Sorry po sa typo's :) ashesheeng :*
Someone's POV
Muli ay nilamon ang anim na itinakda sa loob ng malawak na espasyo ng kadiliman sa himpapawid. Lahat sila'y walang mahagip na pwersa o nararamdamang kahit na ano mula sa kanilang paligid. Sinadyang paghiwa-hiwalayin silang anim at animo'y nagshut down ang kanilang mga senses dahil sa kapal ng itim na pwersa sa paligid nila. Isa na naman ito sa mga ambush attacks ng kalaban, ngunit sa pagkakataong ito'y, tila hindi na rin gumagana ang kanilang mga blessings na binigay sa bawat isa dahil sa labis na lakas ng dark energy sa buong lugar. Wari'y hinigop ang kanilang mga enerhiya ng napakakapal na void na ito.
"Morisson! Mga kasama!" sigaw ni Blake mula sa kanyang pwesto. Purong kadiliman lamang ang naaninag nito at hindi niya matukoy kung nasaan ang iba pa niyang kasama.
Mabilis na nag-emit si Blake ng white na ilaw mula sa katawan nito gamit ang elf energy niyang taglay. At kahit na may source of light siya sa katawan niya'y hindi pa rin ito sapat upang maaninag ang paligid.
Mula sa kanyang harapan ay lumitaw ang katawan ni Eliazar, at batid ni Blake na isa lamang itong ilusyon sapagkat wala siyang maramdamang buhay sa katawan ng kaharap niya.
Sinubukan ni Blake na magpalabas ng kanyang elemento ng hangin ngunit hindi niya ito magawa. Parang automatic na naka-off ang paggamit niya ng kanyang elemento, pero kaya pa rin niyang magpalabas ng elf energy mula sa kanyang katawan. Mukhang ang abilidad lang niya na makakontrol ng hangin ang nawala, ngunit hindi ang abilidad niya bilang isang elf.
Mabuti na lamang at kapa na niya ang kanyang dugong elf kung kaya't hindi siya nahirapang magpadaloy ng elf energy sa buo niyang katawan. Sa ngayo'y ito nalang ang tanging choice niya upang makapagsagawa ng offense at defense sa parehong pagkakataon.
Mabilis na kumilos ang parang clone ni Eliazar papunta sa pwesto ni Blake at tinangka siya nitong tusukin ng mga matatalim at mahahabang itim na mga kuko.
Dahil sa taglay na liksi ni Blake ay nagawa niya itong iwasan at mabilis na nagpalabas ng napakaraming blades na gawa sa elf energy.
"Rrooooggggssshh!!! Rrrrooooggsshh!!! Rrrroooggsshhh!!!! Rroooogggssshhh!!!" sunod-sunod na pagtama ng mga atake ni Blake papunta sa katawan ng kalaban na naging itim na usok matapos masapol ng mga atake niya.
Napalingon sa Blake sa kanyang kaliwang direksyon at nanlaki ang mga mata nito nang makita ang sabay-sabay na paglabas ng napakaraming clones ni Eliazar na gawa sa dark energy, mahigit kumulang 100+ ang bilang nito at ngayo'y pinapalibutan na siya nito sa lahat ng direksyon.
Inihanda ni Blake ang kanyang sarili sa magiging galaw ng kanyang mga kalaban.
Pinikit nito ang kanyang mga mata at nag concentrate ng maigi upang mas maipalabas pa niya ang kanyang elf energy.
"Rrrrrraaaaawwwwgggsssshhhh!!!" mga boses ng tila'y mga halimaw na sabay-sabay na sumugod kay Blake.
Kasabay ng pagdilat ni Blake ng kanyang mga mata ay ang pagliwanag ng buong katawan nito ng puting ilaw.
Nagawa nitong maabot ang mataas na estado ng kanyang pagiging elf at tagumpay niya itong nakokontrol.
"Zzzzzeeeennnggggg!!!" nakakamanghang tunog ng elf energy na lumalabas sa katawan ni Blake at tila'y nagkaroon ng shockwave na kulay puting enerhiya at mabilis itong kumalat sa buong paligid.
"Aaaaaaaarrrrrkkkkkkkk!!!" sigawan ng mga kalaban na agad na naging itim na usok matapos matamaan ng shockwave na gawa ni Blake.
Sa ilang sandali pa'y mas lalong pinalabas ni Blake ang kanyang elf energy at mukhang naaapektuhan nito ang kadiliman na nakapalibot sa kanya.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
