Chapter 13 - Zeke versus Terra 2

2.8K 133 1
                                    

Zeke

Parang bumalik sakin yung time na mamatay na ako, ganitong-ganito rin ang pakiramdam noon.



*Flashback

Isa na lang akong ulila. Magmula sa pagkabata ay lumaki ako sa lansangan. 7 years old palang ako ay namatay na sina Mama at Papa. Sa lansangan ay nakikipagkarerahan ako sa pang-araw-araw na buhay para lang makasurvive, at doon na rin ako nagbinata. Wala akong naging kaibigan dahil sa kalagayan ko, pero hindi naman ako nagtanim ng galit sa mga taong nasa paligid ko dahil agad kong natanggap ang aking kapalaran sa murang edad. Hindi rin ako gumagawa ng masasamang bagay, dahil alam kong hindi ito tama.

Isang araw, nandoon ako sa may eskeneta, naka-upo at tuwang-tuwa dahil napulot akong 20 pesos sa may kanto. Sobrang saya ko noon, dahil may pambili na ako ng pagkain. Pero, hindi ko namalayang nakita pala ito ng isang grupo ng mga maangas na pulubing kagaya ko.

Pinuntahan nila ako sa pwesto ko, at pilit na inaagaw sa’kin ang 20 peso ko.

“Ibigay mo sa’kin yang pera mo!” utos ng leader nila.

“Ayoko! Ako ang nakapulot nito kaya akin ito!” sagot ko sa kanila.

“Ayaw mo talaga ha,” pagkasabi niya nun ay agad akong hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang kasama niya.

Binugbog nila ako, pero kahit na anong bugbog ang gawin nila ay hindi ko binibitawan ang 20 pesos na hawak ko. Dahil na rin sa pagpupumiglas ko ay nasipa ko ang kanilang leader.

Nagalit ito ng husto sa ginawa ko. Lumapit ito sa akin at sinaksak ako ng tatlong beses. Napahiga ako sa semento, sa sobrang sakit na natamo ko.

Kinuha nila ang 20 ko at iniwan ako sa may eskeneta. Puno ng dugo ang aking katawan at napakamanhid na din nito. Bumibigat na rin ang aking paghinga at nagsimula na akong maghingalo.

Pero bago ako malagutan ng hininga ay may nakita akong lalaki na lumapit sa’kin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil masyadong madilim sa eskenetang iyon.

“Masyado ka pang bata para mawala sa mundo.” Sabi nito saakin.

At bago ako nawalan ng hininga ay may naramdaman akong kumagat sa leeg ko.

And when I woke up, isa na akong bampira. Hinanap ko ang nilalang na gumawa sa’kin nito upang magpasalamat ngunit bigo ako.

Pinabayaan ko nalang din ang grupo na ginawan ako ang masama at nakisabay nalang sa pamumuhay ng mga mortal.

Nag-aral ako, pero pang-night shift, nagresearch tungkol sa sarili ko at iba pang mga bagay. Namuhay ako ng payapa sa loob ng mahabang panahon. Palipat-lipat ng lugar kung may naghihinala sa pagkatao ko. At minsan, sumasagip ng mga buhay na nasa panganib.

*End of Flashback



Sa loob ng mahabang panahon, ay napamahal ako sa mga mortal at sa mundong ito. Kahit na pinatikim sa’kin ng mundo ang taglay na kalupitan nito ay hindi ko pa rin magawang magtanim ng sama ng loob dito, instead, minahal ko pa ito.

‘Kaya siguro ako ang ay isa sa mga itinakda.’ I told myself. And all of a sudden, parang bumabalik ang lakas ko sa naisip ko.

Nakita kong papalapit ang malaking bato na kamao ni Terra sa kinaroroonan ko. Mukhang tatapusin na niya talaga ako. Pero hindi ako papayag, kailangan kong manalo!

“Zeke!” sigaw ni Sky na walang magawa kundi ang manood lang.

Pumikit muna ako, hindi maaring mamatay ako, binigyan ako ng pangalawang buhay kaya hindi ko sasayangin ito.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon