teka, anong gagawin mo?" takhang tanong ko sa kanya ng aktong susubuan niya ako ng pagkain.
"Susubuan ka. Alam kong hindi ko pa masyadong maigalaw ang iyong katawan kong kaya't hayaan mo ako sa aking nais mahikero." Matigas na sabi nito.
Nais ko mang magreklamo ay wala na akog nagawa nang isubo na niya sa akin ang kutsarang may pagkain. Tsk. Para naman ako nitong bata.
"P-pasensya na pala Ramier." Sabi nito na ikinabigla ko.
"Ah yun ba. Ayos lang yun. Sabi ko nga diba, hindi mo yun kasalanan." Nakangiting tugon ko sa kanya. Pero parang wala lang ito sa kanya at nagpatuloy sa pagpakain sa akin.
"Uhm, kamusta na pala ang ating ibang kaibigan? Anong nangyari matapos ang pag atake?" tanong ko rito. Iniba ko nalang ang topiko sapagkat medyo hindi komportable ang pakiramdam naming pareho sa usaping iyon.
"Pagkatapos ng pag atake kahapon ay naglagay ulit nga panibagong harang ang iyong Kambal at iniba niya ang lokasyon natin." Kwento nito.
Kahapon? Ibig sabihin nakapagpahinga ako ng isang buong araw?
"At makalipas ang ilang sandali, ay naglakbay iyong Sireno at yung may dugong mortal patungo sa kanilang destinasyon." Patuloy nito.
Si Morisson at Blake ang kanyang tinutukoy.
"Nagtagumpay ba sila?" mabilis na tanong ko sa kanya.
"Oo. Mukhang nagtagumpay sila. At ngayon ay wala ring malay iyong Sireno." Sabi nito.
Napa-isip ako sa kanyang sinabi. Tsk. Dalawa na yung hindi pa nagkakamalay saamin. Mabuti na lamang at hindi umatake ang mga kalaban, kundi kulang ang depensa namin kagaya nung nangyari sa una.
"Magpahinga ka na muna diyan." Utos nito sa akin at inalalayan niya muli akong ihiga sa aming higaan matapos kong ubusin ang dinala niyang pagkain.
Bago pa man ito lumabas ay hinawakan ko ang kamay nito. Hindi ko batid kung bakit ko iyon ginawa.
"S-salamat Drix." Nakangiting bigkas ko sa kanya.
Bigla nalang uminit ang mga kamay nito at nakita kong namula ang mga tainga nito. Agad niyag binawi ang kanyang mga kamay at dali-daling lumabas sa silid.
"Anong nangyari doon?" takhang tanong ko at nahiga muli upang makapagpahinga.
Drix
Tsss. Ano na ba itong nagyayari sa akin? Tsk!
Matapos kung pakainin si Ramier sa aming silid ay agad akong lumabas.
Hindi ko batid kung bakit uminit ang aking pakiramdam nang hawakan nito ang aking mga kamay at nagpasalamat ng nakangiti pa. Tsk! Parang ewan ko, kinilig ako ng kaunti. Tsss. Napaka ewan.
Ganun pala ang pakiramdam ng kiligin? Tsk. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naiisip. Hindi ito maari!
Pumunta ako sa kusina at nilapag ang mga hugasing gamit. Iniwan ko na lamang ito doon at naglakad papuntang sala at umupo dito.
Naisip ko na naman ang nangyari nung pag atake. Hindi ko ginusto ang lahat ng iyon. Lalo na't hindi ko gustong masaktan ang mga nilalang na kasama ko, lalong-lalo na si Ramier. Tss. Ramier na naman?!
Napakumo nalang ako ng aking kamao habang ininiisip ang pagmanipula nung mahikero sa aking katawan at isipan. Nagawa niya akong kontrolin at nasaktan ko si Ramier. Batid kong hindi madali ang sinapit ni Ramier sa pakikipaglaban sa akin. Tsk
Ngunit sa mga sandaling iyon ay napagtanto ko ang kapangyarihan ng mahikerong nagmanipula sa aking isipan at katawan. Kaya nitong manipulahin ang isip at katawan ng isang nilalang ngunit hindi nito kayang kontrolin ang damdamin.
Nabatid ko iyon sapagkat nilabanan ko ang aking isipan upang hindi masyadong mapinsala si Ramier sa aking mga atake. Oo nga at malakas ang kapangyarihang kumontrol sa akin sa mga oras na iyon, pero alam ko sa aking sarili na hindi gusto ang aking ginagawa. Nakakapanggalit ng kalooban.
Nang maramdaman ko ang init sa aking paligid ay pinakalma ko ang aking sarili. Mahirap na't baka masunog pa ang mga kagamitan rito.
Hindi nagtagal ay lumabas sa kanilang silid ang may dugong mortal kasabay ang Kambal ni Ramier.
Pumunta sila sa aking kinaroroonan at umupo na rin.
Tahimik lang kaming naka-upo na wari'y iniisip ang aming mga kalagayan.
Muling sumagi sa aking isipan ang nakagawiang buhay ko noon. At kung paano ako pinagtaksilan ng sarili kong mga kalahi.
'Ako si Drix. Prinsipe Drix ng Kaharian ng Argons. Prinsipe ng lahat ng lahi ng mga Dragona. Pinagtaksilan at pinarusahan.'
Itutuloy. . .
The8thElement
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
