Sorry po sa typo's 🤗
Drix
Habang unti-unti papalapit ang ibinugang apoy ni Phyra papunta sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip na magpalit anyo bilang Dragon, bago pa man ako bumagsak nang tuluyan.
Naramdaman ko nalang ang pagdaloy ng aking buong lakas sa bawat sulok ng aking katawan. Nagbago ang aking anyo mula sa pagiging tao ay naging Dragon ako ng napakabilis.
Nang ilang metro nalang ang ikababagsak ko sa lupa ay ibinuka ko ang aking mga pakpak upang makakuha ng bwelo para lumipad.
“Groooooaaarrr!” mabangis na sigaw ko pagkatapos kong magpalit anyo.
Bumuga rin ako rin ako ng asul na apoy sa papalapit na pulang apoy sa akin at sumabog ang dalawang apoy nang magsalubong ito. Lumikha ulit ito ng matinding pagsabog.
Mabuti na lamang at mabilis ang aking mga galaw kung kaya’t hindi ako nasaktan.
Sa anyo kong Dragon ay mas tumalas ang aking limang pandama ng limang beses. Tumindi rin ang lakas ng aking kapangyarihan dulot ng aking pagbabagong anyo. Dito sa anyong ito mailalabas ko ang lahat ng kaya ko.
Lumipad ako sa harapan ng lumilipad na si Phyra at tinitigan ko ito gamit ang mabangis kong mga mata. Mas malaki pa rin ang hugis niya kumpara sa akin. Pero sa sandaling ito ay kaya ko nang makipagsabayan sa kanya.
“Magaling! Kahit na hangal ka pala ay may tinatago ka rin kagilagilalas na anyo.” Mayabang na saad nito.
“Simulan mo nang matakot dahil malapit na kitang matalo Phyra.” Kumpyansang banta ko rito. Nakita kong humanda ito ng maigi at mas pinalagablab pa niya ang kanyang apoy.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ito sa kanyang gagawing atake. Lumipad ito paitaas na siyang nakapagpa-isip sa akin. Hinanda ko ang aking sarili at mas pinagtibay ang aking balat na pilak upang maging proteksyon sa anumang atake na gagawin ni Phyra.
Umabot hanggang sa ulap si Phyra at tumigil rito. Agad siyang nagpakawala ng apoy sa kaulapan. Ilang sandali pa ay nahuhulog na ang mga malalaking apoy mula sa ulap. Wari’y umuulan ng apoy.
Batid kong hindi lang ito basta apoy lang dahil ramdam kong malakas ang pwersa ng mga ito.
Agad akong nagpalabas ng asul na apoy sa buo kong katawan upang maging proteksyon. Mula sa aking ulo, mga pakpak at buntot ay mayroong lumiliyab na asul na apoy.
Nagsimula nang mahulog ang ulan ng apoy sa kaulapan pababa sa kinaroroonan ko. Bumuga ako ng aking asul na apoy upang salubungin ang mga apoy na galing kay Phyra.
Sumabog ito ng tamaan ng aking asul na apoy. Napakalakas at wari’y lumalamon ng kapwa apoy ang ang pulang apoy ni Phyra.
.
‘Lintik! Sumasabog ang kanyang apoy!’ alarma ng aking isip ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili.
Bago pa man makalapit ito ng tuluyan sa akin ay nagpakawala ako ng malakas na asul na apoy at mas diboble ito sa aking katawan. At walang atubiling lumipad papunta sa kaulapan para maka iwas sa kanya pag atake.
Sinasalubong ko ang maraming pulang apoy at sumasabog ito sa tuwing dumidikit sa aking asul na apoy. Naramdaman ko ang pagninipis ng aking asul na apoy sa aking katawan habang nilalamon ito ng apoy ni Phyra. Mas dinoble ko pa lalo ang aking bilis at narating ko ang kaulapan.
Naghahalong pula at asul na apoy na ang dumidikit sa aking balat kung kaya’t habang lumilipad ay inikot ko ang aking sarili upang matanggal ang pulang apoy. At kasabay ng pagkawala ng aking asul na apoy ang pagkatanggal ng apoy ni Phyra.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
