PLANNING ABOUT VINCENT'S BIRTHDAY

4.3K 79 0
                                    

Sophie's POV

"Ano?! Alam na ni Dr. Jacobs ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa ni Vincet?!"

Tumango ako saka yumukyok sa desk ko. "At ngayon hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya. Nahihiya ako dahil itinago ko iyon mula sa kanya. Sigurado ako ngayon iniisip niyang gusto kong pagsabayin silang dalawa ng kapatid niya."

"Tingin ko wala namang pakialam si Dr. Jacobs doon."

"Ano? Kungsabagay, may girlfriend na siya kaya ano namang pakialam niya kung kasal na ako o hindi?"

"Kawawang Sophie. Anyway, may napakagwapo ka namang asawa kaya wala ka nang dahilann para malungkot pa riyan."

At pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalang iyon ay kaagad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. "T..Tungkol doon..."

"Ha?"

"S..Sab...M..Muntik nang may mangyari sa amin..." bulong ko matapos tumingin sa paligid namin. 

Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa sinabi kong iyon. "A..Ano?! May nang--

"H..Hinaan mo ang boses mo.."

"Oh my God, Sophie.... Oh my God... papatayin mo yata ako. Totoo ba 'yon?"

"O..Oo.."

Huminga muna siya nang malalim bago muling tumingin sa akin. "Paano? Bakit hindi natuloy? I mean, asawa mo naman siya kaya bakit hindi--

"Naka-inom lang kaming dalawa kagabi. Mabuti na lamang at hindi ako sobrang lasing kaya nagawa ko pa siyang pigilan. Noong huhubarin niya na ang damit ko, kaagad ko siyang itinulak palayo saka sinabing hindi pa ako ready."

"Ano bang problema mo, Sophie?! Bakit mo naman pinigilan? Iyon na ang pinakamagandang mangyayari sa buhay mo!"

"Sab, hindi ko siya mahal. At wala kailanman sa isip ko ang gawin iyon kasama ang taong hindi ko naman mahal."

Umiling-iling siya. "Hindi ko talaga alam, Sophie. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng isip meron ka."

"Pero alam mo, may na-diskubre ako tungkol kay Vincent."

"Alam mo, mas may mad-diskubre ka kung hinayaan mo lang siyang gawin iyon."

"Hindi, hindi tungkol doon. May binanggit kasi siyang pangalan ng babae kagabi."

"Babae? Sino naman ang babaeng 'yon?"

Sumandal ako sa kinauupuan ko. "Monica. Monica ang pangalan niya."

"Monica? Sino siya? Kapatid niya?"

"Sab, I don't think babanggitin niya ang pangalan ng kapatid niya habang naghahalikan kaming dalawa. Isa pa, sa pagkakaalam ko wala naman silang babaeng kapatid. Si Lance lang ang kapatid niya."

"Talaga? Edi sino pala 'yon?"

"Hindi ko alam. Siguro ex-girlfriend niya?"

Tumango naman siya. "Tingin ko rin... Well, ang ibig sabihin lang niyon aay hindi lang ikaw ang in love sa ibang tao."

"Tama."

"Sophie, hinahanap ka ni Mr. Jacobs." biglang sabi sa akin ng isa sa mga classmate namin. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Sabrina bago ako tuluyang tumayo at naglakad palabas ng classroom namin.

Ano kayang kailangan niya sa akin?

Ramdam ko ang paglamig ng mga kamay ko nang sumilip ako sa labas at nakita si Lance na nakasandal sa may pader at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. 

"D..Dr. Jacobs?"

"Sophie." ngumiti siya. "Pasensiya na sa istorbo, pero pwede ba kitang makausap kahit na sandali lang?"

"Huh? Oo naman."

***

"Sophie, pwede ba akong humingi ng pabor mula sa'yo?" tanong sa akin ni Lance nang makarating na kami sa may university garden.

Tumingin ako sa kanya. "F..Favor?"

"Alam mong birthday ni V bukas, hindi ba?"

"B..Birthday niya bukas?"

"Hindi mo alam?"

Umiling-iling naman ako. "M..Muntik ko nang makalimutan..."

"It's alright. Baka hindi niya pa nababanggit sa'yo."

"M..May plano ka ba?" tanong ko.

"Plano ko sanang surpresahin siya. Alam mo na, matagal-tagal na rin kasi mula nang magkita kaming dalawa at matagal na rin magmula nang nag-celebrate kami ng birthday niya nang magkasama. Gusto kong maging special iyon at gusto kong malaman niya na hindi ko nalimutan ang birthday niya."

Tumango naman ako saka ngumiti sa kanya. "Napaka-sweet mo talagang kuya. Parati mo siyang iniisip."

"Dahil kapatid ko siya. Responsibilidad ko ang alagaan siya."

"So, paano kita matutulungan?"

"Gusto ko sanang tulungan mo akong maghanap ng regalo para sa kanya. Ikaw ang asawa niya, kaya tingin ko ikaw ang makakapag-bigay sa akin ng tamang advice at suggestion." sabi niya saka ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin dahil masyadong maganda ang ngiti niya at baka lalo pa akong mahulog sa kanya. "H..Hindi rin kasi ako magaling pumili ng regalo. Hindi ko rin alam kung anong ibibigay ko sa kanya."

"Sigurado alam mo. Isa pa, sigurado naman akong kapag ikaw ang pumili, magugustuhan ni V iyon."

Ngumiti na lamang ako. 

Palinga-linga lamang siya sa garden habang ako naman ay hindi maiwasang mapatitig sa kanya. Bigla ko na lamang napansin ang sugat sa may kaliwang gilid ng labi niya. 

"Dr. Jacobs." tawag ko sa kanya. 

Kaagad naman siyang lumingon sa akin. "Hmm?"

"Nakipag-away ka ba?"

Hindi siya kaagad nakasasgot na para bang nagulat din siyaa sa tanong ko. Itinuro niya ang sugat niya saka pilit na ngumiti. "Ito ba? Wala ito, huwag mong isipini. Oo nga pala, tutulungan mo akong maghanap ng regalo para kay V, hindi ba?"

"O..Oo naman."

"Salamat, Sophie. Ikaw talaga ang best sister-in-law."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang sabihin niya iyon. 

Tama, sister-in-law niya lang naman ako.


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon