Chapter 27 - Three Down

2.3K 114 5
                                        

Sorry sa typo's😊





Blake


Matapos pumasok sa katawan ni Morisson ang asul na liwanag ay nawalan ito ng malay habang yakap-yakap ko. Basa ang buong katawan nito, punit-punit din  ang mga damit at may mga galos sa mukha at katawan.




“Congrats Morisson. Nagtagumpay ka.” Nakangiting bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.



Kanina ay alalang-alala ako habang pinapanood silang naglalaban. Ang astig! Para akong nanood ng Mortal Kombat ng Live. Hindi ko rin mapigilang humanga sa tatag at determinasyon ni Morisson na manalo. Hindi ko nga alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip nung nakikipaglaban siya.



Medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam kasi okay lang naman si Morisson pagkatapos ng lahat.


Nabuhayan ako ng loob para mas maging malakas ako kagaya niya.
Pinagmasdan ko lang saglit ang kanyang mukha. Parang pamilyar ang mga features niya. Mula sa makinis nitong morenong balat, makapal na kilay at mahabang pilik mata, ang mga mata nitong inosente kung iyong tititigan, matangod rin ang kanyang ilong at may kaunting manipis na buhok sa kanyang mapulang labi.



Ay shete! Napatigil ako ng aking pag iisip nang medyo napatagal ako sa pagtitig sa kanyang labi.



“Haynaku Morisson. You’re making me insane at this moment.” Sabi ko nalang sa kanya.


Inihanda ko na ang mahiwagang orasan na hawak ko at itinutok ko ito sa unahan namin.



“Uwi na muna tayo nang makapagpahinga kana.” Sabi ko ulit matapos na buhatin ang walang malay na katawan nito.



Mabigat siya infairness. Hehe. Pumasok na ako sa portal at inilabas sa aming sala.


Nakita kong nandoon pa rin nakatayo si Sky at nabigla ito nang makita kami. Agad itong lumapit sa amin pagkasara ng portal.



“Anong nangyari? Nagtagumpay ba siya?” alalang tanong nito habang tinititigan si Morisson.


“Uhm oo. Hehe. Successful ang kanyang mission. Hehe.” Sagot ko sa tanong niya.



“Uhm Sky, tulungan mo’kong maipunta siya sa kwarto namin, medyo nabibigatan na kasi ako. Hehehe.” Nahihiyang utos ko kay Sky.


“Ah sge. HAHAHA. Di mo naman sinabi agad.” Tugon nito at winasiwas ang kanyang daliri.



Sa isang iglap ay nandoon na kaming tatlo sa kwarto namin ni Morisson.
Tinulungan ako ni Sky na ayusin sa pagkakahiga si Morisson.



Naku! Basa ang kanyang katawan eh?’ biglang reklamo ko sa aking isipan nang tignan na basa na rin ang higaan namin.

“Ah. S-sky.” Nahihiyang panimula ko na siyang ikinalingon ni Sky.


“Uhm. Eh. Pwede mo ba akong tulungang makapagpalit si Morisson ng damit? Basa kasi siya eh.” Sabi ko.


“Ah ganun ba? Edi ikaw nalang magpalit sa kanya at lalabas muna ako.” Suhestyon nito na ikinabigla ko.


“Wait! Teka ako? You mean palitan lahat ng damit niya?” reklamo ko.


“Uhm. Yes? I guess? Hehe. Ano namang problema dun eh pareho naman kayong lalaki ni Morisson?” sabi nito nang may pilyong ngiti.

Hahayy. Sky is back.’ Sabi ko nalang sa aking isip.



Eh sa hindi ako komportable sa gagawin ko eh. Oo nga’t pareho kaming lalaki ni Morisson pero, hahayy.


“Oh natahimik ka dyan?” nakangiting tanong ni Sky sa akin na parang nananadya.

“HAHA. Biro lang! Sige na, ako nang bahala.” Pagsabi nito ay winasiwas uliy niya ang kanyang kamay at bigla nalang nag-iba ang damit ni Morisson. Natuyo na rin ang aming higaan.


“Haaay salamat talaga Sky! Hehe.” Buntong hininga kong pasasalamat sa kanya.

“Welcome.” Sabay kindat nito sa akin. At lumabas na ng kwarto.


Naiwan kami ni Morisson sa aming silid. Nilapitan ko ito at inayos ang kumot niya sa katawan. Muli ko na namang pinagmasdan ang kayang mukha.


“Magpahinga kana muna diyan Morisson. You deserve a rest.” Sabi ko at lumabas na rin sa kwarto.


Naabutan ko si Sky na muling naka-upo sa may sala. Umupo ako sa tapat ng kanyang inuupuan.

“Uhm. Ito na nga pala ang mahiwagang orasan.” At inabot ko ito sa kanya.

Napansin kong medyo nangangalahati na ang gintong ilaw sa gitna nito kahit na kakagamit palang rito. Napansin rin iyon ni Sky.


“Looks like sa bawat misyong napagtatagumpayan ay automatic na nadadagdag ang energy sa magic watch na ito.” Paliwanag ni Sky na tinanguan ko na lamang. Mukhang tama nga siya.


Nakita kong pinalutang niya ito at ibinalik sa pwesto nito sa ibabaw nang pintuan.

Isinandal ko ang aking ulo sa sofa na aking inuupuan.

Sa ikli ng panahon, parang andami kaagad ng nangyari. Parang nakaFast forward ang lahat. At kahit na bago sa akin ang lahat ng pangyayari ay nagawa kong mag-adjust. Hahayy.
At this moment, tatlo na sa amin ang walang malay. Si Zeke, Morisson, at Ramier. Mukhang napagdaanan na nila ang matinding pagsubok nila. Sana’y makaya ko rin ang akin.










Kaharian ng Arksen (Lugar ng Kadiliman)




Someone’s POV


“Panginoon, andyan na po ang limang pinili mong maging Heneral ng iyong hukbo. Nasa silid po sila ng pagpupulungan.” Sambit ng aking kanang kamay.


“Magaling.” Nakademonyong ngiting turan ko sa kanya.



Tumayo na ako sa aking inuupuang trono at nagsimulang maglakad papunta sa silid na aming pagpupulungan.


Natipon ko na ang mga nilalang na magiging instrumento ko sa aking pagsasakop sa buong sanlibutan. Humanda na ang mga itinakada dahil malapit na ang aming pagtatagpo.






Itutuloy. . .





The8thElement
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon