Chapter 96 - Finale 1

542 37 2
                                        

Sorry po sa typo's :) ahooyyy :*

Someone's POV

Naging seryoso ang anim na itinakda sa paunang pagpaparamdam ng lakas ng kapangyarihan ni Eliazar, ang Hari ng Kadiliman. Kita mula pwesto nila ang walang emosyong mukha ni Eliazar na nag-eemit ng black na aura ang buong katawan. Marahil ay nagalit ito sa tuluyang pagkatalo ng kayang magigiting heneral at ang pagkulong ng parte ng kanyang kabuuang lakas.

"Mga lapastangan!" sigaw ni Eliazar at pinalutang nito ang kanyang sarili sa himpapawid. Mula sa walang emosyong mukha nito ay napalitan ito ng dahas at pagkamuhi.

Sa isang kumpas lang ng kanyang kaliwang kamay ay agad na naging abo ang lahat ng mga nilalang ng kadiliman sa huling hukbo na pomoprotekta at nakapaligid sa kanya.

"Aaaaaaarrrrrkkkkk!!!" sigawan ng mga ito at tila'y lumabas sa kanilang mga katawan ang itim na usok at pumasok ito sa katawan ni Eliazar.

"Hmmmmm..." mahinang saad ng Hari ng kadiliman na mukhang lumalakas ang pakiramdam dahil sa paghihigop ng buhay ng kanyang mga alagad.

Ilang sandali pa'y si Eliazar na lamang ang natitira sa kaninang napaka-ingay at napakadaming hukbo kanina. Dahil sa paghigop nito sa lahat ng lakas ng kanyang mga alagad ay nagsilabasan ang mga itim na ugat sa buong katawan nito at mukhang bumata ang kanyang itsura.

Nakakatakot ang mga ngisi nito at mukhang naghahanda sa pakikipagsagupaan sa anim na itinakda.

"Maghanda kayo!" sigaw ni Sky at lahat sila'y pumwesto ng isang formation. Hindi nila batid ang kakayahan at pwersa na kayang ibigay ng kanilang makakalaban kaya kailangang todo ingat ang lahat ng mga gagawin nila.

Sa unahan ay si Blake, Drix, Morisson, at Zeke na gumagamit ng mga natural na elemento ng sangkalawakan. Sila muna ang makikisangbuno sa Hari ng kadiliman.

Sa likod nila'y ang kambal na kapwa babantayan ang mga nakakulong na mga dark energy ni Eliazar. Nagpalabas si Sky ng isang napakalakas na barrier mula sa pinaghalong light energy at white magic at si Ramier nama'y gumawa ng pangalawang barrier upang mas lalong maging matindi ng proteksyon at depensa nila gamit ang dark energy at black magic.

"Kami na muna ang makikipaglaban. Huwag niyong hahayaang makuha ni Eliazar ang ibang parte ng lakas niya, para tuluyan natin siyang matalo." pagsasaad ni Zeke habang mariing nakakatitig sa kalaban.

"Gagawin namin ang aming makakaya upang bantayan ang mga itim na enerhiya na ito. Mag-iingat kayong apat." sabi naman ni Ramier at lahat sila'y tumango ng seryoso at mas pina-igting pa ang kanilang mga kapangyarihan.

"Tayo na!" sigaw ni Drix at mabilis na gumalaw sina Blake, Zeke, at Morisson.

Lumundag sa Zeke mula sa pillar na kanyang kinatatayuan at mabilis itong bumulusok papunta sa pwesto ni Eliazar. Mabilis ang mga kilos nito.

"Baaaaaaggggg!!! Baaaaaaagggg!!!" pagtatama ng dalawang malalakas na suntok na atake ni Zeke sa katawan ni Eliazar na sapul na sapul.

"Wooooosssshhhhh!!!" tumilapon ng ilang metro sa himpapawid ang parang lastiko na katawan ng Hari ng Kadiliman.

Mula sa likod ng pwesto nito'y biglang lumitaw si Blake at tinutok nito ang kanyang kanang palad sa papalapit na katawan ni Eliazar. Sa isang kisapmata ay nagpalabas si Blake ng isang malakas na ihip ng hangin.

"Vooooooorrrgggsssshhhhh!!!" pagragasa ng hangin na iyon at kasabay nito ang pagtangay muli ng katawan ni Eliazar sa himpapawid.

Hindi rin nagpahuli si Morisson na ngayo'y nasa itaas ng pwesto nila, kinumpas nito ang kanyang kaliwang kamay at lumitaw mula sa ibaba ang isang water serpent na animo'y mabangis na ipo-ipo na gawa sa tubig at nilamon nito ang Hari ng Kadiliman.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon