Sorry po sa typo's :) awwwrrr :*
Someone's POV
Mabangis na nakatitig ang metahuman kay Zeke mula sa pwesto nito sa itaas, at kasalukuyang nakatayo ang bampira sa sira-sirang lupa sa baba.
Ini-spread ni Zeke ang kanyang dalawang braso papunta sa magkabilang dulo at tumingala. Ngayo'y gagawin na niya ang pinakamalakas niyang magiging atake at depensa.
"Berserk Form!" sigaw nito at biglang pumutok ang lahat ng bagay na ginawa ng Spirit's Spear sa paligid, ang mga bulakalak at paru-paro, at naging yellow na energy ang mga ito at mabilis na pumasok sa katawan ni Zeke.
Bumaba naman sa lupa ang metahuman matapos mawala ang mga malalaking tanim na kanyang kinatatayuan kanina. Ang mga ito'y naging energy at lahat ay hinigop ng katawan ng bampira.
Habang pumapasok ang mga energy na iyon sa katawan ni Zeke ay siya namang pagtransform ng buong katawan nito.
Naging mahaba ang kanyang buhok na umabot hanggang pwet nito at nababalot ng yellow na energy. Naging batak din ang porma ng mga muscles nito kung saan napunit ang mga kasuotan ng bampira, at ang kamay at paa niya'y naging parang sa isang lion na may matatalim na kuko. Medyo nagbend din ang katawan ni Zeke at lumabas ang dalawang matutulis niyang pangil sa kanyang bibig. Para itong isang beast, napakagandang beast sapagkat nababalot ang ibang parte ng katawan nito ng yellow na energy at purong dilaw ang mga mata nito.
"Grrroaaaarrrr!!!" sigaw ni Zeke matapos magtransform sa kanyang pinakamataas at pinakamakapangyarihang anyo - ang Berserk Form, kung saan binibigyan nito ang kanyang katawan ng lakas at liksi na pareho ng mga malalakas na mythical beasts sa kasaysayan.
Ang lahat ng mga ito'y napag-aralan ni Zeke matapos makuha ang Spirit's Spear at tila'y kusang nakuha ng bampira ang knowledge na bigay ng Spear ukol sa kalikasan at kalupaan. At sa nagdaang araw, ay naperpekto niya ng husto ang kanyang mga estilo ng pag atake, pati na rin ang tatlong phases na ginamit niya kanina.
Ngayo'y kapwa nagkatitigan ang dalawang mababangis na nilalang sa magkabilang dulo, si Xiro, ang metahuman na ngayo'y sinlaki ng higante ang umuusok na katawan, at si Zeke, isang fully developed vampire at kasalukuyang nasa Berserk Form nito.
Sa isang iglap ay mabilis na sumugod sa isa't-isa ang magkalaban.
"Rraaaagggsshhhh!!!" pagkasira ng lupa na kanilang kinatatayuan dahil sa lakas ng kanilang mga bwelo.
Kapwa nagsalubong ang mga kamao nila.
"Booooogssshhh - Rrraagggsssshhh!!!" tunog na nagmula sa mga suntok nila na siyang ikinasira ng lupa. Kapwa malakas ang pwersang binigay ng dalawa.
Matapos iyon ay agad na nawala sa pwesto niya si Zeke at lumitaw sa itaas ng kalaban, at nagpakawala ito ng malakas na suntok.
"Vvvrraaaagsssshhh!!!" pagsasalag ng kalaban habang naka cross ang mga braso nito at nasira nang muli ang lupang kinatatayuan niya.
Sa mabilis na kilos ay parang hangin na nawawala at lumilitaw si Zeke sa buong direksyon ni Xiro at bawat paglitaw nito'y nagpapakawala ito ng malalakas na suntok.
"Vvvrraagggg!!! Vvvraaaggg!!! Vrraaaagggg!!!" pagtatama ng suntok ng bampira sa katawan ng metahuman. Bawat atake ay sapol sa matigas na katawan ng metahuman at hindi ito nakaka-iwas sa mga atake ng bampira.
Hanggang sa...
"Hhhhaaaaaarrrrrrr!!!!" sigaw ni Xiro nang tuluyang magalit sa pinaggagawa ni Zeke at mas lumaki pa ang buong katawan nito.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
