SOLD TO THE MAFIA BOSS

10.3K 201 1
                                        

Sophie's POV

Humahangos akong nakarating sa restaurant kung saan sinabi ni Daddy na magkakaroon kami ng dinner kagabi. Naroon na silang lahat, busy sa pagkukwentuhan habang ako ay mukhang kagigising lang dahil sa gulo ng buhok ko. Buong bilis kasi akong tumakbo para lamang makarating dito. 

"S...Sorry I'm late." pabulong kong sabi nang maupo ako sa tabi ni Seb na kaagad na ngumiti sa akin nang makita ako. 

"Ayos lang, Sophie. At least nagpunta ka." sabi naman ni Daddy.

"Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, Sophie? Magd-dinner tayo with a very important person tapos ang tanging suot mo lamang ay white t-shirt at pantalon? At tignan mo pa iyan buhok mo, parang kagigising mo lang, e." biglang komento ng stepmother ko. 

Napayuko na lamang ako. "P...Pasensiya na po. Galing pa kasi ako sa school kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit."

"Okay lang 'yan, Sophie. Kahit na basahan pa ang suot mo, maganda ka pa rin." ani Seb upang pagaanin ang loob ko pero kaagad ko namang nakita sina Samantha at Sera na nakatingin sa kanya nang masama kaya kaagad ko siyang siniko.

"Baliw ka ba? Kung sinasabi mong pangit kami, parang sinabi mo na ring pangit ka." inis na sabi ni Samantha.

"Stop that childish argument, okay? Malapit nang dumating ang bisita natin kaya ayusin niyo na ang mga sarili ninyo." paga-awat ni Dad.

"I'm still curious kung sino ba ang bisita na iyon." bulong ni Aunt Natalie.

Tumingin sa kanya si Dad saka nagsalita. "Makikilala niyo rin siya mamaya."

Kaagad ko namang inayos ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko para naman kahit papaano ay hindi ako mukhang sinapian kapag dumating na ang sinasabi ni Dad na bisita namin. Sa totoo lang, maging ako ay napapaisip kung sino kaya ang bisita na iyon. Para kasing sobrang importante niya para paghandaan siya nang ganito ni Dad. Although maya't maya kong nakikita si Daddy na umiinom ng tubig na tila ba kinakabahan siya.

"Sophie, may na-composed akong bagong kanta. Kailangan mong marinig ito!" biglang bulong sa akin ni Seb.

"Talaga? Pwede ko na bang marinig ngayon?"

"Sure!"

Mabilis na inilabas ni Seb ang phone niya. Ipapasak niya na sana sa tainga ko ang earphone nang bigla na lamang kaming may narinig na mga yabag papunta sa direksiyon namin. Lahat kami ay napalingon sa direksiyon na pinanggagalingan niyon. Bigla na lamang tumayo si Dad, kaya naman pati kami ay napatayo na rin.

Isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na mga suit ang naglalakad papunta sa direksiyon namin. Actually, familiar sila sa akin, hindi ko lang talaga maalala kung saan ko sila nakita. 

"Mukha silang miyembro ng isang gang, o hindi naman kaya ay mga secret agents." bulong sa akin ni Seb.

Nang makalapit na sila sa amin ay bigla silang luminya at gumawa ng daan sa gitna. Mula roon ay bigla na lamang dumating ang isang matangkad na lalaki sa gitna.  Walang ibang maririnig kundi ang yabag niya. Suot niya ang isang itim na tuxedo kung saan kitang-kita kung gaano siya ka-maskulado. Ang itim niyang buhok ay naka-slicked back. May hawak siyang sigarilyo sa kanang kamay habang bumubuga ng usok. 

Napatitig ako sa kanya. Nang matignan ko siyang maiigi ay doon ko lamang naalala kung sino nga ba siya. Nanlalaki ang mga mata akong napaturo sa kanya. "I...IKAW?!"

Lahat sila ay napalingon sa akin, pati na rin iyong lalaki. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako. Ibinato niya sa sahig ang sigarilyong hawak niya saka iyon inapakan bago ngumiti sa akin. "We meet again."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon