Chapter 65 - Boys Night Out

706 42 0
                                    

Sorry po sa typo's :) ohhyeeaahh :*

Morisson

"Okay guuuyssss! Cheeeeeeerssss!" sigaw ni Sky saka sabay-sabay naming inangat ang aming mga baso na may lamang alak. Wine ata ang tawag nila dito.

Kasalukuyan kaming nandito sa sala at nagdiriwang. May mga inumin na hindi ko alam kung saan galing at mga pagkaing aming pinagsasaluhan sa mesa na nasa gitna.

Tumikim ako ng kaunti sa inuming alak at napangiwi ako nang hindi ko magustuhan ang lasa nito. Naku naman. Unang beses ko itong uminom ng alak na gawa ng nga mortal. At hindi ko ito nagustuhan. Hehe. Sa tingin ko'y isang baso lamang ang kaya kong ubusin sa inuming ito.

"Cheeeeerrrsss!" sigaw ring sabi nina Zeke at Blake saka ubos na ininom ang isang basong wine nila. Naku!

Sina Ramier at Drix naman ay tama tama lang ang paghigop sa kanilang inumin.

"Uy, Blake. Huwag kang sosobra sa pag inom. Batid kong hindi ka rin sanay sa mga alak na iyan." pag-aalalang sabi ko sa kay Blake na ngayo'y medyo namumula na ang mukha dahil sa ininom nitong wine.

"Anukaba Morisson! Hahaha. Kaya ko naman. Saka, let's enjoy this moment together. Don't spoil the fun, okay? Hahaha." nakatawang tugon nito sa akin saka kinuha ang isang bote ng wine at iniabot sa akin.

"Yan. Pa pour nalang ng wine sa baso ko. Hehehe." makulit na sabi nito.

Haaaayyy. Sa tingin ko'y, hindi talaga ako iinom ng marami dahil walang mag aasikaso kay Blake kung sakali. Hehe.

Binuhusan ko naman ang baso niya ng wine at mabilis niya itong inubos. Hayssss talaga. Hindi na ako umimik pa nang makita kong masaya naman si Blake sa ginagawa niya. Sinusunod ko na lamang ang mga utos nito kagaya ng pagpapakain sa kanya ng prutas, at pagbubuhos ng kanyang inumin. Haha. Para siyang bata. Ako nama'y dahan-dahang iniinom ang aking inumin na ngayo'y kalahati palang ng baso ang nauubos.

"Ano yan Morisson? Ang hina mo namang uminom ata? Hahaha." tanong sa akin ni Zeke.

"Hehe. Hayaan mo na ako. Hindi ko lang ramdam ang maglasing ngayon eh." alanganing sagot ko kay Zeke. Baka kasi masira ko ang kasiyahan.

"Heeeyyyy! Huwag niyong pilitin si Morisson uy. Hindi yan tulad sa inyong mga party people. Hahaha." depensa sa akin ni Blake na medyo namumungay na ang mga mata. Haha.

"Haha. Okay okay." maikling saad ni Zeke.

***

Lumipas pa ang mga sandali at nakaubos na sila ng mahigit 15 na bote ng wine, samantalang ako'y isang baso lamang. Hahaha. Medyo nag-iinit na rin ang buo kong katawan kahit na isang baso lang ng alak ang aking ininom. Marahil ay reaksyon ito sapagkat una kong beses itong nasubukan. Nasa tamang wisyo pa naman ako.

Mula kanina'y puro tawanan at kwentuhan lamang tungkol sa aming nga nakaraan at pinagdaanan ang aming napag-usapan. Naglaro din kami ng mga larong hindi ko batid pero naging masaya naman kaming lahat.

Sa kasalukuyan ay kapwa tulog na sa sofa sina Ramier at Drix. Magkayakap ito na wari'y walang paki-alam na kaharap kami nila. Haha. Mga lasing na lasing na rin ito at bakas sa kanilang mukha ang pamumula nila. Haha.

Sina Zeke at Sky naman ay umiinom pa rin at kasalukuyang nagpapalitan ng biro at banat. Ang saya-saya nilang dalawa at mukhang wala rin silang paki-alam sa paligid nila. Hahaha.

Si Blake nama'y kasalukuyang nakasandal sa kanang balikat ko. Mukhang lasing na lasing na ito. Hindi kasi nagpapapigil kanina, mas lalo pa siyang naging makulit nung nakalimang baso na. Hahaha.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon