Zeke
Hinanda ko na ang sarili sa magiging laban namin ng Higanteng Golem na si Terra. Napalaki nito na parang sa 6 floor building, at nakakakilabot ang itsura. Mabuti na lamang at binigyan ako ng mahika ni Sky na poprotekta sa'kin laban sa sikat ng araw kung kaya't kaya kong makipaglaban sa ngayon.
"Simulan na natin! Groooaarrr!!!" pagsisimula nito at sinuntok ang lupa sa baba niya.
Yumanig ang paligid at mula sa sinuntok niyang pwesto ay lumabas ang mga matutulis na bato mula sa ilalim ng buhangin at papunta ito sa direksyon ko. Pinakiramdaman ko muna ang mga batong matutulis kong kaya ko itong kontrolin pero bigo ako, baka nasa ilalim ito ng kanyang control. Maging ang kanyang katawan na gawa sa lupa ay hindi ko rin makontrol.
Gumawa agad ako ng makapal na wall na pinaka-shield ko mula sa mga ataki niya, at nasalag naman ito. Akala ko ay okay na yun, pero lumabas sa kinatatayuan ko ang tatlong bato na patulis.
Mabuti na lamang at matalas ang aking pakiramdam kung kaya't nakatalon ako ng mataas gamit ang kakayahan ko bilang bampira.
That was a close one! Mukhang matutuluyan talaga ako kung hindi ko papatalasin ang aking pakiramdam.
Agad kong kinumpas ang aking kaliwang kamay habang ako ay nasa himpapawid. Kumuha ako ng mga buhangin, akin itong tinapakan sa ere, at sumakay ako rito. Kita ko ang sirang parte na aking kinatatayuan kanina, punong-puno ito ng mga matutulis na bato. Ang lakas talaga ni Terra!
Ako naman ngayon ang aataki. Ikinompas ko ang aking kanang kamay at kinontrol ko ang buhangin sa paligid, at pinapunta ko ito sa katawan ni Terra. Masyadon siyang malaki ngunit madami naman ang buhangin dito kaya't nagawa kong balutin ang buo niyang katawan.
Ramdam ko ang pananakit ng aking kamay dahil sa pagpupumiglas ni Terra mula sa buhangin na nakabalot sa kanya.
"Grooooaaaarr!!!" sigaw nito nang higpitan ko ang pagkontrol ng buhangin.
Mabilis kong itinutok ang aking kaliwang kamay sa buhangin na nasa ilalim ng tinatapakan niya at pinalabas ko ang isang malaking tipak ng lupa na may matulis din dulo at sinaksak ko ito sa katawan niya.
Bumaon ito sa kanyang malaking katawan. At para maka-sigurado ako, ay nagpalabas pa ako ng tatlong matutulis na tipak ng malalaking lupa at isinaksak ko rin iyon sa katawan niya.
Sumigaw ng nakapalakas si Terra. "Grrooaaarrrr!!!"
Ramdam ko na ang pangangawit ng aking kanang kamay na kumokontrol sa higpit ng buhangin na nakabalot sa kanya. Nararamdaman ko na rin ang panghihina, tanda ng marami na akong nailabas na energy sa mga ginawa ko.
Hinigpitan ko pa lalo ang buhangin at inipit ko ang malaking katawan ni Terra.
"Groooooaaarr!!!" sigaw ulit nito.
Sa pagkakataong ito ay wala na siyang kawala, kaya mas hinigpitan ko na ang buhangin para pisain ang buo niyang katawan. Dalawang kamay na ang aking ginamit dahil nanakit na ang aking kanang kamay.
"Tapos ka na!!!" sigaw ko sa kanya at itinudo ang pagpisa sa kanya.
"Grrooooaarr!!!" sigaw nito at tuluyan ng sumabog ang buo niyang katawan.
Nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng kanyang katawan na gawa sa lupa at mga bato, at tumilapon ito sa iba't-ibang direksyon. Kasabay nito ang pagkahulog ng buhangin na aking kinontrol kanina at nahulog ito sa lupa. Nagkaroon rin ng usok dahil sa ginawa ko.
Napaluhod ako sa isang kong tuhod, dahil naramdaman ko ang panghihina sa buong katawan ko. Medyo hiningal-hingal na rin ako, kahit na hindi naman ako humingang talaga.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
