May physical copy na po ang Mafia King's Innocent Bride at available na po ito for pre-ordering! I-click niyo lamang ang link ng g-form below at sagutan!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfSiQmDHE3jHGOj4TM4spTC4ee8sqWvwHI389bcqeto5JOlOw/viewform
Reminder! Basahing mabuti ang nakalagay sa g-form bago i-submit!
Maraming Salamat! ☺️💗💐
**********************************
Sophie's POV
"And why should we hire you?" tanong sa akin ng isa sa mga interviewer.
Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa kanila.
Kaya mo iyan, Sophie.
"Because I can do whatever it takes to be a teacher assistant. I can deal with kids and I love teaching them."
Tumangu-tango lamang sila habang binabasa ang iba pang nakasulat sa resume ko. Oo, naga-apply ako ng trabaho kahit na hindi pa ako graduated ng college. Kaya nga ganoon din kahirap para sa kanila na ipasok ako. Pero gusto ko talaga ito.
"So, Laurens is your surname? Are you perhaps affiliated with Mr. Albert Laurens?"
"Yes, he is my father."
Kaagad na nanlaki ang mga mata nila nang sabihin ko iyon. Nagtinginan silang dalawa saka sabay na tumayo at yumuko sa akin. "G..Good morning, Miss Laurens."
Pag-aari ni Daddy ang eskwelahan na pinaga-applyan ko, pero hindi ko naman gusto na dahil lamang anak niya ako ay makapapasok na ako nang ganoon na lamang.
"N..Naku, hindi niyo na po kailangang maging ganiyan ka-formal sa akin. Aplikante lang din naman po ako rito!" tugon ko habang pilit silang pinapaupong muli. "G..Gusto ko lang naman po sanang malaman kung... p..pasok po ba ako?"
"Of course, Miss Laurens! You are now one of our assistant teachers! And you can start whenever you want!"
Halos mapatalon na ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula sa kanila. "T...Talaga po?! Pasok na ako?! Naku! Maraming salamat po!"
"You're very welcome, Miss Laurens! It's an honor for us to have you here in our school!"
"Maraming salamat po!"
May napakalaking ngiti sa mga labi akong lumabas ng kwartong iyon nang matapos na ang interview. Ang tagal ko na rin kasi talagang gustong maging isang teacher. Iyon din ang pangarap para sa akin ni mommy noon, bago siya mawala. At ngayon, unti-unti ko nang natutupad iyon. Sigurado akong napakasaya niya para sa akin. Kahit na sa tingin ko, nakapasok lang naman ako dahil sa apelyido ko na Laurens. Ang daddy ko na si Albert Laurens, ay kilala bilang isa sa pinakamayamang Business Tycoon sa bansa. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay mayaman din ako. Lahat ng mayroon siya, hindi ko pag-aari. Anak niya lang naman kasi ako sa labas. Nagkaroon siya ng relasyon sa isa sa mga maid nila noon kahit na may asawa na siya, at ako nga ang naging bunga niyon.
Dahil sa takot na baka palayasin si Daddy at itakwil siya ng pamilya niya, si mommy na ang nag-pasyang umalis upang itago na rin ako mula sa kanila. Pero hindi nag-laon ay nalaman din iyon ng grandparents ko kaya naman ginamit nila ang kapangyarihan nila para malaman kung nasaan ako saka ako kinuha mula kay mommy. Sinubukan kong lumayas para bumalik kay mommy, pero nakuha rin nila ako ulit. Hanggang sa isang araw, sinabi na lamang nila na namatay na si Mommy. At pumunta ako sa libing niya, nang mag-isa.
Magmula noon, tumira na ako sa napakalaki nilang mansiyon kasama ang mga stepsiblings ko. Kung iniisip niyo na namumuhay ako nang magarbo dahil Laurens ang apelyido ko, nagkakamali kayo. Dahil wala akong ibang ginawa kundi ang mag-silbing maid nila. Nagluluto, naglilinis, naghuhugas ng pinggan, lahat ng gawain ng isang maid ay ginagawa ko. Iyon ang kapalit ng pagtuloy ko sa bahay nilang iyon. At marahil, ang parusa nila dahil anak ako sa labas.
"At saan ka na naman nagpunta, Sophie?" nakapamewang na tanong sa akin ni Samantha, pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng mansiyon.
"N..Nag-apply lang ako ng trabaho."
Si Samantha ang panganay na anak ni Daddy sa legal wife niya. Mayroon kasi silang tatlong anak. Dalawang babae, at isang lalaki.
"Trabaho? Bakit? Hindi pa ba sapat iyong binibigay sa'yong monthly allowance ni Daddy?"
"G..Gusto ko lang kasi talagang magturo sa mga bata..."
Umirap lamang siya. "Whatever. Basta siguraduhin mo lang na matatapos mo ang mga assignment ko ngayong gabi. Bukas na ang deadline ng mga 'yon."
"Okay."
"Hoy, Sophie!" sigaw naman sa akin ni Sera, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Naglakad siya palapit sa akin saka may iniabot na isang piraso ng papel. "Bilhin mo ang lahat ng iyan, at huwag mo kalilimutang magpunta sa bahay ni Harold para sabihing nakikipag-break na ako sa kanya."
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. "B..Bakit hindi ka nalang makipag-break sa kanya ng personal?"
"Shut up! Basta magpunta ka nalang doon at sabihin mo iyon sa kanya! Sawa na akong makinig sa mga drama niya ano!"
Hilig talaga ni Sera ang makipag-date sa kung sinu-sinong lalaki sa eskwelahan nila tapos makikipag-break din siya kapag sawa na siya. Pero hindi naman iyon ang problema. Ang problema ay ako parati ang pinipilit niyang kumausap sa mga lalaki para gumawa ng kung anu-anong dahilan ng pakikipag-break niya. Actually, nauubusan na nga rin ako ng idadahilan kung minsan.
Papasok na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, pero bigla ko na lamang nakita ang bunso nilang kapatid na si Sebastian na naglalakad papunta sa akin nang may napakalaking ngiti sa mga labi.
"Seb!"
"Sophie! May bago akong nai-compose na kanta! Kailangan mong marinig!" masaya niyang sabi sa akin.
Si Seb ay dalawang taon ang tanda sa akin. Hilig niya talaga ang pag-compose ng kanta noon pa man. Sa kanilang tatlo, siya lamang ang close ko.
"Talaga? Sige, pakinggan natin mamaya kapag natapos na akong magpalit ng damit, okay?"
"Okay!"
Matapos niyon ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...