Chapter 95 - Blake: Haribon

399 40 16
                                    

Sorry po sa typo's :)


Someone's POV

Bago pa man matamaan si Blake sa patalim na hawak ni Janus ay mabilis nitong ginawang hangin ang buong katawan niya para maka-iwas, at kaagad na nagmaterialize sa ibang air particles sa himpapawid. Sa isang iglap ay natakasan ni Blake ng walang kahirap hirap ang ambush attack na gawa ng kalaban.

"Hmmp! Huwag ako, hindi mo 'ko madadaanan sa mga galawan mong yan." nakangising saad ni Blake.

Dahil sa nagkalat na air particles sa buong paligid ay kaagad niyang nasesense ang presensya ng katawan ni Janus kung lilitaw ito sa kung saan. Parang mga detonating bombs ang mga ito at ramdam ni Blake kung sakaling natitrigger ito ng pisikal o kahit pwersa man lamang.

Ngunit hindi din nagpahuli si Janus at mabilis na tinutok nito ang kanyang kanang palad sa kinaroroonan ni Blake. Mula sa kanyang palad ay nagsilabasan ang iba't-ibang uri na mga kahindik-hindik na nilalang ng kadimilan at mabilis itong sumugod kay Blake.

"Wwwwwoooooooooooo!!!" sigawan ng mga ito na wari'y mga multo na gawa sa anino.

Bilang depensa ay tinutok ni Blake ang kanyang sacred treasure sa papalapit na atake ni Janus.

Nagsilitawan ang napakadaming arrow na na gawa sa wind energy mula sa likod ni Blake at sa isang pagbitiw niya ng pana mula sa bow na hawak nito ay siya namang pagbulusok ng napakaraming arrow bilang counter sa atake ng kalaban.

"Vooogssshh!! Voooggsshh!! Vooogsshh!!! Voogsshhh!! Voogssshh!! Vooogssshh!!" mabilis na tunog ng mga malalakas na pagtatama ng napakaraming arrow ni Blake sa shadow na gawa ni Janus. Kapwa ay nagbabanggaan ng magkaibang uri ng pwersa at tila'y parehong bumubuhos ng walang katapusang mga atake mula sa dalawa.

"Zzzzzeerrrggggssshhhhhh!!!" pagsasangbuno ng dalawang kapangyarihan at sa ilang saglit pa'y tuluyang sumabog ang nasa pagitan ng dalawa dahil sa lakas ng mga pwersang binatawan nila.

Agad na lumipad si Blake ng mas mataas kesa kay Janus. Naisip niyang walang patutunguhan ang kanyang gagawin sa pagkat kaya itong tapatan ng kanyang kalaban gamit ang kapangyarihang taglay nito.

"Its time to shine and to finish this off once and for all." seryosong sabi ni Blake at inangat nito ang braso kung saan andoon ang Huracan's Bow.

"Haribon!" sigaw niya at pumutok ang sacred treasure na hawak nito. Naging kulay puting enerhiya ito at mabilis na pumalibot sa buong katawan ni Blake. Ang kanyang armor ay napalitan ng kumikinang na silver plates na may disenyo na parang sa malalaking balahibo ng agila. Naging purong white ang buong mga mata nito at nagkaroon din ng iilang color white na highlights sa buhok niya. Bigla ring lumitaw ang dalawang malalaking 4 sided blades na gawa sa white energy na animo'y mga elisi na gumagalaw sa sobrang bilis ng kilos ng pag ikot nito, nakapwesto ito sa likuran niya na wari'y mga pakpak. Pumalibot rin ang tila mahinang ipo-ipo sa buong katawan ni Blake ngunit sa likod ng banayad na appearance nito'y kaya nitong pagpira-pirasuhin ang kahit na anong bagay sa kalakawan kahit na ang mga enerhiya o kapangyarihan dahil ang hangin na tumatakbo sa pinaka barrier na ito'y gumagalaw ng mas mabilis pa kesa sa speed of light.

Ito ang Haribon, ang kasinglakas na antas ng porma ng isang Diyos ng Hangin at Bagyo. Sinasabing ang opensa at depensa ng nilalang na sinumang gumagamit sa anyong ito'y mas lumalakas ng 100x.

At bukod sa kapangyarihang sacred treasure ni Blake ay pinalabas rin nito ang kanyang elf energy kung kaya't nasa tuktok na ng pinakamalakas na antas ang kapangyarihan niya sa ngayon at nag eemit ng parang umuusok na puting enerhiya ang katawan ni Blake.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon