Sorry po sa typo's :) Chaaoooo:*
Ramier
Nandito pa rin kaming apat nina Sky, Zeke, at Blake na naka upo sa aming sala.
Grabeng pinagbago ng buong itsura ni Blake matapos nilang bumalik mula sa Aeria. Totoo ngang napakaganda niya. Yung tipong babae ang wangis ng kaniyang mukha at balat.
"Waaaaaaaaa!! How did I became like this in a short period of time?!" mangiyak-ngiyak na usal nito habang patuloy na tinititigan ang kanyang repleksyon sa salamin.
Tumawa lang naman kaming lahat sa asal niya. Para siyang batang naagawan ng lobo. Binigyan din pala siya ng panigbagong damit ni Sky gamit ang kanyang mahika. Halos kasi hubad na ito kanina nang dumating sila ni Morisson. Haha
"Relaaaax. That's you true form matapos kang dumaan sa perfect evolution. Hindi lang physical features mo ang nagbago, pati na rin ang aura at kapangyarihan mo." pagpapakalma ng aking kakambal na si Sky.
"Agree. Nase sense kong sobrang lakas mo na ngayon but you are able to control and hold it in. Exceptional ka talagang maituturing." dagdag pa ni Zeke. Na siya namang tinanungan ko upang magpatunay na tama ang kanyang sinasabi.
Kahit na gumagamit silang tatlo ng ibang linggwahe ay nagagawa ko pa rin itong intindihin sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga labi. Si Zeke ay namuhay na malapit sa mga mortal. Si Blake naman ay mortal bago siya napunta rito. At iyong kakambal ko ay kayang mangopya ng kahit na anumang makita o masaksihan niya.
Tiningnan ko ang mahiwagang orasan. At napansin kong madali na naman itong napupuno.
"Uy Ramier, tayo nalang ang natitirang maghaharap sa ating pagsubok ah." saad ng aking kakambal.
"Siya nga. Handa naman tayo kung sakali. At saka mukhang mamayang gabe mapupuno na ulit ang mahiwagang orasan." sagot ko sa kanya.
"All right! Basta ako, I am more than prepared. Hahaha! If Blake did it, I will, too!" kumpyansang turan nito saamin.
"I believe in you too dude!" maangas na sabi ni Zeke sa kanila at nag apir ang dalawa.
.
Siya nga pala, kamusta na kaya yung Drix na yun? Haaayy. Hindi ako makaka alis kung hindi pa din siya gising.
Nagpasya akong iwan muna ang tatlo at pumunta sa kwarto upang suriin ang kalagayan ni Drix.
Nadatnan ko ang tulog pa rin niyang katawan. Haaayyyy
Umupo ako sa tabi niya sa gilid ng aming hinihigaan. At pinagmasdan siya.
Napaka kalmado ng kanyang mukha. Napaka gwapo. Ang layo kung siya ay gising. Medyo humihilom na ang mga sugat nito sa braso. Ang bilis siguro umaksyon ng kanyang katawan sa paggamot ng kanyang napinsalang mga bahagi. Nakakamangha.
Batid ko rin ang pinagdaanan niya sa nakaraan dahil nagsaliksik ako tungkol sa aming anim. Medyo masakit ito para sa kanya sapagkat nakaranas siya ng pagta trahedor mula sa kanyang sariling lahi. Sa kadahilanan lamang ng kanyang kakaibang uri ng apoy. Iyon siguro ang naging dahilan upang maging bato ang buo niyang pagkatao at hindi magtitiwala basta basta sa kung sinoman. Pero nitong nagdaang mga araw, pansin ko naman ang mga pagbabago sa mga gawi niya.
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay hinaplos ko ang kanyang mukha ng dahan dahan. Ang pagmasdan siyang ganito lamang ay sapat na para ako'y maging kalmado rin.
Pero nagka salubong ang dalawang kilay ko nang maramdaman kong mainit na mainit ang kanyang temperatura.
T-teka ano ito? Lagnat?! Pero hindi ko mawari sapagkat lampas na sa ordinaryong init ng katawan ang init niya.
A-anong nangyayari dito?
"Hmmmmm..." gulat kong tiningnan si Drix at napansin kong gising na siya.
"D-drix! A-ayos kalang?! Bakit napaka init mo?!" tarantang tugon ko sa kanya. Ano ba ito pakiramdam na ito?!
"Ramier... lumayo ka muna sa akin... Ahhhh." malalim na boses na sabi niya saakin na animo'y nang aakit. Napaka lalaki nang turan niyang iyon.
Dahan dahan siyang umupo sa aming higaan at hinilot ang kanyang ulo.
"U-uy. B-bakit ba? Masakit ba ang iyong ulo?!" kabadong sabi ko rito saka dinampi ang ang kamay sa kanyang noo. Naku. Lalong uminit ang kanyang temperatura.
"Ramier... Umalis ka muna... Ahhh... Nag iinit ako... Paki usap.... Lumayo ka muna saakin..." nakaka akit na sabi niya sa akin.
Sa ngayo'y isang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya. Nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. At mapula ang kanyang mukha. Animo'y lasing ito habang nakatitig saakin.
T-teka?! Batay sa aking pananaliksik. May mga nilalang na nagdaraan sa ganitong klaseng init. Pag ganitong mga pangyayari, ang nag-iinit na nilalang ay kailangan makapagtalik upang maibsan ang init na nararamdaman nila. Natural ito sa ibang nilalang at isa rito ang lahi nina Drix. Tangna!
Gulp-
Napalunok nalang ako. Hindi na ako makagalaw saaking kina uupuan. Napaka gwapo niya at nakakapang akit.
Umiinit na rin ang pakiramdam ko sa mga inilalabas niyang mumunting usok. Ang sarap sa pakiramdam ng aroma.
Anong nang gagawin ko?! Siguro kailangan kong umiwas sa sitwasyong ito!
"Dri-" bago pa man ako makakibo ay naramdaman ko nalang ang kanyang labi na dumikit sa aking mga labi.
Ang lambot. Ang init. At..... ang sarap.
-
Someone's POV
"I heard pinuntahan ni Wayne yung mga bubwit na itinakda the last few days." sabi ng babaeng nakasuot ng gown na puti. Mahaba ang kanyang buhok at maputla ang balat. Medyo fierce ang kanyang dekorasyon sa mukha. Mahahaba rin ang mga kuko nito na kulay puti. At bawat dinadaananan nito ay nagyeyelo.
"Hmmmm. Yun din yung narinig ko. Mwehehehe." sambit ng isang batang babae na may makulay na damit at may hawak na malaking stuff toy.
"Pero hindi daw nagtagumpay si Wayne. Masyado kasi siyang mahina at napaka hambog. Haha. Nung bumalik siya rito, para siyang sisiw na tinapunan ng malamig na tubig. Hahahaha." sambit ng kanina'y batang babae na ngayo'y naging clown na.
"Heh. Yan ang nababagay sa mga stupidong kagaya niya." pairap na sabi ng babaeng naka gown na puti.
"Well anyways, gusto mo bang maglaro muna pansamantala? Gusto mo bang bisitahin na sila? Naaaaaa! Laro tayo!" sambit ng shapeshifter na ngayo'y isa nang batang lalaki.
Napangiti ang babaeng nakaputi sa turan ng shapeshifter. Mukhang sang ayon ito sa sinabi ng kanyang kausap.
"Okay sige. Medyo matagal tagal na rin naman akong hindi nakaka paglaro. Let's pay them a visit shall we?" sopistikadang sagot nito na siya naman ikinasaya ng shapeshifter na ngayo'y isa nang ibon at pumunta sa kanyang balikat.
Itutuloy. . .
------
(A/N) The bedscene on this part is available on another story. Kindly visit my profile.
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
