Third Person’s POV
Bawat kwarto ay may iisang kama lang na pwedeng higaan, kaya’t walang magiging choice ang magkapares kundi ang magshare sa iisang kama.
Sa unang room, kapansin-pansin ang pag-iingay ng dalawang magkapareho ang vibes, sina Zeke at Sky.
“Uy bro, mukhang isa lang ang hihigaan natin. Wag mo’kong gahasain ah. HAHAHA!” Biro ni Sky kay Zeke habang tumatawa at humilata na sa kama.
“HAHA! Baka ikaw ang gumahasa sa’kin Bro, alam ko namang mas gwapo ako sa’yo.” Pabalik na biro sa kanya ni Zeke habang nag-aayos ito ng mga dalang gamit niya.
“May pagkamayabang ka din pala eh no?” sabi naman ni Sky at kapwa sila tumawa.
Sa ikalawang room naman ay tahimik lang na naka-upo si Morisson sa kama at nag-aayos din ng mga gamit si Blake.
“Mukhang tabi tayo dahil iisa lang higaang ito.” Basag ni Morisson sa katahimikan.
“Ah, okay lang naman yun sa’kin. Hehe. Ikaw? Okay lang ba sa’yo?” naiilang na tanong ni Blake kay Morisson.
“Ayos lang din naman sa’kin iyon.” Sagot ni Morisson na halatang naiilang din kay Blake. At kapwa na sila tumahimik pareho.
Habang sa ikatlong kwarto naman ay tahimik lang nakahiga si Drix na mukhang ang daming iniisip.
Maya-maya pa ay tinawag na silang lahat ni Ramier upang kumain ng hapunan.
“Handa na ang hapunan!” pasigaw na tawag ni Ramier na rinig sa tatlong kwarto.
“Yes! Dinner na. Mauna na’ko sayo.” Maligalig na sabi ni Zeke kay Sky at mabilis na pumunta sa kusina gamit ang kanyang bilis bilang bampira.
“HAHAHA! Ang bagal mo naman masyado Bro!” mayabang na tugon ni Sky na nandoon na sa hapag at naka’upo na ito dahil ginamit niya ang kanyang kapangyarihang magpalaho. Tumawa lang din naman si Ramier habang inaayos ang mga pagkain.
Gulat man si Zeke ay nagbiruan na lamang silang dalawa habang hinihintay ang iba pang mga kasama.
Nagkasabay na lumabas sina Morisson at Blake sa pangalawang kwarto at tahimik na tinungo ang kusina. Sumunod naman na lumabas si Drix mula sa ikatlong kwarto.
“Alright! Chibugan na!” masayang saad ni Zeke nang maka-upo na ang lahat at agad na kumuha ng pagkain.
“Teka, diba Bampira ka? Paanong pagkain pa rin ng tao ang kinakain mo at hindi dugo?” tanong ni Ramier sa kanya at kumuha na rin ng pagkain, pati na rin ang ibang mga kasama nila.
“Alam mo kasi, gusto kong mabuhay ng kagaya ng isang tunay na mortal kahit na ganito ako. Umiinom pa rin ako ng dugo, pero dugo ng hayop ah, paminsan-minsan. Sa haba ng panahon, yun naman ang ginagawa ko, kaya siguro nasanay na rin ang katawan ko.” Mahabang sabi nito sa tanong ni Ramier habang kumakain.
“Ganun pala Bro?” singit naman ni Sky.
“Uy, magsalita naman kayong tatlo diyan.” baling niya kina Morisson, Blake at Drix na tahimik lang na kumakain at nakikinig sa kanilang usapan.
“Hehehe.” Nahihiyang ngiti ni Blake at bumalik na sa pagkain.
Ngumiti lang din naman si Morisson, pero wala lang reaksyon si Drix at patuloy lang na kumakain.
Pagkatapos nilang maghapunan ay bumalik na si Drix sa kwarto at naunang magpahinga. Habang ang iba nama’y tumambay pa muna sa may sala at nag-usap’usap ng mga bagay tungkol sa mga buhay nila.
Makaraan ang ilang sandali ay pumanhik na silang lahat sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga.
“Bro, matutulog kapa? Eh diba ang mga bampira hindi natutulog?” natatawang tanong ni Sky kay Zeke at nauna nang humiga sa kama.
“Oo, pero kelangan ko pa ring magpahinga kahit papano naman Bro.” sagot ni Zeke at humiga na rin katabi ni Sky.
“Ohsya, basta wag mo lang akong gahasin ah, gagamitan talaga kita ng mahika ko ng liwanag ng araw para matunaw ka.” Pabirong banta ni Sky.
“Ulol! HAHA! Matulog ka nalang diyan. Ang dami mo pang satsat.” Sabi naman ni Zeke.
Sina Morisson naman at Blake ay kapwa nakatalikod sa isa’t-isa sa kama. At ganun din sina Drix at Ramier sa kanilang kwarto.
Tahimik na sila muna sa ngayon, ngunit hindi pa rin nila alam ang mangyayari sa kanila sa hinaharap.
*Sa lugar ng mga Kalaban
“Hanapin ninyo kung saan nagtatago ang anim na nilalang na iyon at paslangin!” Ma-autoridad na utos ng Panginoon ng Dilim sa kanyang mga kasapi, nakasama niya sa isang pulong sa isang silid sa kanyang palasyo.
“Masusunod Panginoon!” pagsunod sa kanya ng kanyang mga alagad.
“Gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya upang mahanap at mapaslang sila. Hindi maaring maging sagabal sila sa aking paghagari.” Huling utos ng Panginoon ng Dilim at lumakad na ito palabas ng silid kasama ang kanyang Heneral.
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
