Sorry po sa typo's :) uwerrrrk :*
Someone's POV
Nagsimulang sumugod ang unang hanay ng kalaban sa kinatatayuan ni Drix, at mukhang nananabik ang dragona sa makasaysayang labanan na ito sapagkat matagal na panahon ng hindi siya nakakatuntong sa ganitong klaseng battlefield.
Agad na hinampas ni Drix ang kanyang hawak na malaking palakol sa pataas na direksyon.
"Sacred Treasure release: Taal and Mayon's Wrath!" sigaw nito at umilaw ang nagbabagang talim ng kanyang palakol sa kulay asul na energy nito, at biglang nagsilabasan ang maiinit na apoy at lava mula sa kalupaan sa kanyang harapan.
"Ppppsssss - Vvooorrggssshhhh!!!" basgik ng tunog ng nagbabagang mga apoy at lava na pumuputok papunta sa itaas, at parang naging isang malaking bunganga ng bulkan ang pwesto sa harapan ni Drix sa mabilis na pangyayari.
"Aaaaarrrrrkkkkkk!!!" sigaw ng mga kalaban at maging ang mga lumilipad na mga nilalang ay hindi nakaligtas sa pagbulusok ng lava at apoy papunta sa himpapawid.
Sa isang iglap, bumaha ng lava ang buong lugar sa pwesto ni Drix ngunit hindi manlang siya nito nasusunog. Napakatikas ng postura ng dragona habang nakatayo sa gitna ng lava at hawak ang kanyang malaking palakol. Kita ang kumpiyansa at lakas nito.
Dahil dito ay hindi nakalapit ang ibang mga kalaban dahil kung gagawin nila ito ay siguradong matutusta sila ng wala sa oras.
Ilang saglit pa ay biglang gumapang ang yelo sa mula sa pwesto ng kalaban at nilamon nito ang nagbabagang lava na gawa ni Drix. Nabatid ng dragona na kapangyarihan ito ng isa sa mga heneral ni Eliazar na si Caroline, ang ice witch queen. Mabilis na gumapang ang puting yelo na iyon papunta sa kinatatayuan ni Drix.
Bago pa man makalapit ang yelong iyon sa kinaroroonan ni Drix ay tumalon ito ng napakataas at sa ginawa niyang iyon ay nakita niya ang pangalawang hanay ng kalaban at sa likod nito'y si Caroline na nagyeyelo ang lahat ng tinatapakan nito.
Hindi na nagpaghuli pa si Drix at umatake na siya sa pangalawang pagkakataon.
Habang nasa ere ay inangat nito ang kanyang malaking palakol.
"Sacred Treasure release: Cruel Sun!" matigas na saad ni Drix at biglang nagkaroon ng kulay asul na fire ball sa dulo ng naglalagablab na Axe na hawak niya at sa ilang sandali pa'y lumaki ang fire ball na ito na may lapad na 1000 meters. Sobrang laki nito at maikukumpara ito sa isang maliit na araw dahil sa taglay na init at liwanag nito.
"Hhmpp!" sambit ni Drix at hinampas pababa ang kanyang palakol, kasabay nito ay ang pagbulusok ng malaking kulay blue na fire ball papunta sa direksyon ng kalaban.
Nagsipagtakbuhan ang iba sa mga kasapi ng kadiliman dahil sa lakas ng pwersa ng atake ni Drix at napakaliwanag ng paligid, ngunit lahat sila'y nahagip ng napakalakas na atakeng iyon ng dragona.
"Zzzopppppp - Vvvrrooooggsshhhhh!!!" mabilis na pagtama ng malaking fire ball na iyun sa kalupaan at sumabog ito ng napakalakas.
"Aaaaaahhhhhhhhh!!!" sigaw ng mga kalaban habang natutunaw sa init ng apoy mula sa atake ni Drix.
Makaraan ang ilang saglit ay makikita mula sa himpapawid ang napakalaking butas sa kalupaan dahil sa impact ng malaking fire ball sa lupa. Binabalot ito ng asul na apoy at umuusok ang buong paligid. Mukhang isang nilalang lamang ang nakaligtas sa malakas na atakeng iyon ni Drix, at iyon ay si Caroline na kasalukuyang umuusok ang buong katawan.
Batid niyang malakas ito dahil kaya nitong makaligtas sa kanyang mainit na apoy.
Mula sa pwesto ni Caroline ay tumingin ito sa direksyon Drix, binabalot ng itim na dark energy ang mga mata nito na mukhang wala ring buhay na nakatayo at nakikipaglaban.
Naghanda si Drix nang makitang kinumpas ni Caroline ang kanyang kanang kamay papunta sa direksyon niya. Kasabay nito ay ang pagbulusok paitaas ng mga matutulis na glaciers na gawa sa ice.
"Sshhhheeekkkksssss!!!!" ragasa ng malalamig at matitigas na yelo papunta sa direksyon ni Drix.
Muli ay inangat ni Drix ang kanyang malaking palakol.
"Sacred Treasure release: Mythical Beast - Blazing Phoenix!" sigaw ng dragona at umilaw na namang muli ng kulay asul na enerhiya ang mga talim ng axe niya.
Kasabay nito ay ang paglabas ng kulay asul na apoy sa kanyang paligid at pumunta ito sa likod ng dragona. Sa mabilis na kilos ay biglang lumitaw ang kulay blue na phoenix sa kanyang likuran.
"Uuuurrrrrrkkkkkkk!!!" huni nito at inispread ang kanyang malalaking pakpak sa magkabilang direksyon upang maglabas ng isang napakalakas na solar flare.
Agad na nalusaw ang mga yelo na atake ni Caroline ilang metro sa pwesto ni Drix sa himpapawid dahil sa labis na init na nilabas sa solar flare ng mythical beast.
Sa kasalukuyan ay parang isang sagradong nilalang ang dragona na may malaking mythical beast sa kanyang likuran, na umiilaw at naglalagablab ng kulay blue na apoy at energy.
"Uuuuuuurrrrkkkkkk!!!" muling huni ng phoenix na mas lalong pinalakas ang solar flare niya. Parang nagkakaroon ng wave ng blue na energy na tumutunaw sa paligid nito.
Ilang saglit pa'y nabalot ng mga tunaw na glaciers ang kalupaan sa pwesto ni Caroline.
Gamit ang kaliwang kamay ni Drix, ay kinumpas niya ito na siya namang paggalaw ng phoenix sa likod niya na wari'y sumusunod ito sa galaw ng kanyang kamay.
Mabilis na tinutok ni Drix ang kanyang kaliwang kamay papunta sa kalaban at kasabay nito ang pagbulusok ng napakalaking phoenix upang atakehin si Caroline.
"Uuuuuurrrrkkkkkk!!!" huni muli ng phoenix na parang isang comet na rumaragasa paibaba.
"Zzzzzuuupppp - Vvvvoooorrggssshhh!!!" isang malakas na pagsabog ang makikita sa paligid dahil sa solidong impact ng atake ni Drix.
Umilaw muli ng kulay blue na liwanag ang buong lugar at mukhang sumisigaw ang nagbabagang asul na apoy sa kalupaan.
Batid ni Drix na hindi pa niya natatalo ng tuluyan ang kanyang kalaban kaya minanipula niya ang apoy sa paligid ni Caroline at pinaikot-ikot niya ito.
Sa pagkakataong ito'y, nasa gitna ang katawan ni Caroline sa isang ipo-ipo na gawa sa asul na apoy.
Ngunit, umuusok lamang ang katawan ng kalaban at tila'y hindi apektado ng labis na init at apoy na pumapalibot sa kanya. Nakatayo lamang ang walang buhay na si Caroline sa gitna, at parang walang nararamdaman sa ginagawa ni Drix.
Tumingala muli si Caroline at kasabay nito ang pagbulusok ng malalaking ice spikes mula sa kinatatayuan nito.
"Sssshheeksssssshhhhh!!!" tunog na nagmula sa biglang pagragasa ng yelo na siyang nakapatay sa asul na apoy sa paligid ni Caroline. Binalot na namang muli ng yelo ang buong paligid ni Caroline at sa mga oras na ito'y, mas malamig na ang temperatura sa pwesto niya.
Naging seryoso si Drix matapos mamasdan ang lakas ng kapangyarihan ni Caroline. Dahil nagawa nitong makaligtas at patayin ang lahat ng apoy na minamanipula niya. Sa tingin niya'y mahihirapan siyang tunawin ang yelo ni Caroline sa pagkakataong ito dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura.
Ilang saglit pa ay ang pag ulan ng nyebe sa paligid na ikinataka ni Drix. Alam niyang hindi ito normal, at mabilis niyang napagtanto na parte ito ng kapangyarihan ng kanyang kalaban.
Hindi na naka react pa si Drix nang biglang lumitaw ang katawan ni Caroline sa harapan niya at hinawakan nito ang kanyang dibdib at kasabay nito ay ang mabilis na pagyeyelo ng buo niyang katawan pati na rin ng kanyang hawak na palakol.
'Hindi maari!' sambit ni Drix sa kanyang isipan nang tuluyan niyang maramdaman ang pagtigas ng buo niyang katawan.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
