Blake
"Sino ka?” tanong ko muli sa estrangherong lalaki na sa aking harapan, nasa unahan siya ng Fountain na hindi gumagalaw.
Mataas siya, at gwapo rin. Maputi pero ang weird ng kasuotan niya. Nakarobe ito na kulay ginto at may mga orasan na design. Meron itong sumbrero na kulay ginto rin na parang sa Cowboy, at maging ito ay may mga design din ng orasan. Kapansin-pansin rin ang kanyang boots na ganoon din ang kulay at desenyo. Halloween ba ngayon? Best in costume tong isang to oh.
“Blake, huwag ka ngang matakot. Hindi ako masamang tao at hindi kita sasaktan, okay?” tugon nito nang nakangiti.
Nabawasan ang kabang nararamdaman ko sa sinabi niya.
Ngunit hindi ko pa rin alam kung sino siya, at kung bakit nakakagalaw na siya kahit na naka-steady pa ang lahat ng mga bagay na nasa paligid nila.
“Sino ka ba? At, at bakit ka nakakagalaw na kagaya ko? Gawa mo ba ito? Bakit ka may kapangyarihan? Totoo ka bang talaga?” sunod-sunod na tanong ko sa estrangherong ito.
Nalilito na kasi ako sa mga nangyayari, parang hindi na totoo. Kung panaginip man ito ay sana magising na ako.
“Hey. Hey! Dahan-dahan lang sa tanong. Mahina ang kalaban. HAHAHA.” sagot nito sa’kin habang tumatawa.
Pero nanatili pa rin akong seryoso, at nakita niya ito. Napatigil siya sa pagtawa at tumikhim nang mapansin niyang hindi ako natutuwa sa kanya.
“Ehem” tikhim niya. “Hello Blake. Ako si Aldin, at oo, ako ang may gawa ni—"
“Ikaw? Ikaw ang may gawa nito? Paano mo nagawa yun? Look, this is impossible!” putol ko sa kanyang sinasabi at nagsisimula na rin akong magpanic. Napaka-imposible naman kasi. Fiction lang ang mga kapangyarihan-kapangyarihan na iyan, at kahit na Science, pinapatunayan lang na ang mga bagay na ganito ay hindi nag-eexist dahil wala ni anumang scientific research. Kaya ito ay imposible!
“Hey! Huwag kang magpanic okay? Sasabihin ko sa’yo ang dapat mong malaman. At totoo itong nakikita mo, hindi to panaginip at ito ay posible!” sabi niya sa’kin. “Kumalma kalang muna, okay?” pagpapakalma niya saakin na sinunod ko naman.
‘Okay. Kung totoo man ito, I am very sure na walang maniniwala sakin if ever ikwento ko ito, maging si Mama. Ghad!’ Mabuti na lamang at medyo malakas ang loob ko kung kaya’t nakakaya ko ang mga nangyayari ngayon. Noong kumalma na ako ay nagsalita na itong Aldin na ito.
“Makinig ka sa’kin Blake. Sasabihin ko ang lahat ng dapat mong malaman. Wala munang tanong okay? Mamaya na yan pagkatapos kong ipaliwanag sa’yo ang lahat ng ito. Naintindihan mo ba ako?” mahabang tugon na niya sakin ng seryoso.
“Sige.” Pagpayag ko. Nais ko rin kasing malaman ang lahat ng to. Napaka surreal naman kasi.
“Good.” Sabi nito sabay smirk. “Ako si Aldin. Isang imortal at taglay ko ang kapangyarihan ng Oras at Espasyo.” Ha? Kapangyarihan? Time and Space? Totoo ba ito? For the nth time.
“Kaya kong kontrolin ang oras, patigilin, pabagalin, pabilisin o pahintuin na kagaya nito. Hindi ka naapektuhan sa pagtigil ng oras dahil sinadya ko iyon. Kaya ko ring pumunta sa Future at sa Past ngunit hindi ko pwedeng bagohin o paki’alaman ang mga bagay na intinakda ng tadhana. Dahil ako at ang aking kapangyarihan ay iisa.” Mahabang paliwanag nito sa’kin pero wala akong naintidihan ni kahit na isa. Itinakda? Ano yun?
“Teka. Kung ganun, bakit ka nandito at bakit mo pinapaki’alaman ang nangyayari ngayon? At anong kailangan mo saakin?” mga tanong ko muli kay Aldin. Eh sa hindi nagkaka-connect ang lahat ng sinabi niya sa kasalukuyang nangyayari dito.
“Hmm. Sabihin nalang natin na ang oras na ito ay nakatalaga na sa ating mga tadhana. Maging ako ay dinala rin dito ng aking mahiwagang orasan.” Ipinakita nito ang orasan na kinuha naiya sa bulsa ng kanyang robe. Kulay ginto ito na parang yung ginagamit sa paghihipnotismo. Kapansin-pansin rin dito amg kulay Asul na bilog na parang may kung anong Energy kaya't nagliliwanag ito.
“At kagaya ko, maaring ikaw ay isa sa mga itinakda ng tadhana dahil sa’yo ako dinala ng kapanyarihan ko.” Dugtong pa niya dahilan upang lumukot ang mukha ko.
“Ano? Itinakda? Isa lang akong hamak na tao at wala akong espesyal na kapangyarihan kung kaya’t paano mo nasabing isa ako sa mga itinakda? At itinakdang ano? Wala naman World War ah.” Mahaba ko na namang tanong sa kanya. Na-iistress na’ko rito. Tsk!
“Grabe ka talaga kung magtanong no?” giit niya. “Hindi ka lang basta ordinaryong tao Blake, may iba pang dugo na nananalaytay sa iyo.” Ano? Na naman? Hindi ko na kaya ang mga pasabog nitong Aldin na ‘to.
“At meron kang kapangyarihan, hindi ako nagkakamali doon. Hmm. Bukas na ang pag 18 na kaarawan mo diba?” tanong nito sa’kin. Teka, oo nga no? Birthday ko na pala bukas. Paanong na—
“Bukas, sa iyong kaarawan ay malalaman mo ang iyong tunay na pagkatao at iyong kapangyarihan. Pag mangyari yun, magkita muli tayo.” Sabi niya, at kita ko ang pagkasincere sa mga mata nito. Which proves na seryoso talaga siya.
“Isa ka sa mga itinakdang magiging tagapaglistas ng mundo at hawak mo ang kapangyarihan ng isang makapangyarihang elemento na sasagip sa sangkatauhan.” Sabi ulit nito sabay kindat sa’kin. Gumugulo na tuloy ang isip ko sa mga sinasabi niya. Tss.
Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin. Patuloy pa rin akong nag iisip kung totoo ba lahat ng kanyang sinasabi o trip-trip lang ng Aldin na to? Tsk talaga.
“Times up Blake!” sabi nito makaraan ang ilang sandali. “Kita nalang ulit tayo bukas and Advance Happy Birthday!” huling tugon nito sa’kin saka mabilis na naglaho.
“Teka—“ di ko na natuloy ang aking sasabihin dahil kasabay ng pagkawala niya ang pagtakbo ulit ng oras.
Gumagalaw na ulit ang mga ibon at paru-paro, pati na rin ang mga estudyante rito. Nagkaroon na ulit ng ingay ang paligid. Para tuloy akong tanga na nakaharap ng mag-isa sa Fountain na animo’y nagwiwish.
Mabuti nalang at hindi ako pinapansin ng mga estudyante rito. Parang wala itong mga alam sa nangyari kanina-kanina lamang.
Dali-dali akong pumunta sa bench kung saan naroon ang aking backpack. At nagmadaling lumabas ng University namin. Walking distance lang rin naman ang bahay namin mula sa University kung kaya’t minadali ko na lamang ang aking paglalakad kahit na marami pa rin akong iniisip. Tsk!
Narating ko nalang ang aming bahay na hindi ko namamalayan dahil sa dami ng aking naiisip.
“Ma! Nandito na’ko!” pagkapasok ko palang ay tinawag ko agad si Mama na noo’y nasa kusina at nagmano ako rito.
“Oh anak, mukhang pagod ka ha. May nagyari ba sa school?” tanong nito sa’kin na nakangiti.
“Uhm. Wala po Ma, madaming activity lang po talaga ang ginawa namin dahil last day na po ng semester eh.” Sabi ko kasabay ng aking pilit na ngiti para hindi na mag-alala si Mama.
“Oh siya, magpahinga ka na muna. Tatawagin nalang kita paghapunan na.” sabi nito at bumalik na sa kanyabg niluluto.
“Sige po Ma.” Pagsang-ayon ko sa kanya. Pero hindi pa rin ako umaalis sa tabi niya dahil hindi pa naaalis sa isip ko ang sinabi ni Aldin tungkol sa tunay kong pagkatao, at kung totoo nga iyon. May tinatago nga kayang lihim sakin si Mama?
“Ma…” pagtawag ko sa kanya habang taimtim na tinititigan ko ang kanyang mga mata.
“Ano yun nak?” sabi niyang nakangiti sa’kin. ‘May nais po ba kayong sabihin tungkol sa tunay kong pagtao?’ yun sana ang gusto kong itanong. Pero ipinagpaliban ko na muna.
“Ahh wala Ma. Ang sarap ng niluluto niyo po.” Sabi ko ulit na may pilit na ngiti.
“Aha! Aba syempre, paborito mo kasi to diba? Sige na, magpahinga ka na muna.” Tugon sakin ni Mama habang inilalagay ang iba pang ingredients ng niluluto niyang menudo.
“Sige po Ma, akyat na po muna ako sa kwarto.” Paalam ko kay Mama at saka pumunta na saking kwarto.
“Sige nak!” Sigaw ni Mama mula sa kusina.
‘Haayysst! Ano bang nagyari kanina? Totoo ba talaga iyon? Ano kayang magyayari bukas? At ano ang matutuklasan ko sa aking pagkatao? Tsk.’ Mga tanong ko sa'king isipan.
Hindi na’ko nakapagpalit ng aking uniform at saka humiga sa’king kama.
Sa sobrang dami ng aking iniisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
פנטזיהSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
