Chapter 16 - DrixEr

2.9K 131 5
                                        

Drix

Dama ko ang lakas ng pwersa ng kapangyarihan ni Blake. Mapanganib nga itong kalaban. Masyado kong minaliit ang kakayahan nito. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya!

Tumayo na ako at handa na sanang umatake ng pigilan ako ng Ramier na ito.

“Tumigil kana Drix! Nakita mong hinang-hina na si Blake oh.” Tugon nito sa akin na tinuro si Blake na akay-akay ni Morisson.

“Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin!” Sagot ko sa kanya at muli kong pinaliyab ang aking katawan. Hindi pa ako tapos.

“Tumigil ka nga! Kung lalabananan mo siya, hindi magiging patas dahil mahina na siya. Hindi ba iyun makakabawas sa pagkalalaki mo kung lalabanan mo ang dehadong si Blake?” pagtatanong nito sa akin.

Hindi ko siya dapat pakinggan, iyun ang sabi ng aking isipan, ngunit iba ang nararamdaman ng loob ko, gusto kong sundin ang mga sinabi niya.
Tinignan ko si Blake na ngayon ay pina-upo na sa may bato, mukhang mahina na nga ito. Ginagamot naman siya ng mahika ni Sky.

Tama nga si Ramier. Tss. Mukhang sa ibang panahon ko nalang muli siya kakaharapin.

“Hoy Blake! Magtuos muling tayo pag malakas kana. Palalampasin muna kita sa ginawa mo sa’kin ngayon.” Tugon ko sa kanya, at lumakad na papasok sa bahay. Nawala na rin asul na apoy sa aking katawan.

Sumunod sa’kin si Ramier. Bakit ba ako sinusundan ng isang ‘to?

“Bakit mo’ko sinusundan?” matapang na tanong ko rito nang makapasok ako ng tuluyan sa bahay.

“Gagamutin ko ang mga galos mo. Halika rito!” pilit na sabi nito at hinila ako papasok sa kwarto.

Ano itong naramdaman ko sa aking dibdib? Hinawakan lang naman niya ang braso ko eh. Tsss.

“Ayoko!” sigaw ko rito at inagaw ko ang braso kong hinawakan niya. Ang werdo ng pakiramdam ko kasi.

“Lubayan mo muna ako, kaya ko ang sarili ko!” matigas na sabi ko rito ngunit tinitigan lang ako nito ng kanyang naniningkit na mga mata.
Bakit kinakabahan ako sa mga titig niya? Hindi ito maari dahil isa akong mandirigma. Dapat matigas ako!

“Gagamutin kita. Kaya’t wag ng makulit!” sabi nito at hinila na akong muli.

Ewan ko ba, kung bakit nawalan ako ng lakas na tumanggi nang hawakan niya muli ang braso ko. Ayoko ng magtiwala muli. Ayoko nang masaktan.

Nakarating na kami sa loob ng kwarto at agad niya akong pina’upo sa higaan namin. Hindi ko rin naman namalayan ang pagtabi niya sakin kagabi dahil agad na akong nakatulog.

“Hubarin mo yang damit pang-ibabaw mo.” Utos nito sa akin, nagpantig ang tainga ko. Sino siya para utusan ako? Isa lamang siyang hamak na mahikero.

“Huwag ka ngang mag-alburuto diyan. Huhubarin mo lang naman ang damit pang-ibabaw mo para magamot ko yang mga galos at sugat sa likod at braso mo! Kung bakit kasi pinatulan pa si Blake.” galit na tugon nito saakin. Agad ko namang pinakalma ang sarili.

Sa loob ng mahabang panahon, siya palang ang unang nakapag-utos sa akin. At siya palang ang nagtaas ng boses sakin. Tss. Hindi ko rin alam kung bakit sumusunod ako sa mga sinasabi niya.

Hinubad ko na ang damit ko na may mga butas at kaunting dugo, gawa ito ng pwersa ng hangin na tumama kanina sa akin. Parang may mga talim ang hanging iyon. Ibang klase talaga si Blake. Nakaramdam rin ako ng iilang hapdi sa aking katawan at likod.

Kinuha ni Ramier ang aking sirang damit at itinabi na muna ito. Maya-maya ay may lumabas na bulak at parang likido na nakabote sa kanyang mga kamay.

Ang galing din ng Ramier na ito, dahil kaya niyang gumamit ng mahika kahit na hindi binibigkas ang engkantasyon. Pareho sila ng kambal na si Sky.

Pero bakit ko ba sila iniisip? Tss. Pinagmamasdan ko lang si Ramier na nilalagyan ang bulak ng likido, ito ay gamot siguro.

“Oh, ba’t ang seryoso mo?” paunang tanong nito saakin ng mapansin niya na tinititigan ko siya. Hindi ko lang ito sinagot.

“Medyo mahapdi itong gamot na ito ha. Pero mapapadali naman ang paghilom ng sugat mo. Batid nating pareho na hindi tinatablan ng mahika ang mga tulad mong Dragona.” Mahabang sabi nito.

Ngunit tama nga siya. Hindi kami naaapektuhan ng kahit na anumang salamangka o mahika sapagkat nalalabanan ito ng katawan namin.

Kinuha na nito ang kanang braso ko at nilagyan ng gamot ang sugat sa may bandang siko ko.

“Argh! Anu ba?! Dahan-dahan naman!” sigaw ko sa kanya ng madiinan niya ang pagdikit ng bulak sa may sugat ko.

“Mahapdi po ito! Tiisin mo po! Ang tapang ng itsura mo tapos ang lamya mo sa gamot!” sigaw rin nito sa akin. Hindi namin alintana ang ingay dahil nasa loob naman kami ng aming silid.

“Anong sabi mo?!” banta ko sa kanya pero hindi ito natakot sa akin. Sa halip, tinitigan na naman niya ako kagaya kanina. Bumabalik na naman ang kaba ko pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

Nararamdaman ko namang umiinit ang aking pakiramdam. Ganito ako paghindi nagagalit, kusang umaapoy ang aking katawan. Apoy na mapaminsala, at hindi ko pa kayang makontrol. Tsss. Pina-iinit ng Ramier na ito ang ulo ko.

“Magtiis ka kasi. Para din naman ito sa’yo. Para kung sakali mang ikaw ang maglalakbay sa susunod na araw ay wala kang iindahin dahil ayos ang katawan mo.” Seryosong sabi nito habang tintitigan ako, na nagpaatras sa aking dila. Unang beses na naman akong napatameme ng isang tao.

“Indahin mo ang kaunting sakit. At huwag kang magpapalabas ng apoy dahil siguradong tusta itong higaan natin at wala na tayong matulugan mamaya.” Dagdag pa nito, at muling dinikit ang bulak na may gamot sa aking sugat.

“Argh!” mahinang dain ko pagdumadampi ang bulak sa aking mga sugat. Ngunit nanatili pa ring seryoso sa kanyang panggagamot si Ramier.

Magandang Lalaki rin pala ang isang ito. Mapungay ang mga mata, matangos na ilong at mapupula ang mga labi. Napadagdag rin sa kagwapohan niya ang kanyang kulay lila na buhok sa unahan. Lumalabas ang pagkagwapo nito pagg seryoso nang kagaya sa ngayon.

Teka! Tsss. Ano na naman itong iniisip ko? Masyado na akong nadadala sa pinapakita ngayon na malasakit ng Ramier na ito. Ngunit hindi pa rin ako basta-basta magtitiwala kaninu man. Tsss.

Natapos na niyang gamutin ang mga sugat at galos ko sa aking katawan. Alam kong maghihilom na ito ilang sandali lamang dahil sa gamot na nilagay niya.

Binigay na niya muli sa akin ang aking damit pang-itaas na ngayon ay maayos na dahil ginamitan niya ng salamangka. Sinuot ko na ito.

Naglaho na rin ang bulak at gamot na hawak niya at tumayo na ito mula sa aming higaan.

“Tapos na kitang gamutin. Lalabas na muna ako upang kamustahin si Blake.” Sabi nito at binuksan ang pintuan.

“Ramier.” Tawag ko sa kanya bago pa man siya makalabas. Lumingon ito sa gawi ko at binigkas ko ang mga katagang una ko palang din sasabihin sa isang tao, sa tanang buhay ko.

“Salamat.” Sabi ko rito.

Ngumiti lang ito sa akin at tuluyan ng lumabas. Naiwan akong nakatunganga na nakatingin sa pinto.

Ang ngiti niya, napakasarap pagmasdan. Ang tamis ng ngiti niya. Bakit ganito ang pakiramdam ko sa iyo Ramier? Bakit?






Itutuloy. . .






The 8th Element
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon