Sorry po sa typo's :) kaguuuuraa :*
Zeke
Matapos naming magsalo-salo sa isang napakasayang almusal ay nagpresenta sina Blake at Morisson na magligpit ng pinagkainan.
Habang sina Ramier naman at Drix ay tumambay sa sala upang hintaying mapuno ang mahiwagang orasan.
Agad kong hinila papunta sa kwarto namin si Sky. The reason? Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Hahaha. Mukhang wala namang ideya yung apat eh. Hehe
Nang makapasok na kaming tuluyan sa aming kwarto ay nagtaka ito kung ba't ko nilock kaagad ang pinto habang nakatayo siya malapit rito.
"And what the hell are you thinking by doing that?" taas kilay nitong sabi sa akin.
Ngumiti lamang ako at mabilis na kumilos papunta sa harapan niya dahilan para mapasandal ito sa wall.
"U-uy! Tumigil ka nga Z-Zeke! Hindi ito nakakatuwa ah." medyo ilang na sabi nito habang mariin ko siyang tinititigan sa kanyang mga mata.
I put both of my arms sa magkabilang side ng ulo niya to lock him up.
"I'm sorry Mr. Sky, but I just can't hold myself anymore." sabi ko rito at ginawa kong mas seductive ang tono ng mga salita ko, namula naman ito at parang naging estatwa sa kinatatayuan niya.
Dahan dahan akong lumapit and inamoy ko ang leeg niya. Hmmmm. Ang sarap ng aromaaaa.
Saka ko ito dinilaan ng bahagya na siyang nakapagpanginig sa buo niyang katawan.
"Ughhhhh! Tangina kaaaaaa." mahinang ungol niya matapos kong gawin ito.
I smiled.
***
Ramier
Nandito kami ngayon ni Drix naka upo sa tinatawag nilang sofa na upuan. Nakasandal ako sa balikat niya habang magkahawak ang aming mga kamay.
"Hindi pa rin ako makapaniwala kanina. Haha. Isa iyon sa mga masayang pangyayari sa buhay ko. Ang saya lang nating lahat." nakangiti kong sabi kay Drix.
Naramdaman ko naman ang bahagya nitong pagpisil sa kamay ko.
"Ako rin. Kahit na napakabilis ng mga pangyayari, ay hindi ko rin inaasahan na matatanggap nila tayo kaagad. Hehe." sagot naman ni Drix.
"Hmmmm." nakangiting tugon ko sa kanya. Sana ganito nalang palagi, masaya, payapa at walang suliraning kinakaharap.
"Uhm Ramier, nais sana kitang tanungin. Hehe." nahihiyang saad ni Drix. Nagagwapohan ako pag ganito siyang malambot bigla.
Tinanggal ko ang aking ulo mula sa pagkakasandal sa balikat nito at umupo nang nakaharap sa kanya.
"Ano iyon?" nagtataka kong tanong. Ano naman kaya ang nasa isipan nito?
"Uhm. May naging espesyal na bang tao sa buhay mo bago mo ako nakilala?" seryosong bigla na sabi nito.
Napa isip ako sa sinabi nito. Siguro'y dapat din niyang malaman ang nakaraan ko.
"Sa pagkakatanda ko, meron, isa nga lang." diretsong sagot ko sa kanya.
Agad naman itong umiwas ng tingin at bumagsak ang balikat. Haha. Parang bata eh.
"Ibig mong sabihin, hindi ako ang una mo?" sunod na tanong nito habang hindi nakatingin sa akin. Pero ramdam ko ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nito.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
Viễn tưởngSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
