Sorry po sa typo's :) Aygadddd :*
Zeke
"I-I'm sorry dude, I was just carried away by my emotions." alanganing sabi ko kay Sky matapos ko siyang halikan. Halatang nagulat naman ito at nagblush sa ginawa ko.
Ewan. Kanina, while witnessing him suffer while he is in fight with that angel, I've felt a sudden urge in my body to help and protect him. Tsk.
I was unsure at first, pero nung nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan ay parang natutusok ang aking puso.
I suddenly remember the people that I considered as my family in the past. Seeing them start their lives and watching them til' their last breath is so painful as hell.
I even offered them the immortality that I have, but they declined it and said its better for them die peacefully for it is the true nature of life.
And one thing that I never forgot about their wisdom is the concept of love. Ito daw ang pinakadahilan ng pagkakaroon ng buhay. Sabi nila, if maramdaman ko daw ang feeling ng kagustuhang mag care at mag protect ng isang nilalang ay iyon daw ay isa sa mga patunay na ako'y umiibig. Pag nagbibigay daw ito ng kakaibang saya sa akin, yun na daw iyon. And lastly, the feeling of not bearing the pain of the fact na nakikita mong nasasaktan ang nilalang na iyon.
And then, it hit me suddenly kanina, na I have this feeling similar to what they've told me. I hate the fact that I was useless and unable to help Sky with his suffering a while ago. And seeing him now na okay, ay ang siyang nakapagpawala ng anxiety na nafefeel ko. And confirmed!
"D-dude naman... hehehe." nahihiyang sabi nito sa akin habang kamot-kamot ang ulo niya. He's so damn cute when he does that.
Then silence between us came. Kapwa kaming awkward na umiiwas ng tingin.
Badum..
Maya-maya pa..
"Kinararangal ko ang makalaban ka Mortal. Napatunayan mo ang iyong kakayahan upang maipakita ang tunay na pagkatao ng iyong uri. Bilang gantimpala ay tanggapin mo itong handog ko. Nawa'y singputi ng liwanag ang iyong taglay na kabutihan at magsilbi ka sanang ilaw at pag-asa sa mga naapi at naapakan." boses nung anghel kanina nagmula sa lahat ng direksyon sa buong templo.
Agad na nagpormang energy ball na gold ang hawak na sandata ni Sky at pumasok ito sa kanyang dibdib.
"Aaaaaahhhhhh!!" daig nito at habol hiningang napaluhod.
Mabilis ko naman itong sinalo at inalalayan.
"Sky..." nag aalalang sabi ko rito. Kita ang pag ngiwi sa mukha nito dahil sa paninibago ng kanyang katawan matapos niyang tanggapin ang energy na iyon.
"Ugh... I am fine Zeke." maikling sagot niya at saka mahinang kinumpas ang kaliwa niyang kamay kasabay ng paglabas ng mga gold na glitters at nahulog ito sa kanyang katawan.
"I can do a recovery spell. So don't worry." nakangiting tugon nito sa akin saka ngumiti.
Badum... My heart beat.
"Sky, I know its a bit weird to say this but, I... I think I like you." kabadong sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya ng mariin sa kanyang mga mata.
He's dazzling and charming! Damn!
Ngumiti lang ito bilang sagot sa sinabi ko at inayos na ang pagkakatayo niya. Mukhang mabilis na gumana ang recovery spell.
Did he just ignored the things that I said? Is this some kind of rejection? Hayyyyssss!
Nauna na siyang maglakad at tumigil siya ng mapansin niyang hindi ako sumunod.
I frowned at the moment. Parang binuhusan ako ng tubig. I felt like brother-friend lang ang relationship sa parte niya.
Aishhhh.. I'm pathetic!
"Uhm, Zeke. I-I think I also have the same feeling for you, but..." sabi nito habang nakatalikod sa akin.
Wait, what? Did I hear it right? Parang nabuhay ang katawan ko sa sinabi niya. Damn! This happiness is overwhelming! I just found myself smiling na parang asong ulol. Ang saya saya ko!
"But let's take more time to develop this. I mean let's not rush things out okay?" nagba blush nitong sabi at tuluyan ng humarap sa akin habang kamot kamot na naman ang ulo niya.
"Y-yes dude. Thank you. Really, thank you!" masayang sabi ko sa kanya. Tangina. Parang na energize ang buo kong katawan just now, knowing na gusto din niya ako. Hahaha. Wooooooo!!
"And let's keep it low. Kasi baka ma confuse yung mga kasamahan natin sa bahay. Hehe." nahihiyang dagdag pa nito at umiwas ng tingin.
"That's cool with me." nakangiting sabi ko. He's right, hindi namin kailangang magmadali. We live in the same house lang naman anyway.
"But Sky, bago tayo bumalik. Can.... can I kiss you one more time?" pilyong tanong ko sa kanya habang naka ngiti. Mas lalong nagblush ito sa sinabi ko. Hahaha. So adorable!
"D-dude n-naman...." nauutal nitong sabi which made me smile a little more. Ang cute niya lang pagnawawala ng swag at coolness niya ng ganito.
"So, can I?" pag uulit ko sa kanya. Hahahaha.
That's my first kiss by the way. At sa tingin ko gusto ko pang maranasan iyon sa kanya, at sa kanya lang. Haha.
"Y-yes you c-can, bu----" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at mabilis na pumunta sa kanyang pwesto gamit ang taglay kong bilis bilang bampira. Kinabig ko ang buo niyang katawan papunta sa akin at saka mariing hinalikan ang kanyang maiinit na labi.
Badum...
My heart skipped a beat again from my dead body when I felt na nagrespond siya sa halik ko.
Yesssssss!!!
Somebody's POV
Mula sa isang silid sa isang hindi pa nakikilalang lugar ay nadoon ang isang nilalang ng kadiliman na prenteng naka upo sa mwebles na upuan nito at kasalukuyan itong umiinom ng dugo.
Nakasuot ito ng purong itim na kasuotan. Mukhang naghihintay ito ng isang kapana-panabik na balita.
Maya-maya pa ay may pumasok ang isang alagad. Yumuko at lumuhod ito sa harapan ng nilalang.
"Master, mula sa aking nakuhang balita ay kasalukuyang nasa pagpapagaling ang mga katawan nina Wayne, Caroline, at Fiazhu. Mukhang malubha ang mga lagay nito matapos makaharap ang mga itinakda." pagsasabi ng alagad na parang nagreport sa kanyang master.
"Hmmpp! Mukhang may maibubuga rin pala ang mga nilalang na iyon. Nagawa nilang talunin ang mga kasamahan ko." confident na sabi nito saka binaba ang baso na kanyang iniinom.
"Pumunta ka sa lungga nina Scar at Xiro at ibalita mo ang iyong impormasyon. Sabihin mo sa kanila na kung wala silang masyadong ginagawa sa pagkakataong ito at nabuburyo sila habang naghihintay, ay hinihimok ko na sumama sila sa akin upang makapagbigay ng pagbati sa mga itininakda." mariing utos ng naka itim na nilalang sa kanyang alagad.
"Masusunod po Master!" sagot nito at umalis na sa lugar na iyon.
"Hindi nga pangkaraniwan ang mga itinakdang iyon. Hmmpp! Sa tingin ko'y ayos lang naman na makipaglaro muna sa kanila para naman sa kaunting kasiyahan. At siguro, para tapusin na ang mga buhay nilang lahat! Hahahahaha!" malagim na saad nito kasabay ng paglabas ng mga itim na anino sa buo nitong katawan at unti-unting nilamon ang buong silid.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
