Chapter 101 - Finale 6

1.2K 50 47
                                        

Sorry po sa typo's :) HAHAHA :*

Someone's POV

Ang kadilimang bumalot sa anim na itinakda ay gawa sa purong itim na enerhiya at kaya nitong i-nullify ang abilities at powers ng sinumang nilalang na nasa loob nito. Ngunit hindi ito epektibo sa iilang makakapangyarihang nilalang na kagaya nina Blake, Sky, at Ramier.

Nagawa ni Blake na makatakas dahil sa kanyang elf blood, na sinasabing mula pinakamapangyarihang lahi sa buong sangkalawakan. Ang elf energy na bumubuo sa katawan ni Blake ay galing sa kalikasan at buhay, kung kaya't taglay nito ang kabutihan na hindi maaapektuhan ng kadilimang gawa ni Eliazar. Ito ang pinaka passive na ability ng pagiging half elf ni Blake, at dagdag pa dito ang estado ng kanyang lebel ng katauhan bilang half elf.

Sa kabilang daku naman, taglay at hawak ni Sky ang Elemento ng Liwanag, ang perpektong pangontra ng dilim. Simula't sapul, hindi naaapektuhan ng kadiliman o dark energy si Sky sapagkat masyadong malakas ang passive ability ng kanyang kapangyarihang taglay. Kaya nagawa nitong makawala sa kadiliman na lumukob sa kanilang anim.

Si Ramier naman, biglang itinakda na magkokontrol sa Elemento ng Dilim, ay kayang maki cope sa kapangyarihan ni Eliazar dahil pareho lamang ang source ng kanilang powers. Dahil na rin sa pagiging neutral ng kanyang katauhan sa kadiliman na gawa ni Elizar, ay madali lamang na umeepekto ang passive ability na taglay niya kung kaya't nakatakas rin siya mula sa atake ng kalaban.

Ngunit iba ang sitwasyon ng tatlo pa nilang kasama na sina Drix, Morisson, at Zeke. Dahil bukod sa kayang maapektuhan ang kanilang mga elemento ng kadiliman, ay hindi rin gaano kalakas ang kanilang mga lahing pinagmulan. Ibig sabihin, hindi oobra ang mga passive abilities nila laban sa kadiliman ni Eliazar kasi, deactivated na ang kanilang paggamit ng mga elemento.

At dahil sa kaalamang iyan ay nangyari ang hindi inaasahan..

*****

Sa kinaroroonan ni Morisson ay hindi nito naaaninag o nararamdaman ang kahit na anong bagay sa paligid. Purong itim at kadiliman ang bumabalot sa kanya. Batid rin ng sireno na nawala na ang kanyang kakayahang makakontrol ng Elemento ng Tubig at wari'y isa na lamang siyang ordinaryong sireno.

"Mga kasamaaaa! Nasaan kayo?!" sigaw nito na wari'y isang bulag sa kadiliman. Ramdam din niyang unti-unting nawawala ang pangangapa niya sa kanyang mga senses.

"Lagot na." nawawalang pag-asa na tono ng boses nito nang wala siyang marinig na response mula sa kanyang mga kasamahan.

Ilang saglit pa'y may narinig si Morisson na mga boses, mahina ngunit alam niyang may mga nilalang na nariyan sa kanyang paligid kahit na hindi niya ito nakikita.

"Aaarrrkkkkkk..." huni ng mga nilalang ng dilim na nagkukubli sa itim na enerhiya sa paligid ng sireno.

Sa pagkakataong ito'y, parang isang usa si Morisson na pinapaligiran ng sandamakmak na mga gutom na halimaw at ni-isang porsyento ay wala siyang kakayahang lumaban dahil sa kapangyarihan ni Elizar na bumabalot sa paligid.

"Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Labanan ninyo ako mga lapastangang nilalang!" sigaw nito kahit na wala siyang makakapa sa paligid niya.

Kinuyom ng sireno ang kanyang mga kamao at pinilit niyang paganahin ang kanyang pakiramdam.

"Rraaaaawwrrggssss!!!" sabay-sabay na pag atake ng mga mababangis na halimaw patungo kay Morisson. Mga maliliit na goblin ito ngunit taglay ang matatalim na mga ngipin, kulay dilim ang mga balat nito at tila'y mga anino na nagtatago sa dilim.

"Hiyaaaahhhh!!!" panlalaban ng sireno habang nagpapakawala ng sipa at suntok sa buong direksyon nito. Ngunit bigo siyang matamaan ang kahit na isa sa mga halimaw dahil nagiging itim na enerhiya lamang ito sa tuwing dumadampi sa kanyang balat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon