GETTING TO KNOW

7.4K 112 0
                                        

Sophie's POV

"What do you want to ride?" tanong ni Vincent as akin nang makarating na kami sa amusement park.

Tumingin ako sa paligid namin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil first time kong makapunta sa amusement park. "Gusto kong sumakay sa ferris wheel!"

"I thought you would say you want to ride me instead."

Masama akong tumingin sa kanya. "Pwede bang tigilan mo ang pagiging pervert mo kahit na sandali lang?"

Nagkibit-balikat naman siya. "I can't help it. Especially when I'm with you."

Umirap lamang ako saka naglakad papunta sa may ferris wheel. Napaka-pervert talaga ng isang iyon. Sabi ko na nga ba at hindi talaga niya kayang hindi maging manyak kahit isang araw lang!

"Ma'am, please go inside." sabi sa akin ng isa sa mga staff ng amusement park.

"Okay," sagot ko naman saka pumasok sa loob. Isasara niya na sana ang pinto pero bigla na lamang sumulpot si Vincent.

"Don't close it yet, I'll go inside."

Halata namang nagulat ang babae sa kanya. Nakatitig lamang siya kay Vincent habang nagsasalita. "O..Okay, Sir."

"Akala ko ayaw mong sakyan ito?" tanong ko kay Vincent.

"I didn't say anything like that." tugon niya naman.

Mas masaya sana kung hindi nalang siya sumakay dito. 

"I'll close the door now, ma'am and sir. Please enjoy the ride!" maligayang sabi ng babae bago niya tuluyang isinara ang pinto.

"Excited na ako.." bulong ko.

Kaagad akong napahawak kay Vincent nang bigla na lamang gumalaw ang ferris wheel. "S..Sorry."

"It's alright. Go on and hold me as much as you want."

"Mangarap ka."

"Dahan-dahang gumagalaw ang ferris wheel at kami naman ay umaangat. Hindi ko maiwasang mapahanga habang tinitignan ang napakagandang view. Tuwid akong nakaupo habang pinagmamasdan ang iba pang car na kasunod namin. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang papaliit nang papaliit ang mga tao sa paningin ko. 

Gustung-gusto ko naman ang sumakay sa mga rides, pero takot din talaga ako sa mga matataas na lugar. Nagpapawis na ang noo ko habang ang mga kamay ko naman ay nanlalamig. 

Buong akala ko pa nga ay magf-freak out na ako nang naging mas mataas pa kami, pero imbes na gawin iyon ay mas lalo pa akong humanga sa ganda ng view. Kitang-kita ang malapit na beach pati na rin ang araw na mukhang papalubog na. "Ito ang unang beses kong makapunta sa amusement park."

"Huh?" nabigla si Vincent nang bigla na lamang akong nagsalita.

"Well, nadala naman ako ng mommy ko sa amusement park dati bago siya mamatay, pero matapos niyon ay wala na."bumuntong-hininga ako. "Nang mamatay siya, wala na akong ibang nagawa kundi ang tumira sa mansiyon ng daddy ko. Nawalan na ako ng time para sa sarili ko. Hindi rin ako gaanong nakakalabas dahil parati akong busy sa mga gawaing-bahay at sa pagsisilbi sa kanila."

Hindi nagsalita si Vincent. Nakatingin lamang siya sa akin. 

Bigla ko na lamang naramdaman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya kaagad kong pinunasan iyon gamit ang kamay ko. "Hindi naman ako nagrereeklamo. Sila rin naman ang dahilan kung bakit wala akong problema sa mga expenses sa school. Sila ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa isang magandang school.Sa isang mamahaling school pa. Kaya tingin ko wala akong karapatang mag-reklamo."

"If they care about you, why would they treat you like a damn maid? Are they even your family?" doon lamang nagsalita si Vincent. 

"Anak lang ako ni Daddy sa katulong nila noon. Nagkaroon sila ng relasyon kahit na kasal na siya kay Aunt Natalie. Napalayas si mommy sa mansiyon nang malaman ng pamilya ni daddy ang tungkol doon. Namuhay siyang mag-isa at pinalaki ako. Hanggang sa isang araw bigla na lamang nagpakita ang daddy ko saka sinabing gusto niya akong kunin mula kay mommy." humikbi ako. "Walang stable job ang mommy ko kaya mahirap din para sa kanya na ibigay ang mga kailangan ko. Pero masaya ako sa kanya. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya.."

Sumandal si Vincent sa dingding ng ferris wheel. "Then, what happened?"

"Kinuha ako ng daddy ko mula sa kanya. At dahil alam ng mommy ko na hindi niya rin kayang ibigay ang lahat ng kailangan ko, ibinigay niya ako sa kanila. Tapos nagkasakit siya, sinabi na lang sa akin ni Daddy na namatay na si mommy isang araw. Napakalungkot ko noong araw na iyon. Hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala siya..."

"So, that's the reason why it was so easy for that old man to give you to me."

Tumingin naman ako sa kanya. "Walang choise ang Daddy ko. Ginawa niya lang iyon dahil pinagbantaan mo siyang papatayin mo ang pamilya niya."

"I never asked for his children. He offered you to me first."

Napayuko na lamang ako. Sandali pa kaming nanahimik bago siya muling nagsalita. "Me too, I never experienced going here even once."

"H..Huh?"

"This is the very first time I got to ride a ferris wheel. The very first time I went to an amusement park."

Napatitig ako sa kanya. Sa hindi ko malamang dahilan ay tila ba may naaninag akong lungkot sa mga mata niya. "My pareents didn't care about me, they only cared about my older brother."

"M..May kuya ka? Hindi ko alam iyon."

"It's not important anymore." sabi pa niya. "I don't even want to remember them, anyway."

Nag-iba na lamang ako ng tingin. "Okay."

Mukhang ayaw niya akong magtanong tungkol sa personal niyang buhay.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon