Sorry po sa typo's :) aherrmm :*
Someone's POV
Sina Drix at Ramier naman ay makakaharap ang dragonang si Scar.
"Kumusta kana, mahal kong pamangking?" saad ni Scar na may maitim na mga ngiti.
"Tsssss!" inis na usal na Drix at mariing tiningnan ang kanyang tito.
Batid ni Ramier ang koneksyon ng dalawang dragona at kung ano ang nangyari sa bawat isa sa kanila sa nakaraan. Hinawakan nito ang mga kamay ni Drix ng mahigpit.
"Kalma Drix, huwag mong hayaan na lamunin ng galit ang puso mo." nakangiting saad ni Ramier.
Agad namang kumalma ang emosyon ni Drix matapos sabihin iyon ni Ramier.
"Ooooowww. Mukhang siya ang kaparehang minarkahan mo ano? Amoy ko rin ang pheromones mo sa katawan niya. Hahaha." manghang sabi ni Scar at tumitig kay Ramier.
Lalo namang humigpit ang paghawak ni Ramier sa kamay ni Drix. Batid nitong may tinatagong poot sa likod ng nakangiting mukha na pinapakita sa kanila ni Scar.
"Oh siya, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Halina't maglaban na tayo." preskong sabi ni Scar.
Tinutok ni Scar ang kanang palad niya sa direksyon nina Ramier at Drix, at lumabas mula sa kanyang palad ang bumubulusok na itim na apoy.
Agad namang gumawa si Ramier ng isang black hole at hinigop lahat ng itim na apoy na papunta sa kanila.
Ngunit, hindi nila inaasahan ang mabilis na paglitaw ni Scar sa harapan nila. Ni hindi nila naramdaman ang paglapit nito.
"Booooggsssshh!!!" pagtatama ng malakas na suntok ni Scar sa katawan ni Drix at tumilapon ito. Akma nitong susuntukin si Ramier pero mabilis na pumasok si Ramier sa kanyang anino sa paanan niya at lumitaw sa binagsakan ng katawan ni Drix. Nakaiwas ito sa atake ni Scar.
"Ugggghhhhh!!!" daing ni Drix, mayroong apoy sa dibdib nito at mukhang hindi niya ito kayang tanggalin. Nalalapnos nito ang kanyang balat at ramdam niya ang paso sa apoy na ito.
"Drix!" tarantang sabi ni Ramier at hinigop ang itim na apoy gamit ang dark energy niya. Kasabay nito ang paglapat niya ng piraso ng dark energy na iyon sa sugat at lapnos ni Drix, para hindi ito lalong sumakit.
"S-salamat Ramier." pagsasad ni Drix at muling tumayo. Tinulungan naman siya ni Ramier.
"Masyadong delikado ang apoy niya. Grabe ang pinsalang dulot nito. Medyo mabilis at malakas din siya." seryosong saad ni Ramier habang tinitingnan ang nakangiting si Scar mula sa pwesto nito.
Alam niyang hindi gagana ang itim na mahika niya sa labanang ito, at tanging ang dark energy lang ang pwede niyang gamitin dahil mas epektibo ito sa mga dragona.
"Ughh! Kaya nga mag-iingat tayo. Hindi ko batid kung gaano kalakas ang taglay ni tiyo Scar sa ngayon." sabi naman ni Drix.
Bago pa man sila makagawa ng hakbang ay mabilis na tumalon si Scar malapit sa kanila at mula sa itaas ay tinutok muli nito ang kanyang kanang palad at nagpalabas muli ng rumaragasang itim na apoy.
Agad naman itong kinounter ni Ramier ng parehong itim na apoy na nahigop miya kanina. Nagpalabas siya ng black hole sa itaas nila at pinalabas doon ang kanyang atake.
"Voooooovvvvfffff!!!!" tunog ng dalawang malakas na pwersa ng itim na apoy na tumatama sa himpapawid. Kapwa ay pantay ang lakas.
Agad na tumigil ang dalawa sa pag atake.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
