Chapter 14 - Home again

2.9K 133 3
                                        

Sky

Lumapit ako sa nanghihinang si Zeke. Magko-congrats sana ako sa kanya kaso natumba kaagad ito sa harapan ko pagkatapos bigkasin ang aking pangalan at ngumiti.

Sinalo ko agad ang walang malay niyang katawan na ngayon ay parang nakayakap siya ng bahagya sa akin.

Wala na itong pang-itaas na damit dahil nasira na ito ng tuluyan. Madami din itong pasa at galos sa mukha at katawan.

Ang lamig ng katawan nito ng dumikit sa aking balat. Ganito pala ang katawan ng isang bampira, walang init. Pero bakit nakaramdam ako ng init sa kanyang dibdib?

Tinitigan ko muna saglit ang kanyang mukha na ngayon ay nakapikit. Ngayon ko lang namasdan ang kanyang karisma, medyo makapal ang mga itim na kilay nito, mahahaba ang pilik mata at may matangos ding ilong. Napakaputi at napakakinis ng balat niya. Napunta ang paningin ko sa kanyang mga labi na may kaunting galos sa may gilid nito.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasaktan ako nang nakita kong nahihirapan at nasasaktan siya kanina sa laban nila ni Terra?

Aish! Winaksi ko ang aking naiisip. Hindi pa kami masyadong magkakilala pero bakit ganito ang aking nararamdaman? Nakakalito.

Kinuha ko ang mahiwagang orasan at itinutok ito sa aming harapan. Kita ko pa rin ang pinsala sa ginawa nilang labanan.

“Malakas ka pala Zeke, hanga ako sa pinakita mong tapang.” Sambit ko rito ng nakangiti bago ko pindutin ang button ng mahiwagang orasan at naglabas ito ng isang portal pabalik sa aming kinaroroonan dati.

Binuhat ko ang walang malay na katawan ni Zeke na parang sa bagong kasal.

“Congrats Bro. Uuwi na tayo upang makapagpagaling kana rin.” Sabi ko pa rin sa kanya. Ewan ko, gusto kong alagaan siya muna sa ngayon. Nakakalungkot kasi siyang pagmasdan sa ganitong estado. Nakakawala ng sigla.

Pumasok na ako sa portal at lumabas muli sa pwesto kung saan umalis kami kanina.

“Oh? Bumalik din kayo agad? At anong nangyari kay Zeke?” gulat na tanong ng aking kakambal nang makita ako na buhat si Zeke.

“Bakit andyan pa rin kayo?” takang tanong ko sa kanila.

Kasi, kung ano ang posisyon nila kanina noong umalis kami ay ganoon pa rin ang posisyon nang kami ay bumalik. Ibig sabihin hindi huminto ang oras?

“Ano? Eh wala pa ngang isang minuto na umalis kayo eh.” Sagot sakin ng aking kakambal. Kita ko namang nagtataka rin ang tatlo pa naming kasama.

“Ibig sabihin ay huminto ang oras dito ng kami ay umalis at gumalaw ulit ito ng bumalik kami.” pagsasabi ko ng aking naisip kanina.

“At nanalo si Zeke sa dwelo nila ni Terra, ang unang tagapangalaga ng Elemento ng Lupa. Mamaya ko nalang ipapakita sa inyo ang nangyari sa Terrestria pagkatapos kong mapagpahinga si Zeke.” Saad ko sa kanila.

“Sige kambal.” Sagot ng aking kakambal at tumango lang rin naman ang iba ko pang kasama.

Umakyat na muna ako sa kwarto namin ni Zeke. Doon ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Muli ay pinagmasdan ko ang kanyang walang malay na katawan. Nawawala na ang ibang mga galos at pasa nito, siguro isa ito sa mga kakayahan niya bilang isang bampira. Dahil kung tao lang siya ay malamang hindi makaya ng kanyang katawan ang labis na pinsala nito.

Kinompas ko ang aking kanang kamay at itinutok ito sa katawan niya, maya-maya ay nagkaroon na siya ng suot na bagong pares ng damit. Umiinit kasi ang aking pakiramdam sa tuwing namamasdan ko ang kanyang hubad na katawan. Ano ba ito?

Binigyan ko rin siya ng isang enkantasyon upang mapabilis ang kanyang paggaling.

“Magpahinga kana muna Bro, sa paggising mo ay ako naman ang iyong sasamahan sa aking paglalakbay.” Tugon ko rito at pagkatapos ay lumabas na ng aming kwarto.

Dumiretso na ako sa sala kung saan nandoon ang mga kasama ko.

“Kamusta na si Zeke?” tanong sa’kin ni Blake na mukhang puyat pa kagaya ni Morisson. Hindi nga gumalaw ang oras dito dahil umaga pa lamang.

“Medyo maayos na siya, buti na nga lang at bampira siya kung kaya’t may kakayahan ang katawan niyang magpagaling.” Sabi ko sa kanila.

"Ito ang nangyari sa paglalakbay namin." Kinompas ko ang aking kanang kamay at nagkaroon ng parang sa telebisyon kung saan makikita doon ang nangyari kanina.

Isa iyon sa mga kakayahan ko bilang isang Wizard. Kaya kong maitala sa aking isipan ang mga nangyayari na aking nasaksihan at maipakita ito.

Pinanood namin ng maigi ang nangyari kanina na parang isang aksyon sa palabas. Kita ko ang pagmakamangha nila kay Zeke, dahil nagpakita ito ng katapangan, at galing sa pakikipaglaban. Maging ako ay namangha pa rin kay Zeke kahit na saksi ako sa kanilang dwelo kanina lamang.

“Malakas talaga si Zeke. Ganun din ang mga tagapagbantay ng mga Elemento.” Paunang saad ng aking kambal pagkatapos naming mapanood ang pinakita ko.

“Oo, kaya dapat handa tayong lahat paghumarap tayo sa mga unang tagapangalaga. Dahil hindi sila madaling talunin.” Sabi ko sa kanila.

“Kaya dapat ay i-ensayu natin ang ating mga kakayahan para manalo rin tayo kagaya ni Zeke.” Saad naman ni Ramier. Nagkatinginan kaming lahat at mukhang malalim ang iniisip ng bawat isa.

“Blake.” Pagtawag ni Ramier kay Blake.

“Kailangan mong magsanay upang matukoy mo ang iyong kakayanan. Nakita mo kanina ang dwelo nina Zeke at ang unang tagapangalaga ng Elemento ng Lupa, kung kaya’t dapat magsanay kana upang magtagumpay ka. Malakas ang iyong taglay na kapangyarihan at ramdam ko iyon.” mahabang tugon nito kay Blake.

“S-sige.” Sagot naman ni Blake na parang nawala ang antok at tumayo ito mula sa pagkaka-upo.

“Uhm, halika sa labas. Tutulungan kitang magsanay.” Na-iilang na sabi ni Morisson kay Blake.

Hmm. Mukhang nakaka-amoy ako ng malansa rito ah. Sayang, wala si Zeke, makakabitaw sana ako ng biro.

Tumango lang si Blake sa kanya at sabay na silang lumabas sa bahay para magsanay. Tumayo na rin naman itong si Drix at mukhang lalabas rin.

“Saan ka naman pupunta Drix?” tanong ng kambal ko sa lalabas na si Drix.

“Magsasanay.” Malamig na tugon nito at tuluyan ng lumabas sa pinto na hindi manlang kami nilingon.

Napa-iling nalang ang kapatid ko at naupo sa may sofa.

“Ito pala ang mahiwagang orasan.” Bigay ko sa aking kakambal at nilagay niya iyon sa dati nitong pwesto sa ibabaw ng pintuan gamit ang mahika niya.

Tinignan ko ang gintong ilaw na enerhiya sa gilid ng mahiwagang orasan. Mukhang mabilis din itong mag-ipon ng enerhiya dahil kahit nagamit ito namin kanina ay may kaunti na rin itong enerhiya.

Saan naman kaya ang sunod na paglalakbay? Sana ay maging matagumpay din ang isa sa amin kagaya ni Zeke.





Itutuloy. . .



The 8th Element
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon