Morisson
Nakapunta na kami ni Blake sa dimensyon ng Fluvia. Kaka-iba ang lugar na ito, napapalibutan kami ng asul na kulay na tubig at maging ang langit ay purong kulay asul rin. Parang nasa loob kami ng isang bolang napapalibutan ng tubig.
Sa inaapakan namin ni Blake ay may bloke ng lupa na sa wari ko ay ito lamang ang anyong lupa sa buong dimensyon dahil punong-puno ng tubig ang paligid.
“Parang forever naman ang tubig dito, may nabubuhay bang mga isda manlang dito?” Tanong ni Blake sa akin. Tinitigan ko lang siya ng maigi dahil sa tanong niya.
Ganun pa rin ang nararamdaman ko sa kanya sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang mukha. Noong una, hindi ako sigurado kung siya ba ang batang Blake noon na napadpad sa islang tinitirahan ko. Pero kalaunan, ay napag’isip-isip ko ang mga bagay-bagay na maaring magtugma sa kanyang pagkakakilanlan.
*Flashback
Pagkatapos akong himukin ni Aldin na sumama sa kanya upang makilala ang iba pang itinakda ay napunta ako sa isang gubat.
Sa lugar na ito ay nakilala ko ang iba pang mga sinasabing nilalang na makakasama ko. Lahat sila ay may iba-ibang kakayahan.
Pero isa sa kanila ang nakakuha ng aking pansin. Nakasalamin ang lalaking ito. Unang-una palang ay iniisip kong baka siya si Blake dahil sa salamin niya, ngunit imposible naman ito dahil isang mortal ang batang Blake na iyon.
Hanggang sa nagpakilala na kaming lahat, doo’y nalaman kong Blake din pala ang kanyang pangalan. Hindi ko mawari kung pagkakataon lamang ba ito, o siya na talaga ang batang iniligtas ko noon.
Kinagabihan noon ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil si Blake pa rin ang laman ng aking isipan. Patuloy kong iniisip ang katauhan ng batang si Blake, at si Blake na kasama ko ngayon dito sa silid.
Pareho silang makulit at madaming tanong. Ganun din ang kanilang reaksyon sa tuwing nakakakita ng mahika o kapangyarihan. Sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay parang sumisipa ang aking puso, ito yung parehong naramdaman ko noon. Isa nalang ang pwede kong gawin upang mapatunayan na siya ang batang Blake noon, at iyon ang aking nararamdaman.
Kinabukasan ay nagpresenta akong tulungan siyang mag-ensayo. Sa mga oras na iyon ay muli kong naramdaman ang matagal ko nang gustong maramdaman. At iyon ang nais na maprotektahan siya kagaya ng ginawa ko noon sa batang si Blake.
Nang gumawa ako ng harang para salagin ang apoy na manggagaling kay Drix na tatama sa aming direksyon, ay bumalik sa akin ang nangyari sa amin sa nakaraan.
At doon ko napatunayang ang batang si Blake noon at ang kasama kong Blake ngayon ay iisa. At itong damdamin ko na ang nagpatunay sa akin na siya nga iyon.
*End of Flashback
“Uhm, sorry. Hehe. Nagtatanong na naman ako ng walang sense. Hehe.” Nahihiyang sabi nito. Nginitian ko lamang siya.
“Ayos lang iyon. Siguro dito ang teritoryo ng unang tagapngalaga ng elemento ng tubig kung kaya’t dito tayo dinala ng mahiwagang orasan.” Sagot ko sa kanya.
Tiningnan ko ang malawak na sakop ng tubig sa aming harapan. Nararamdaman ko ang presensya ng isang enerhiya na minamanipula ito. Malakas ang enerhiyang ito dahil kaya niyang kontrolin ang napakalawak ng tubig na ito.
Sinubukan kong magmanipula ng tubig sa pinakagitna nito. Ito lamang ang naiisip kong paraan upang makuha ang atensyon ni Hydra.
Nagtagumpay ako sa aking balak at namanipula ko ang parte ng tubig sa gitna, ginawa ko itong parang ipo-ipo.
“Anong ginagawa mo Morisson?” takhang tanong ni Blake.
“Tinatawag ko ang pansin ng tagapangalaga para pumunta siya rito. Sigurado akong mapapansin niya ang pagbabago ng daloy ng kanyang enerhiya sa buong katubigan.” Sagot ko kay Blake na tumango lamang.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong pwersa na papalapit sa amin.
Tinigil ko na muna ang aking ginagawa at mas pinalakas ko ang aking pakiramdam. Hindi naman ako mahihirapan sa lagay na ito dahil alam ko ang presensya ng kahit na ano sa tubig.
Nakita kong sumeryoso din ang mukha ni Blake. Naramdaman rin niya siguro ang paparating na malakas na pwersa.
“Humanda ka Blake, maaring siya na ang paparating.” Sabi ko sa kanya at humakbang papunta sa unahan niya. Kailangang hindi siya masaktan dahil laban ko ito.
“Sige. Uhm, mag-ingat ka Morisson ha, k-kaya mo yan.” Nakangiting sabi niya.
‘Oo, mananalo ako sa magiging laban na ito. Dahil nais kong maging malakas upang mas maprotektahan pa kita Blake.’ Nais ko sanang sabihin iyon sa kanya pero mas pinili ko nalang tumahimik dahil batid kong nandito na ang presensya ng isang hindi ko pa kilalang nilalang.
Ilang sandali pa ay may lumabas mula sa ilalim ng tubig na isang korteng ahas na gawa sa tubig. Pula ang mga mata nito at may kalakihang taglay.
Ramdam sa paligid ang napakalakas na pwersa ng kanyang presensya. Nadama ko rin ang pag-iiba ng daloy ng enerhiya sa buong katubigan. Parang napupunta ito sa kanyang katawan. Pero hindi ako nagpasindak, kailangan kong matalo siya upang makamit ko ang aking tunay na kapangyarihan.
“Sino kayo at bakit kayo naririto sa aking daigdig?” tanong nito sa akin. Babae ang kanyang katauhan dahil sa kanyang boses. At makikita rito ang bangis niya.
“Ako si Morisson. Ang itinakda na maghahawak ng kapangyarihan ng tubig. Nais kitang hamunin sa isang laban!” Matapang na tugon ko sa kanya.
“Isang sireno mula sa ibang mundo, kaya mo ba akong talunin?” mapanghamon na tanong nito sa akin.
“Ako si Hydra, ang pinagmulan ng lahat ng katubigan sa buong kalawakan. Ako ang gumawa ng lahat ng anyong tubig na inyong tatamasa at napapakinabangan. At dahil hindi na rin naman ako nakakaranas ng isang laban, ay tatanggapin ko ang iyong hamon kahit na alam kong mabilis lang kitang matatalo sireno.” Mayabang na saad nito sa akin.
“Tatalunin kita Hydra.” Sabi ko at humakbang na patungo sa katubigan.
“Diyan ka lang muna Blake, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa aming magiging laban.” Sambit ko sa kay Blake na hindi manlang siya nililingon.
Kaya kong makaapak sa ibabaw ng tubig, dahil sa namamanipula ko na ito. Nang tuluyan na akong makalapit sa kinaroroonan ni Hydra ay tumigil na muna ako at tinodo ang aking konsentrasyon.
Sa labang ito, kailangang ilabas ko ang lahat ng aking taglay na kapangyarihan ng sa gayo’y matalo ko ang unang tagapangalaga ng tubig na si Hydra.
Naramdaman ko ang tubig sa aking paanan. Minanipula ko ito at inilibot sa buo kong katawan bilang depensa. Kailangang hindi ako mapahamak dahil hindi ko pa batid ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban.
Tiningnan ko ang pula niyang mga mata na walang kahit na anong takot. Handa na akong talunin ka Hydra!
“Simulan na natin ang laban!” sigaw ko at naghanda sa aking magiging atake.
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
