Sorry po sa typo's :) mwuapsiiss :*
Someone's POV
Tatlong araw mula sa ngayon, ay tatakpan na ng buwan ang liwanag ng araw, at magaganap na ang araw na itinakda ayun sa propesiya.
Sa pagtagpo ng Buwan at Araw sa kalangitan, ay ang pag usbong ng kasamaan. Sa gitna ng kapayapaang inaasam ay lalabas ang karahasan. Ngunit may mga itinakdang nilalang na nasusupil sa kasamaan. Mga nilalang na ang kapangyarihan ay mga makapangyarihang Elemento sa buong kalawakan.
Sa araw na ito'y maghahasik ng lagim si Haring Eliazar na kasalukuya'y hinahanda ng kanyang hukbo sa kanilang dimensyon. Ang hukbong ito'y binubuo ng mga nilalang na kanyang napasa-ilalim mula sa iba't-ibang lahi na kanyang nasupil sa nakalipas na mga taon.
Labis itong nagalit nang malaman niya, na ang anim sa kanyang malalakas na mga heneral ay natalo ng mga itinakda, kung kaya't upang manatili ang lakas ng kanilang hukbo, ay binigay niya ang 10% ng kanyang kapangyarihan sa mga ito. Batid niyang may kalakasang taglay na kapangyarihan ang mga itinakda, ngunit handang-handa naman siyang makaharap sila.
Ngayo'y naghahanda na ang kanyang napakalakas na hukbo sa harapan ng kanyang malaking kastilyo at binabasbasan niya ito ng kanyang kapangyarihan upang mas maging matapang at uhaw ang mga ito sa laban at karahasan. Dahil na rin sa pagbibigay niya ng parte ng kanyang kabuuang lakas sa anim niyang heneral ay hindi siya basta-basta makakagawa ng napakalaking portal patungo sa kanyang paroroonan at aabot ng isa o dalawang araw ang magiging paglalakbay ng buo niyang hukbo.
Sa kabilang daku ay ang paglitaw ng isang napaka-magical na isla sa dagat Pasipiko, mas malawak ang area nito kumpara sa land mass ng Australia. Subalit, hindi ito basta-basta nakikita o mararamdaman ng ordinaryong nilalang lamang sapagkat para lang itong Aestral projection na lumilitaw sa bawat 10,000 na taon. Sinasabing ang islang ito ang komokonekta sa lahat ng dimensyon at tanging sa planetang Earth lang ito matatagpuan.
Sa kadahilanang bukas ang lahat ng portal ng lahat ng dimensyon sa presensya ng magical na isla, ay naaapektuhan nito ang flow ng energy sa buong kalawakan, kung kaya't ito ang nakitang pagkakataon ni Haring Eliazar na maghasik ng lagim dahil mahihina sa pagkakataong ito ang lahat ng lahi sa kadahilanang kaunti lang ang natatanggap nilang natural na enerhiya mula sa buong kalawakan.
Sa kasalukuyan nama'y ang bawat isa sa itinakda ay nakipagsandugo sa lahat ng grupo na handang tumulong sa kanila sa pakikipaglaban sa pwersa ng kadiliman. Mukha namang nakasulat sa mga libro, mga saliksik, at hula ang propesiya tungkol sa itinakdang araw.
Sa kay Blake, ay sasama lahat ng Air Nomad and Monks, pati na rin ang lahat ng mga Air Nymphs at Half Breeds. Nahimok rin niyang sumama ang iba pang mga nilalang na kayang magmanipula ng hangin kagaya ng mga mortal na air manipulators.
Kay Morisson sasama lahat ng nilalang ng tubig, mga half breeds na sireno, kataw, Sea Nymphs, at lahat ng nasasakupan ng mga tagapagbantay ng seven seas and oceans ng mundo, pati na rin ang ibang nilalang ng karagatan at katubigan.
Nakumbinse naman ni Zeke na sumama sa kanya ang lahat ng mga nilalang ng lupa, kagaya ng mga bampira na tulad niya, werewolf, mga aswang, itik, kapre, tiyanak, sigben, at iba pang full breeds and half breeds ng mga nilalang kayang magmanipula ng lupa.
Mga dalakitnon, engkanto, dwende, goblins, ogres, shapeshifters, at puting mahikero naman ang naging kaalyansa ni Sky at lahat sila'y handa sa kung anuman ang posibleng mangyari sa magiging labanan laban sa hukbo ng kadiliman.
Nasa side naman ni Ramier ang lahat ng mga itim na mahikero at mga nilalang na nagtataglay ng itim na pwersa at itim na mahika kagaya ng mga bruha, vodoo mans, at iba pa.. Nahimok niya itong lahat na sumama sa kanya upang lahat ng mga nilalang ng kadiliman ay makawala sa sumpa ni Haring Eliazar na pareho ng nangyari sa kanya.
Habang si Drix ay napasunod lahat ng mga Shaolin masters at mga estudyante nito na tumulong sa kanya sa pakikipaglaban. Kabilang na din dito ang mga descendants ng mga makapangyarihang mga babaylan ng apoy at mga nilalang na kayang komontrol ng apoy kagaya ng mga santilmo, at iba pa.
Lahat ng kanilang naging kaalyansa ay nagmula hindi lamang sa buong mundo kundi pati na rin sa ibang dimensyon sa kalawakan.
Ito'y magiging labanan ng lahat ng lahi sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Batid nilang lahat na hindi basta-basta ang kakaharapin nilang suliranin ngunit naniniwala sila sa taglay na mga lakas ng anim na itinakda upang mapuksa ang kasamaan ni Haring Eliazar na kilala bilang isang mabangis na mananakop ng mga lahi.
Dahil sa dami ng mga lalahok sa makasaysayang digmaan, ay kinakailangan ng lahat na maglakbay rin ng isa hanggang dalawang araw upang marating ang sinasabing magical na isla.
Ang bawat isa'y sama-samang naglakbay sa kalangitan, kalupaan, at katubigan na hindi napapansin ng ordinaryong nilalang. Ngunit ramdam na ramdam sa buong planeta ang kakaibang uri ng enerhiya at kapangyarihan na nagmumula sa lahat ng sulok nito.
Kahit na kabado ang lahat ng mga itinakda ay nanatili pa rin sa kanilang mga puso at kaluluwa ang responsibilidad ng pagliligtas hindi lamang ng mundo kundi pati rin ang sangkalawakan.
Batid nila ang panganib at pupwedeng maging kalalabasan kung hindi nila matatalo ng matagumpay ang hukbo ng kadiliman.
Sa masyadong maikling panahon na kanilang pag-eensayo at pagdaan ng sari-sariling mga pagsubok, ay hindi na rin nila masukat ang antas ng lakas ng kanilang mga taglay na kapangyarihan at ang mga pagbabago sa kanilang buong pagkatao. Sa loob ng panahon ng kanilang pagtuklas sa mga sarili nilang lakas ay nagawa nilang marating ang ilan sa pinaka-makapangyarihang porma at pwersa na maaari nilang gawin bilang isang nilalang kanilang mga lahi.
At sa ilang araw na lamang, lahat sila'y makikipaglaban para sa mga taong naniniwala sa kanilang kakayahan mula sa unang mga panahon at pati na rin sa kasalukuyan. Hindi nila maaatim na matalo ang kabutihan ng kasamaan.
***
Henlu. HAHAHA. Lapit na po ang final chapters ng 8th element. Salamat ho sa suporta at pahihintay ninyo. 💓 Isa po itong malaking karangalan na mabasa ninyo ang aking kwento. Laban lang ano. HAHAHA. LoveLoveLove!
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
