(Busy na talaga si Author, kay mej lang nakaka update. Sorry po.😭 Sensya na rin sa Typo's)
Third Person’s POV
Sa kaharian ng isang lugar na kung saan kadalimiman lang ang naghahari ay kasalukuyang nagpupulong ang pinakamasamang nilalang na nabubuhay na tinatawag nilang Panginoong Eliazar, kasama ang ibang mga kasapi na kampon rin ng Kadiliman at Kasamaan na hinimok niya upang maging kanyang mga tagasunod.
Si Panginoong Eliazar ay dating walang pisikal na katawan. Mahabang panahon na noong iisa lamang siyang ispiritu na nagmula sa poot, galit, at iba pang uri ng masamang emosyon sa bawat nilalang na nabubuhay sa buong kalawakan. Hanggang sa nagawa niyang gamitin ang lahat ng iyon upang mabigyan siya ng pisikal na lakas. Kumbaga he was just made out of hate of all the creatures who have a life, and he took advantage of those hatred to fulfill his personal interests.
Likas na masama ang kanyang budhi dahil doon siya nagmula. At dahil na rin sa kasamaang lumulukob sa kanyang pagkatao na galing sa lahat ng nilalang ay maging malakas ito at naging kapangyarihan na din niya kalaunan.
Lumikha siya ng sarili niyang dimensyon kung saan siya ang hari at dito siya nagpalakas nang husto. Nang mabatid niyang malakas na siya ay nagsimula na siya sa kanyang pananakop sa lahat ng kaharian sa iba’t-ibang lugar at dimensyon.
Gumawa rin siya ng kanyang sariling hukbo na likha sa kasamaan at ito ang ginamit niya bilang kanyang mga sundalo sa pananakop.
Bawat lugar na kanyang pinupuntahan ay sinisigurado niyang wasak ito o hindi kaya’y walang makikitang katahimikan dito. Ito ang kanyang pangunahing pakay, ang mag hasik ng lagim upang sirain ang kapayapaan na kanyang kinasusuklaman sa lahat ng bagay. Ang tanging gusto niya lamang ay maglanap ang Chaos sa buong sangkalawakan.
At sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan ay may mga nilalang siyang hinihimok na sumama sa kanyang pananakop. Nililinlang niya ito at ginagamit niya ang kasamaan sa puso nila upang kanyang mahawakan ang kaluluwa at katauhan nito. Tuso sa lahat si Panginoong Eliazar dahil maari ka niyang mapasunod sa anumang nais niya kung may mahanap siyang kasamaan sa iyong kalooban.
Sa tagal rin ng kanyang pananakop ay isang planeta na lamang ang kanyang hindi napagtatagumpayang sakupin, ang planetang Earth. Ito ang huli niyang nais na sirain sapagkat laganap ang kapayapaan dito at kaunti lamang ang porsyento ng kasamaan. Subalit hindi niya ito magagawang sirain kung may mga tagapagligtas rito.
Kaya sa ngayo’y nagpagawa siya ng isang pulong kasama ang mga malalakas at tuso niyang tagasunod upang maging Heneral niya sa hukbong kanyang gagamitin sa pananakop sa mundong Earth. Naganap ang kanilang pagpupulong sa isang pribadong silid sa palasyo ni Eliazar.
“Mahal na Panginoon.” Sabay-sabay na sabi ng limang nilalang pagkapasok ni Eliazar sa silid. Yumuko rin ang mga ito bilang respeto sa kanya.
Kasama ni Eliazar ang kanyang kanang kamay na kanya ring hinimok upang maging tagasunod niya. Sa isang kompas niya lang ng kanyang kamay ay nagsi upo na ang lahat at doon siya naupo sa gitna ng lahat.
“Mga tagasunod ko, batid niyong nabibigo ako sa aking paghahasik ng lagim sa planetang Earth dahil sa mga pesteng nilalang na mga itinakda! At binigyan ako nito ng suliranin.” Galit na saad ni Eliazar at kasabay noon ang pagkulog at pagkidlat sa labas ng palasyo.
“Kung kaya’t kailangan ko ang inyong tulong upang magtagumpay ako.” Saad pa nito sa kanyang mga tagasunod.
“Ano ang maitutulong namin sa inyo Paninoong Eliazar?” tanong ni Wayne. Isa sa mga malalakas na tauhan ni Eliazar. Dahil sa pagsama niya sa kadiliman ay nadagdagan ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang Black Magician at Body and Mind Puppeter. Ang kapangyarihan niya ay kaya niyang manipulahin ang isipan at katawan ng sinumang nilalang at mapasunod ito sa nais niyang gawin. Isa pa, makakamit niya na rin ang pinakamataas na antas ng pagiging Mahikero, ang pagiging Grand Black Warden sa tulong ni Eliazar, at dahil na rin sa napakaganid niya sa kapangyarihan.
“Nais kong kayo na mismo ang humanap sa kinaroroonan nang mga pesteng itinakda na iyan at tapusin sila!” matigas na utos ni Eliazar na sinang -ayunan ng lahat.
“Lahat rin kayo ay pinili kong maging Heneral sa aking gagawing pananakop sa Earth, na aking isasakatuparan sa pagtakip ng buwan sa araw.” Dagdag pa nito.
“Patayin niyo sila at burahin sa mundong ibabaw nang mawala ang mga sagabal sa aking mga plano.” Utos nito.
“Masusunod Panginoong Eliazar.” Magalang na sagot ng anim na kang tagasunod kasabay ng pag itim ng mga nito na siyang ikinasiya ni Eliazar.
Bukod kay Wayne ay may lima pang malalakas na kampon ng kasamaan.
Si Caroline, isang tusong Winter Creature na mula sa Arctic dimension. Ang kapangyarihan nito ay Ice at kasinglamig din niya ang taglay niyang kapangyarihan. Ang kanyang buong katawan ay gawa sa yelong napakatigas at napakalamig. Ngunit sa tulong ni Eliazar ay nakubli niya ang tunay niyang katawan at nabigyan siya ng katawan ng isang tao. Pero kung siya’y iyong gagalitin ay lumalabas ang kanyang tunay na anyo na purong yelo.
Si Xiro, isang metahuman mula sa masyadong advance na mundo mula sa ibang dimensyon. Ang kapangyarihan nito ay gaya ng kay Superman, ngunit mas malakas at wala ni anong kahinaan dahil sa dagdag na kapangyarihan na pinagkaloob sa kanya ni Eliazar. Isang most wanted na assassin sa kanilang lugar at isa sa pinakatatakotang nilalang sa kanyang dimensyong pinagmulan. Nahimok siyang sumamakay Eliazar dahil likas na masama ang kanyang puso at singtigas ito ng bato. Mas malala pa siya sa isang mamamatay tao.
Si Janus, isang Voodo Man at ang kapangyarihan naman niya ay ginagawang totoo ang mga masasamang bangungot ng isang nilalang, isang uri ng kapangyarihang maihahalintulad kay Boogy Man. Nakuha niya ito nang sumama siya kay Eliazar kapalit ng walang katapusang supply ng dugo ng mga tao upang hindi siya magutom. Nakakatakot siyang maging kalaban dahil maituturing siyang isang Psycho. Baliw na kung baliw ngunit kaya ka nitong mapasa ilalim sa kanyang malagim na panaginip.
Si Scar, isa sa dalawang Dragona na nabubuhay. Isang sakim, tuso, trahedor at makasariling nilalang. Nagawa niyang talikuran ang kanyang tugkulin dahil sa inggit, at nagawa niyang paslangin lahat ng kanyang kalahi dahil sa kakitiran ng kanyang pag-iisip na siyang ginamit ni Eliazar upang makuha nito ang kanyang loob. Hinangad niyang magkaroon ng labis na kapangyarihan at binigyan siya ni Eliazar ng Itim na Apoy na sa kanya lamang nagmumula. Isang uri ng apoy na hinding-hindi matutupok o mapapatay ng kahit na anong bagay liban nalang kung mamamatay o patitigilin ito ng nagmamanipula ng apoy. Masyadong mapanganib ito kung kaya’t mataas ang kumpyansa ni Scar na siya ang pinakamalakas sa kanila.
At ang huli, si Fiazhu, isang Shapeshifter na kayang magpalit ng anyo sa anumang gugustuhin niya. Bukod pa rito, napakatalas din ng kanyang isipan kung kaya’t siya ang naturing na pinakamatalinong nilalang sa kanilang lugar. Ngunit dahil na rin sa mas matimbang ang kanyang utak kesa sa kanyang puso ay mabilis siyang nahimok ni Eliazar para maging kanang kamay niya. Isa pa, mas naging doble ang lakas niya dahil kaya niyang kopyahin hindi lang ang anyo ng isang nilalang, kundi pati na rin ang taglay nitong kapangyarihan. Kung kaya’t maituturing siyang isang napakalakas at mapanganib na kalaban.
Sila ang mga mapanganib na Heneral ng hukbo ni Eliazar. Mga nilalang na labis ang kasamaang nangingibabaw sa kanilang mga puso. Mga nilalang na susundin ang anumang iutos ng kanilang Paninoon.
“Humayo na kayo aking mga alagad. Pasiyahin ninyo ako at mabuhay ang kadiliman!” utos ni Eliazar sa kanyang mga tagasunod na siya namang sinunod ng mga ito.
Isang malakas na tawa ang narinig sa buong palasyo kasabay ang sunod-sunod na pagkulog at pagkidlat sa buong madilim na dimensyon.
“Humanda na kayo mga pipitsuging itinakda, malapit na kaming maghari!” nakakagimbal na saad ni Eliazar habang nakangiti na parang isang demonyo at umiilaw ng itim ang kanyang buong mata.
Itutuloy. . .
The8thElement
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
