Chapter 7 - Introduce Yourself

3.6K 173 9
                                    

Blake

Nakakamangha ang bahay na titirahan namin. Kung sa labas parang luma na ito dahil mukhang gawa lamang sa kahoy ang dingding, iba naman dito sa loob. Parang napaka-imposible ata nun, pero nasasanay na rin naman ako. May mahika rin yata ang bahay na ito.

Maluwag ito sa loob kumpara kung titignan mo sa labas. May mga moderong mga gamit. May living room na nandoon pagkapasok palang ng pinto at dito nakapaligid ang mga sofa at iba pang magagandang kagamitan. Kita mula rito ang kusina na kumpleto rin sa mga gamit, pati na rin ang banyo. At merong 2nd floor kung saan kita lang pinto ng 3 kwarto.

‘Teka? Bakit tatlo lang? Partners kung matulog? Ganun?’ tanong ko muli saking isipan.

Namasdan ko rin ang isang pintuan na kulay puti sa gilid ng living room. ‘Hmm ano kaya ang room na yan?’ tanong ko na naman.

Lahat kami ay naghanap ng mauupuan dito sa living room maliban kay Ramier na nakatayo sa aming harapan. Mukhang mangha na mangha itong tatlong kasama ko sa sofe bed na inuupan nila ha. Si Sky, yung lalaking naka-red na damit at yung naka-blue rin, ay dito umupo  sa mahabang sofa. Samantalang ako ay nasa gilid nila at katapat ko ang  mukhang prente lang na naka’upo na napakaputing lalaki, ang cool niya sa kanyang modernong suot. Kaso ang weird nila masyado.

“Mga kasama.” Pagtawag ni Ramier sa aming lima na agad naman naming tiningnan. Umayos na rin kami ng pagkaka’upo at naghanda na upang makinig kay Ramier. Mukhang siya ang magiging leader namin.

“Alam ko na alam niyo na rin kung bakit tayo nandito at kung ano ang magiging misyon natin.” Panimula niya.

“Sa ngayon, magpapakilala na muna tayo sa isa’t-isa para malaman natin ang bawat kapangyarihan at kakayahan ng bawat isa sa atin.” Sabi niya na ikinakaba ko. Teka, wala pa akong alam sa kapangyarihan ko kaya’t papano ako magpapakitang gilas?

“Ako si Ramier, isang black magician.” Paunang saad niya. Black magician? Meron talagang ganun? Kapansin-pansin ang violet na kulay na highlight nito sa buhok. Gwapo rin ang isang ito, at tisoy na tisoy ang itsura. Medyo mataas sa kanya si Sky ng kaunti.

“At ito ang kapangyarihan ko.” Kasabay noon ang pagbuka niya ng kanyang palad at binalot sya ng parang violet na enerhiya. Wow! Namangha na naman ako sa kanya kahit na nakita ko na  ang kanyang kapangyarihan kanina sa labas.

“Ang kapangyarihan ko ay Kadiliman, at kakambal ako ni Sky.” Dagdag pa nito pagkatapos ay nawala na ang enerhiyang nakabalot sa kanya.

“Sinong sunod?” nakangiting saad nito at tinignan ang lalaking katapat ko na agad namang tumayo. Pumunta naman si Ramier sa may pintuan upang mabigyan ng pwesto ang mga magpapakilala sa dating kinatatayuan niya. Ang cool talaga nitong labanos na 'to.

“Hello! I am Zeke. Isang Bampira.” Woah! Talaga? Vampire? Kaya pala ang kinis niya masyado ah, at napakaCool naman at ang modern niya kung gumalaw. Mataas rin, medyo singkit at nakatayo ang buhok nito. Napakakinis at napakaputi ng balat niya. Pwede na siyang mag-endorse ng Gluta. Medyo payat ng kaunti ang katawan nito, pero okay lang naman kung tingnan.

“Ito ang kapangyarihan ko.” Sambit niya at itinutok ang kanyang  palad sa sahig, kasabay noon ang paglindol ng kaunti at paglabas ng parang hugis kamay na gawa sa lupa, dahilan upang masira ang sahig. Kinokontrol-kontrol pa niya ito at pinalutang sa ere. Grabe!

“Kapangyarihan ng Lupa. Mukhang malakas ka ha.” Nakangiting saad ni Ramier habang tinititigan ang Zeke na to. Ngumiti lang si Zeke sa kanya at ibinaba nito ang kanyang kamay. Kusa namang naging buhangin na pino ang lupa at pumunta ito sahig na ngayon ay sira na.

“Mabuti na lamang at mahiwaga itong tirahan natin, kung hindi, ikaw ang mag-aayos ng nasira mong sahig.” Sabi ni Ramier kay Zeke. So may magic ang bahay na ito? Kaya pala iba ang itsura sa loob at sa labas. Wow na naman!

At mas namangha ako sa aking nakita nang kusang umayos ang sahig na nasira at bumalik ito sa dati. Ang galing! Nakaka-ilang beses na ba akong gumamit ng salitang 'nakakamangha'?

“Malakas nga ang mahikang taglay ng bahay na ito. Salamat.” Tugon ni Zeke at bumalik na sa kanyang inuupuan sa tapat ko. Cool na cool pa rin siya.

Sumunod na tumayo ang lalaking naka-blue na damit at pumunta sa harap namin. Moreno ang isang ito, at napakatingkad ng balat niya. May biceps din. Matangos ang ilong, at mapungay ang kanyang mga mata.
Naconscious ako nang tinitigan muna niya ako sa aking mata, bago siya nagsalita. Weird. Pero pinanood ko pa rin ang kanyang gagawin.

“Ako si Morisson. Sireno. Ito ang kapangyarihan ko.” Maikling sabi niya at ikinompas ang kanyang kanang kamay.

Mula sa kusina, ay parang lumutang ang mga tubig na mula sa water jag at pumunta ito sa direksyon niya. Puma’ikot-ikot ito sa buo niyang katawan na parang may sariling buhay. Nakakamangha na naman, at parang ang mas gumwapo siya dahil ang seryoso ng kanyang mukha. Teka! Ano ba itong naiisip ko? Naku!

“Magaling!” sabi ni Ramier. “Tubig ang iyong kapangyarihan.” Dagdag pa nito at tumango lang ang Morisson na ito sa kanya.

Pinabalik na muna ni Morisson ang tubig sa kinalalagyan nito kanina at umupo nang muli. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang maupo na siya sa sofa. Lumingon siya sa gawi ko at muling nagtama ang aming mga mata. Ano ba tong nararamdaman ko? Agad kong iniwas ang aking paningin sa kanya nang tumayo na itong lalaking naka-red upang magpakilala.

“Ako si Drix. Isang Dragona, at apoy ang aking kapangyarihan.” Kasabay nito ang pagliyab ng kanyang katawan ngunit hindi siya nito nasusunog. Pero imbes na usual na apoy, blue ang kulay ng apoy na bumabalot sa kanyang katawan. Mataas at matikas ang tindig ng Drix na ito. Gwapo rin sa madaling salita. Pero parang ang tapang naman yata niya masayado. Pano kaya to nakumbinsi ni Aldin na sumama? Nakakatakot kasi ang aura niya.

“Asul na apoy. Ang pinakamataas na antas ng lebel ng apoy kung ibabasi sa init. Nakakamangha.” Papuri ni Ramier pero mukhang no reaction lang tong si Drix. Parang mangangagat naman ang isang ito.

“Nais niyo pa bang nasaksihan ang totoong anyo ko?” seryosong tanong ni Drix sa amin. Ano? Ibig sabihin may iba pa siyang anyo? Hmm. Dragona. . .so, dragon kung ganoon? Woah!

“Wag na muna Drix.” mabilis na pagpigil ni Ramier. “Sapat na muna ang pinakita mo, mahirap na at baka mawasak ng tuluyan ang buong tirahan natin kung ika’y magbabagong anyo.” Sabi pa nito kay Drix.

“Sige kung ganun.” Sambit ni Drix na wala pa ring reaksyok at nihindi manlang lumingon sa gawi ni Ramier. Kusa na ring nawala ang Asul na apoy sa kanyang katawan. Pagkatapos ay bumalik na sa kanyang kinauupuan.

Nabigla kami nang biglang umilaw nag naka-upong katawan ni Sky at napunta ito sa aming harapan. Nagmagic ito. Nagtaka kaming lahat sa ginawa ni Sky, maliban kay Ramier.

“Ako si Sky!” masayang oahayag nito. “Isang Wizard at Liwanag naman ang kapangyarihan ko kagaya nito.” Pagkatapos niyang magsalita ay luminawag ang kanyang buong katawan. Tinakpan naman namin ang aming mga mata dahil sa silaw ng kanyang liwanag.

Pagkawala ng liwanag ay nasa upuuan na ulit siya at tumatawa. Ibang klase!

“Makulit ka pala Kambal.” Sabi ni Ramier habang bahagya rin na tumatawa. Kinindatan lang siya ni Sky.

“Mukhang ikaw na ang sunod at huli, Ginoo.” pagtawag sa akin ni Ramier. At kita kong lahat rin sila ay lumingon sa gawi ko.

'Teka! Anong gagawin ko? Wala pa akong alam!’ Protesta ng aking isipan. Ngunit wala na akong choice.

Bahala na nga! At pumunta na’ko sa harapan upang ipakita ang aking kapingyarihan kung meron man.


Itutuloy.. .


The 8th Element
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon