Chapter 40 - Blake vs Gloxinia 2

815 68 4
                                        

Sorry po sa typo's :) chaooo :*



Blake



Di ko na ramdam ang katawan ko. Manhid na ito. Dumadanak ang dugo sa buo kong paligid habang ako'y nakahandusay sa sahig. Napakahina ko talaga.


Medyo naririnig ko ang boses ni Morisson, siguradong nag aalala na naman yun. Haha. Nanghihina na ang aking pandinig at nanlalabo na rin ang aking paningin.



Ito na ba iyon? Flatline is real?


Pinikit ko na ang aking mata to face my death.




-




When I opened it, napunta ako sa ibang lugar. Napakaliwanag ng paligid. Nandoon na ako nakatayo sa purong puti na paligid.


'This is the entrance to heaven na siguro.' sabi ko sa aking sarili.




"Hello! Yoohoooo! Is anybody here? Asan ho yung gatekeeper papuntang langit? I wanna have my ticket or number man lamang po?" sigaw ko sa paligid. Wala ni anumang tao o nilalang dito.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may makita akong nakapigura ng lumuliwanag na lalaki sa di kalayuan.




"Uy, si Jesus na ba yon?" bulong ko sa aking sarili habang tumakbo papalit sa lalaki.



Nang makalapit na ako ay nabigla ako sa itsura ng lalaking lumiliwanag. Naka ngiti ito sa akin at ang mukha niya, isa siyang Elf!



-


"Blake, anak." tugon nito sa akin habang iniabot niya ang kanyang mga bisig na parang naghihintay ng yakap.



Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa aking nakikita. Agad akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit. Masyadong totoo itong nangyayari sa akin ngayon.



"Papaaa." bulong ko habang nakayakap sa mga bisig niya. Ito pala ang pakiramdan ng comfort ng isang Ama. Nakaka satisfy.



Ilang sandali pa ay bumitaw na kami sa aming pagkakayakap.



"Anak, oras na para tanggapin mo ang iyong pagkatao bilang Elf." sabi niya saakin ng nakangiti. Tumulo na naman ang luha ko.




"Paaaa, salamat. Salamat sa sakripisyo. Nabigyang buhay ako. P-pero, binigo ko kayo Paaa, kayo ni Mamaaaa." iyak na sabi ko.



Totoo naman iyon, I just gave up earlier. Napaka hina ko kasi.



"Hindi anak. Mahal ka namin ng Mama mo at naniniwala kami sa iyo. Kaya ko ginawa iyon para sa iyo, dahil ganoon kita kamahal." sabi nito habang pinupunasan ang mga luha ko.




"Buksan mo ang iyong puso at isipan, at tanggapin mo ng buo ang kapangyarihang mula sa akin. Sa ganung paraan, hindi ka na mahihirapan sa mga labanan." dagdag pa nito.



Lumabas sa kanyang dibdib ang isang kulay abo na apoy at pinalutang niya ito sa kanyang kamay.



"Mahal kita anak kaya ito lang ang makakaya kong gawin upang matulungan kita. Magtiwala kalang sa iyong sarili. Tandaan mo palagi na mahal na mahal ko kayo ng Mama mo." sabi nito sa akin.


Bago pa man ako makasagot ay biglang pumasok sa aking dibdib ang kulay abo na apoy.


Tumigil ang paligid at biglang uminit ang aking pakiramdam. Sa pagkawala ni Papa ay ang paghigop ng aking katawan sa buong liwanag na nakapaligid sa akin. And everything went black.




The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon