Aldin
“Welcome, mga itinakda!” Pagbati ko sa anim na kalalakihan na aking kaharap. Medyo okay lang naman silang lahat.
Hindi rin biro ang ginawa kong pagkumbinsi sa kanilang lahat upang maisama dito sa lugar na ‘to. At ginawa ko yun ng sabay-sabay ha!
Grabeng enerhiya ang nawala sa’kin, at ngayo’y napansin kong unti-unti nang nawawala ang pisikal na lakas ko.
Tapos na rin ang misyon ko sa ngayon. Sa totoo lang kasi, isa na akong Spirit dahil ako rin ang tagapangalaga ng Oras at Espasyo. Subalit, may mas nakatataas pa sa akin at binigyan ako ng misyon.
*Flashback
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang lahat ng mga nangyayari sa lahat ng Dimensyong sakop ko. Nandito ako sa aking pinaka’hide-out sa kalawakan kung saan mino-monitor ko ang mga pangyayari sa iba’t-ibang lugar. At isa na doon ang Earth.
Sa lahat ng lugar na alam ko, ito lang ang natatangi dahil dito naninirahan ang samu’t-saring nilalang.
Kamangha-mangha kung isipin lalo na't napaka-espeyal nito.
Sa tagal ng panahon, lahat ng mga nilalang na nandito ay natatamasa ang katahimikan na kanilang nais. Ngunit, meron ding may mga masasamang loob na mga nilalang at gustong wasakin ang espesyal na lugar na ito.
Nais nilang buwagin ang katahimikan ng bawat isa, at palitan ito ng kadiliman.
Bilang tagapangalaga ng Oras at Dimensyo, hindi ko pwedeng paki’alaman ang mga nangyayari o kahit na pigilan ang itinakda. Pero, pwede akong makatulong upang maiwasan ito. At ito ang magiging una kong misyon kungsakali.
Kinuha ko ang mahiwagang orasan na nagsisilbing provider ng aking magiging misyon kung sakali man.
*beep* pagtunog nito na ibig sabihin ay meron ang mensahe galing kay Boss. Oo, may boss pa ako, at yun ang lumikha sa lahat ng bagay na nandito.
Agad kong pinindot ang button na nasa pinaka-gitna ng aking orasan. Nagkaroon ng parang screen sa ibabaw ng aking orasan at may nakalagay na mensahe rito. Ito na nga iyon.
“Tipunin ang mga itinakda, upang sila’y maging handa.” Basa ko rito. Wow ha! Ang haba naman ng mensahe. Iba talaga si Boss!
Pero kailangan ko pa ring gawin kung ano man ang mga ini-atas sa akin ni Boss. Mahirap na baka kung ano pang gawin niya sa’kin.
Kinabisado ko muna ang mga nilalang na aking titipunin at kung anu-ano ang mga naging buhay nila sa nakaraan, bago ako inihanda ang aking sarili sa aking gagawin. Pinag-aralan ko lahat ng impormasyon tungkol sa kanila.
Madali lang naman sa'kin iyon dahil ako rin ang humahawak ng Oras sa alinmang dimensyon.
Pagkatapos ay inipon ko ang lahat ng aking Enerhiya at ginawan ko ang sarili ko ng pisikal na katawan upang makapaglakbay ako. Hindi ko kasi makokontrol ang kapangyarihan ko pag nasa estado ako ng espirito kung maglalakbay ako, sigurado akong lalabas ito dahil masyadong malakas ang pwersa sa loob ng portal. Kung kaya’t kailangan ko ang pisikal na katawan.
Pagkatapos kong magkaroon ng pisikal na anyo. Inihanda ko na ang aking orasan, ito kasi ang magdadala sa’kin sa mga nilalang na kasali sa misyon ko.
Ngunit meron lang akong kaunting panahon, dahil mauubos at mauubos rin ang enerhiya sa pisikal na katawan ko at babalik muli ako sa estado ng isang espiritu.
Kinakailangan ko ring mag-ingat upang hindi ako matunugan ng mga kalaban kung meron man.
Naku! Ububusin yata ang kapangyarihan ko nitong gagawin kong misyon. Ngunit alam ko namang hindi ako papabayaan ni Boss. Malakas kaya ako sa kanya!
Tinignan ko muna ang orasan ko at hinintay na ma-full ang bilog na gintong ilaw sa gilid nito. Ito ang nagsisilbing power ng orasan na ito at basi sa nakikita ko, mafu-full na ito at pwede ko nang gamitin.
Nang ma-fully charge na ang orasan ko, ay inhinda ko na ang sarili ko.
“Ready or not, here I come chosen one's.” Saka ko pinindot ang button at dinala na’ko nito sa mga itinakdang nilalang na magliligtas sa mundo.
*End of flashback
Inuulit kong hindi biro ang aking ginawa dahil pakiramdam ko ay drained na lahat ng kapangyarihan ko dahil sabay-sabay ko itong ginamit sa kanilang anim.
“Aldin, anong nangyayari sa mga paa mo? Bakit parang nabubura?” tarantang tanong sa’kin ni Blake.
Napansin rin iyon ng lima pang kasama niya. Mukhang mauubos na yata ang enerhiya na ginawa ko sa aking pisikal na katawan kung kaya’t bumabalik na ako sa dati kong anyo.
At mukhang kailangan ko na ring magpa-alam muna pansamantala sa kanila.
Someone’s POV
“Panginoon, nalaman po namin na kusang huminto ang oras sa anim na mga lugar na nadoon sa mundong plano niyong sirain at mukhang nawala rin sa aming hinanagip ang anim na hindi pa kilalang mga nilalang. Mukhang may kinalaman po rito ang tagapangalaga ng oras at espasyo.” mahabang balita ng aking kawal na ikinagalit ng aking damdamin.
Dumilim ang aking paningin at tinitigan ang lapastangang nilalang na naghatid sa’kin ng hindi katanggap-tanggap na balita.
“Aaaaaahh!!” sigaw nito habang unti-unting naabo ang buo niyang katawan pagkatapos ko siyang titigan.
Ikinuyom ko ang aking mga palad. ‘Hindi ito maari! Hindi pwedeng mangyari ang nakasaad sa propeseya tungkol sa anim na itinakda para pigilan ang aking kasamaan!’ kasabay nito ang pagkidlat at pagkulog ng malakas sa aking palasyo, sanhi ito ng galit na aking nararamdaman.
“At naki’alam pa talaga si Kronus.” sambit ko ng may halong kayabangan sa'king tono.
“Heneral!” pagtawag ko sa aking tapat na taga-sunod.
“Panginoon.” Pagkatapos niyang lumuhod sa aking inuupang trono.
“Ipatawag ang lahat ng miyembro ng Konseho ng Kadiliman! Sabihin mong meron kaming isang malaking suliranin.” ma-autoridad kong utos rito.
“Masusunod po Panginoon!” pagsunod nito sa akin at humayo na gamit ang taglay niyang kapangyarihan.
Hindi maaring magtagumpay ang mga itinakdang nilalang sa kanilang binabalak. At kahit na anumang gawin nila, sisiguraduhin ko na ang kadiliman pa rin ang magwawagi sa huli!
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
