Chapter 93 - Sky: State of Holiness

647 44 17
                                    

Sorry po sa typo's :)

Someone's POV

Nagsipag atake ang limang mga arkanghel sa kinaroroonan ni Sky sa himpapawid. Ang mga isip nito at katawan ay namamanipula ni Wayne kung kaya't kusang gumagalaw ang kanilang mga katawan ayon sa dikta ng kalaban.

Sa kisapmatang galaw, ay agad gumawa ang limang arkanghel ng formation habang nasa himpapawid na parang isang pa v-shape na porma. Sa pangunguna ni Mael ay makakatulong ang formation na ito upang mas maging mabisa ang kanilang magiging atake.

Agad na nagpalabas ng malalaking magic circles si Sky sa kanyang likuran at pinatamaan ng malalakas na light beams ang papalapit na mga archangels.

"Zzzooppppp-Vvooooogssss!!!" malakas na tira ng mga atake na gawa ni Sky at tumama ito sa limang sumusugod.

Ngunit laking gulat ng mahikero nang makita niyang hinigop lamang ng mga arkanghel ang kanyang atake. Ang formation na gawa ng lima ay isang opensa at depensa na nagsilbing undefeated na taktika nila sa pakikipagbalan.

Agad na inihanda ni Sky ang kanyang sarili at gumawa ng mahika upang ma increase ang kanyang bilis, lakas, at mga pandama ng sampung beses upang maki hand to hand combat sa mga archangels.

"Tiiiiiingggg!!!! Tiiiiiinggg!!!" sunod-sunod na atake ng mga arkanghel sa salitan ngunit maliksing mga galaw. Pero agad din itong naka counter ni Sky dahil sa increased stats niya.

Habang nasa ganoong posisyon ang mahikero ay hindi batid ng kalaban na nagpalabas siya muli ng napakaraming magic circles sa itaas ng pwesto nila.

Ilang saglit pa'y...

"Sacred Treasure release: Aurora!" saad ni Sky at nagkaroon ng mala-bahagharing liwanag na nagflash sa itaas nila na siyang nakapagpahina at nakapagpabagal sa mga kilos ng mga arkanghel.

Ang aurora na gamit ni Sky ay kayang humigop ng anumang enerhiya sa sinumang nilalang na mapapalapit rito.

Ngunit ang hindi inaasahan ng mahikero ay ang pag atake ng lima ng sunod sunod na energy balls na gawa sa light energy papunta sa pwesto niya.

Mabilis na ginawa ni Sky ang buo niyang katawan into light at pinapunta ang kanyang sarili sa ibang pwesto upang makatakas sa atake ng kalaban.

"Vvvvooooggssshhhhh!!!!" pagsabog ng mga energy balls mula sa pwesto ni Sky kanina, at ramdam ng mahikero ang lakas ng pwersa ng atake ng limang arkanghel mula sa kanyang kinaroroonan.

Kahit na mabilis ang kilos ni Sky ay agad siyang natunton ng mga archangels at muli ay nagsipagsugod ito sa kanya.

Bago pa man makalapit nang tuluyan ang mga kalaban ay mabilis muli na nagpalabas si Sky ng light shield bilang barrier nito para hindi siya matamaan ng mga atake ng mga arkanghel.

"Braaag! Braaag! Braaag! Braaag! Braaag!" pagtatama ng mga matatalim na espada ng mga archangels na animo'y mga sabik sa karahasan dahil sa mga itsura nito.

"Naloko na at nabaliktad na ang sitwasyon." saad ni Sky sa kanyang sarili at pinagmasdang maigi ang mga tagasunod niya na inaatake siya.

Ngunit batid naman ng mahikero na hindi makakalusot ang anumang ginagawa ng mga arkanghel sa malakas na shield na gawa niya. Yun nga lang, hindi oobra ang simpleng mahika lamang upang mapurify ang mga ito at makalaya mula sa pagmamanipula ni Wayne dahil sa lakas ng epekto ng kapangyarihan ng kanyang kalaban.

Agad na nagpasya si Sky na gamitin na ang taglay na kapangyarihan ng kanyang sacred treasure upang mas makalaban siya ng wasto.

Muli ay itinaas ni Sky ang kanyang hawak na espada at nagconcentrate sa sagradong porma na kanyang natutunan pagkatapos makuha ang Arthur's Sword.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon