Chapter 83 - Face off

628 47 5
                                        

Sorry po sa typo's :) yowwwzz :*


Someone's POV

Naging handa ang hukbo ng anim na itinakda nang masaksihan ang mga nilalang mula sa hukbo ni Haring Eliazar na isa-isang lumalabas mula sa anim na portal. Kahindik-hindik ang mga itusra ng mga nilalang na ito at lahat ay tila nagmutate mula sa original na mga katauhan ng lahing pinagmulan nila dahil sa sumpa at kapangyarihang bigay sa kanila ni Eliazar.

Kagaya ng hukbo ng anim na itinakda, ang hukbo ni Haring Eliazar ay binubuo ng mga shapeshifters, ogres, giants, dwarves, mga beasts at halimaw mula sa iba't-ibang dimension, mga wizards and witches na taglay ang kasamaang budhi, mga engkanto at dalakitnon, mga nilalang ng dagat, bampira, werewolves, metahumans, at marami pa. Humigit kumulang 10,000 ang bilang ng lahat ng lumabas mula sa anim na itim na portal at lahat ay may mga marka ng kadiliman na mukhang uhaw na uhaw sa karahasan at labanan.

Huling lumabas sa bawat portal ang anim ring makapangyarihang heneral ng hukbo ni Haring Eliazar na sina Wayne - Body and Mind Puppeter, Fiazhu - Shapeshifter, Caroline - Ice Witch Queen, Xiro - Metahuman, Scar - Dragona, at Janus - Vodoo Man. Kapansin-pansin ang itim na enerhiya na bumabalot sa mga katawan nila at tila'y mas naging dark and wild ang naging itsura nila. Nakasuot silang lahat ng itim na armor na nakapagpadagdag ng kanilang matinding depensa.

Ilang saglit pa ay ang pagkagimbal ng panig ng anim na itinakda sa paglabas ng Hari ng kadiliman mula sa huli at pampitong portal.

Ramdam sa buong paligid at lahat ng nilalang na nandoon ang bigat ng presensya ni Haring Eliazar.

Nagulat ang anim na itinakda at ang hukbo nila nang makita sa unang pagkakataon ang itsura ng hari ng kadiliman.

Nasa anyong tao ito na tila'y matanda ang buong mukha at naka-upo sa kanyang trono na gawa sa mga buto ng iba't-ibang nilalang na binubuhat ng mga ogres at mga higante. Puti ang buhok nito at napakaputi ng balat habang nakasuot din ng itim na armor. Nakakakilabot itong pagmasdan.

"Bakit parang matanda ang Hari ng Kadiliman na nakikita natin?" tanong ni Drix sa kanyang mga kasama.

"Marahil ito ang epekto ng pagbibigay niya ng kanyang porsyento ng lakas sa kanyang mga tagasunod." pagsasagot ni Morisson.

Lahat sila'y nakatitig lamang sa pwesto ni Haring Eliazar na kasalukuyang walang emonsyon ding tumitingin sa kanila.

"Aahhh, yan pala ang mga itinakda. Mukhang malalakas nga sila." mahinang sambit ni Eliazar at kinumpas nito ang kanyang kanang kamay.

Kasabay ng pagkumpas na iyon ay ang pagkakaroon ng napakalakas na force mula sa pwesto ni Eliazar at kumalat ito sa paligid. Taglay ng force na ito ang kanyang warning na hindi siya basta-bastang uri ng kalaban.

Naglakbay ang pwersang ito papunta sa anim na itinakda at ramdam nila ang lakas ng kapangyarihang iyon. Ang iba sa kanilang hukbo ay mukhang nawalan ng malay at natumba sa lupa dahil hindi kinaya ang pwersa ng paunang kapangyarihan ni Eliazar.

"Tsss. Hindi pa yan ang 100% na powers niya pero sobrang napakalakas pa rin." saad ni Sky.

"Kaya nga. Threat niya yun siguro. Naku." dagdag na sabi ni Blake.

Aminado silang anim na malakas nga si Haring Eliazar. Lahat sila'y nangangamba ngunit mas matindi ang kanilang paniniwala sa abilidad ng bawat isa at ang pag-asang matatalo nila ito.

Sa pagkakataong ito'y tanging tunog lamang ng mga sandata ang maririnig sa buong paligid. Kapwa sa magkabilang hukbo ay nagtitinginan lamang mula sa kinatatayuan ng mga ito at mukhang nakikiramdam.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon